Presentation

87 9 1
                                    

Min Ji's POV

~Sayonara no Mae ni let go De mo ko-

Pindot ko yung dismiss ng alarm clock at bumaba. Nakita ko may pag-kain na sa table pero asan si kuya Jin?


"Kuya Jin!" Sabi ko. Walang sumagot. Pumunta ako sa ref at may nakita akong note.

~Note~

Dongsaengs, kumain na kayo dyan, may hinanda na akong pag-kain. Umalis na ako kasi sabay kami mag-lalakad ni ate Jisoo nyo.

Love,
Jin, worldwide handsome.

Ewww, worldwide handsome bagang. Di joke lang. Gwapo talaga yan si kuya. Lahat ng kuya ko gwapo, nagmana ako sa kanila eh, of course maganda. Hehe. Umupo na ako at pag-katapos kong kumain ay umakyat ako para gisingin sila.

"Kuya Nam Joon, Gising na. May PAGKAIN na sa baba." Sabi ko na diin dun sa pagkain.  Bumangon na sya at bumaba. Sunod naman ay pumunta ako sa kwarto ni kuya V.

"Oppa, gising na. Mag-coconfess ka pa kay ate Jennie ah. Agahan mo para pag-lunch break natin ay kayo na." Bumangon sya sa sinabi ko. Pumunta sya sa CR.

"Kumain ka ha? Baka, di ka na naman kumain. Sayang yung pagkain." Tumango sya. Pumunta na ako sa CR at naligo, nag-hilamos, nag-toothbrush at nagbihis sa school uniform ko. Tinuyo ko yung buhok and as usual di na ako nagmake-up. Kinuha ko na yung bag ko at nag-sapatos. Bumaba na ako.

"Joonie oppa, Taehyung oppa, alis na ako."

"Sige." Sabi nila

"Ingat." Sabi ni Joonie oppa. Lumabas na ako at nag-lakad papuntang school. Pagpunta ko sa school ay dumiretso na ako sa classroom. Nakita ko na nag-uusap sina Taeyong at Seulgi. Umupo ako sa tabi ni Irene.

"Irene, dumating na si Jimin?" Sabi ko at umiling sya.

"Yiee, hinahanap." Asar nya.

"Baliw, hindi." Sabi ko.

"Wala pa, bakit? Kasi ba kausap ni Seulgi si Taeyong at kala mo nakita nya at nag-walk out sya?" Nanlaki mata ko.

"Pa'no mo-" Tapos biglang pinangunahan nya ako.

"Sabihin mo sa kanya, masyado syang obvious." Sabi ni Irene.

"Sino pang nakaka-alam nito?" Tanong ko

"Ako, Si J-Hope, Jungkook, Suga, Jennie, Lisa." Sabi nya, Shete.

"Wag mo nang sasabihin dun sa iba, lalo na kay Seulgi!" Bulong ko. Tumungo sya, biglang dumating si Jimin. Ngumiti sya sa'kin at biglang nakita nya si Seulgi na kausap si Taeyong. Nawala yung ngiti nya at umupo nalang sa upuan nya. Pinuntahan ko sya.

"Huy, ang lungkot mo na naman." Sabi ko.

"Huy, tanda mo pa yung steps?" Tanong ko, tumango sya.

Fake Girlfriend (Jimin FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon