Chapter 48

10 1 0
                                    

Hena POV

Nandito kami ngayon ni kyler sa grandstand naka upo habang tinitigan ko siyang naka tingin sa malayo habang nakangiti na di man lang umabot sa mga mata niya. Balak ko na sabihin sa kanya, siguro ito na yung tamang panahon, gusto ko nang sabihin sa kanya ayukong mag sinungaling! pero sa tuwing titingin ako sa mukha, natatakot ako. Ayuko siyang saktan.

"Mahal kita" sabi niya pero di ako tinitingnan, buti nga para di niya makita yung pangigilid ng luha ko.
"Alam mo bang sobrang saya ko nung naging tayo? Sabi ko sa isip ko ako na yung pinaka masayang tao" Di parin ako sumasagot.
"Hindi nga ako makatulog nun dahil iniisip ko pa din yung oras nung sinagot mo ko" tumingala na lang ako para di tumulo yung luha ko, ayukong umiyak sa harapan niya. Bumuntang hininga muna ako bago nag salita.

"K-kyler may sasabihin ako" ito na sasabihin ko na, sana makayanan ko to.
"Sige ano yun?" Tanong niya. Bumuntong hininga muna ako bago ulit nag salita.
"A-aalis ako" sabi ko tas yumuko. Nagtataka ako kung bakit di man lang siya nagalit o na bigla.
"Payag akong aalis ka, pero bakit?" Tanong niya kaya napa angat ako ng tingin. Nakita ko kung pano mangilid yung luha niya hanggang sa tumulo ito pero agad din niya itong pinunasan. Sorry.
"Ipapakasal ako sa iba" bulong ko pero sapat na yun para marinig niya. "Sorry kung nag sinungaling ako sayo, matagal ko na dapat 'tong sinabi pero--" napatigil ako sa pag sasalita ng bigla niya akong niyakap kaya di ko na pigilan at sunod sunod ng tumulo yung luha ko. Sorry pero kaylangan ko 'tong gagawin.
"Sshhh wag kang mag sorry ok?" Ramdam ko yung panginig ng boses niya kaya naiiyak ako, ayuko nito! "Mahal kita kaya gagawin ko lahat" dagdag niya.

Kahit pono ng luha ang mga mata ko di parin makatakas sa paningin ko yung isang lalake. Isa lalake na alam kong pina dala ni dad para patayin si kyler pag di ako makipag hiwalay. Sorry kyler sa gagawin ko pero ito lang ang paraan para mailigtas kita, maiintindihan kita kung magagalit ka sakin, ok lang kung sa pag balik ko meron ka ng iba. Pero sana mahintay mo ko.

Humiwalay ako sa yakap niya at tiningnan siya sa mata, umiiyak siya.
"K-kyler sorry" sorry sa gagawin ko, alam kong di mo ko mapapatawad pag ginawa ko 'to.
"Bakit?" Tanong niya, mukha siyang na guguluhan. Pinahidan ko muna yung luha ko bago nag salita.
"Let's break up" nakita ko sa mukha niya yung pagkabigla.
"Kaya ba makikipag hiwalay ka sakin kasi ikakasal ka sa iba?" Tanong niya, tumango lang ako. Bigla naman siyang nainis nung tumango ako.

"Tangi- aish! hena naman please wag mong gawin 'to! suko ka na agad!? Di lang naman ikaw yung ipapakasal sa iba ah! Ako din! Pero nakipag hiwalay ba ko sayo!? Hindi diba? Kasi pinag laban kita kaya sana ikaw rin"

Wala na akong ibang maintindihan. Paulit ulit kong naririnig sa isip ko yung mga salita. Salita na bumigay sakin ng kaunting saya, saya dahil sa pag alis ko'y hindi ka magiging malungkot, saya dahil hindi ka na mag iisa dahil nandiyan na siya. Salamat sa kanya.

Ngumiti muna ako sa kanya.
"Iba yung sakin kyler, meron sa'king mawawala. Isa taong pinakamamahal ko. Yung nag paramdam sakin ulit ng pagmamahal, kung pano ulit mag mahal, siya yung nag paramdam sakin ng kakaiba na hindi ko pa naramdaman nung di ko pa siya na kilala, lahat ginawa niya para sakin sa kunting panahon na mag kasama kami. Sa kunting panahon na yun wala siyang iba ginawa kundi gawin LAHAT. Kaya sa pag kakataong ito, hayaan mong ako naman ang gagawa para mailigtas siya." Sabi ko.

"Kaya ba makipag hiwalay ka sakin para sa kanya?" Para sayo.
"Oo,sobra ko kasi siyang mahal kaya ayuko siya mawala." Ayaw kitang mawala.
"Ganun mo ba talaga siya ka mahal?" Ganun kita ka mahal.
"Oo"
"So hindi mo ko mahal?" Oo,kasi mahal na mahal kita.
"Mahal kita"
"Sinong mas mahal mo saming dalawa?"
"Siya" Siya dahil ikaw yun.
"Kaya mag hiwalay na tayo" dagdag ko. Hindi siya sumagot pero niyakap niya lang ako.

"Kung sa kanya ka masaya. Pero asahan mong nandito pa rin ako para sayo" di na ko sumagot pa at niyakap ko na lang siya ng mahigpit.

Kumalas na siya ng yakap kaya lumayo na ko at tinitigan siya. Di ko to makakalimutan ang lalakeng 'to.

"Sobrang gwapo ko diba?"

O.o

"Wait, san banda?"
"Grabe ka ha! Sabihin mo na kasi ang gwapo ko nahiya ka pa!" sabi niya tas nag smirk. Aba! Ang hangin ah!
"Sige ang panget mo"
"Mahal mo naman, hahaha"
"Sobra kaya mag tigil ka!"
"Sige na nga hahaha baka lumipad pa ko nito, pero picture tayo!" Sabi niya kaya pumayag na ko. Huling picture na mag kasama kami.

"Aish! Ang gwapo ko talaga!" Sabi niya at nag acting na parang problemado -__-

"Tsk, nahawaan ka na ni duane" sabi ko, totoo naman pag nakaharap yun sa salamin wala ng bukambibig kundi 'ang gwapo ko talaga' 'hirap talaga pag gwapo' 'bakit ba kasi ako pinanganak na gwapo' yun buti na lang ang na adopt ng isang 'to yung 'ang gwapo ko talaga' -__-

"Ang pandak, tara na nga hatid na kita please!" Pag mamakaawa niya. Syempre pumayag na ko last na to. Bukas sa makalawa sa mga susunod pa, wala na to.

----

"Salamat sa pag hatid, mag ingat ka, bye" mamahalin pa kita. Sabi ko tas lumabas na.
"Syempre! Sige alis na ko mahal ko--ops, good bye na lang hehehe!!" Sabi niya habang nakangiti at umalis. Nakita ko pa siyang kumaway kaya kumaway din ako pabalik.

Yung dating I love you ngayon Good bye na lang.

Pag pasok ko nakita ko naman silang nagtatawanan. Sana ganyan din sila kahit wala na ko.

"Hello! Hena!" Bati ni pauline. Bigbig talaga nito.
"Oh ano?" Tanong ko at umupo sa tabi ni sophia.
"Wala hahaha, ganap?" Ayun! -__-
"Tuloy bukas" sabi ko, tumahimik naman sila. Here we go again -__-

"O to the M to the G, STD!" Sophia yan -__-
"Kayo pa din?" Langya ka sam!
"Wala na, sige akyat muna ako" hindi ko na hinintay yung sagot nila.

Pag sirado ko ng pintuan dun ulit tumulo yung luha ko. Wala na ba talaga kami? Hanggang dito na lang ba kami?

Wala na dahil yan sa bwesit na lalakeng ipapakasal sakin!! Kung hindi dahil sa kanya masaya pa kami!! Nang dahil sa kanya wala na! Walang wala na.
"BWESIT KA ALAM MO YUN!!!??" Sigaw lang ako ng sigaw dito sa kwarto ko habang kanina pa sila sam kumakatok sa pinto nag tatanong kung anong nangyayari o ok lang daw ako, madami silang tinanong sakin pero miski isa wala akong sinagot. Hindi ako ok at hinding hindi ako magiging ok. Tiningnan ko ng mabuti ang madilim kung kwarto, hindi ko man masyado maaninag yung kabuo-an alam kong ang gulo na pero wala akong pake.

Ilang oras pa akong umiyak ng umiyak hanggang sa makatulog ako.

---

Nagising ako mula sa sinag ng araw na tumatama sa mata ko kaya gumulong ako pakaliwa at the hell! Ang sakit ng noo ko kaya gumulong ulit ako pa kanan pader na agad? Napa tayo naman ako ng marealize kong sa sahig pala ako natulog. Di ko man lang naramdaman sumakit likod pero wala ng masasakit sa puso ko.

Mamaya na pala flight ko. Pumunta na ko sa banyo para maligo, pero bago yun pumunta muna ako sa salamin.
"Ang laki ng maleta sa mata ko" sabi ko tas pumasok na sa banyo.




DONT FORGET TO VOMMENT AND FOLLOW ^__^

That DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon