Prologue

222 57 4
                                    

Blood from my head streamed down my face... and I could not even move my body I guess, because of the misaligned bones in my back due to the impact that the other car caused. I closed my eyes with the searing pain I was feeling. I could also feel the blood in my feet, it paralyzed half of me. Oh God!

I tried to shout and ask some help, but even my mouth would not want to cooperate, as if it was enduring its own pain.

Isang bagay na iniisip ko sa mga oras na iyon, ayaw ko pang mamatay, kahit na gustong gusto ko ng mawala sa mundong ito. Pinilit kong galawin ang kanang kamay ko para sana kunin ang cellphone na nahulog sa paanan ko. Kahit ramdam ko ang sakit ng buong katawan, nakayanan ko pa ring abutin iyon.

Naramdaman kong gumalaw ang aking sasakyan kaya nataranta ako! I fell on a cliff! Tanging sanga lang ng puno ang sumusuporta sa sasakyan and any time from now, pwedeng bumigay ito at tuluyan na akong mahulog sa mataas na bangin.

Dali-dali kong pinindot ang number ng nag-iisa kong kaibigan pero out of coverage ito. Sunud naman ang number ng kasamahan ko sa trabaho, pero nag ring lamang ito. Come on! Answer the phone, please! Ilang beses ko siyang tinawagan pero hindi talaga siya sumagot. Halos lahat na ng list of numbers na nasa phonebook ko, maski yung mga hindi ko close, tinawagan ko na rin, nagbabaka-sakaling baka may maka-tulong sa akin. Pero nanlumo lamang ako ng ni-isa sa kanila, wala man lang sumagot.

Mas lalo ko lamang naramdaman gaano ako hindi ka-importante sa mga taong nakapaligid sa akin, kamag-anak ko man o kaibigan. Oo nga naman! Sino ba naman ako sa kanila para sagutin ang pangalan kong tumatawag sa mga phone screen nila? O baka pa nga hindi naka save ang number ko kasi nga wala silang pakialam sa akin.

Sobra akong nasaktan sa mga iniisip ko noong mga oras na yun, na mas ikakamatay ko pa ang sakit na yun kaysa sa sakit na ipinaparamdam sa akin ng mga natamo kong sugat.

Biglang bumalik sa akin ang kagustuhan kong mamatay na lang at maglaho nang parang ulap. Kasi kung mananatiling ganito ang buhay ko... kung ito ang buhay na mayroon ako, hindi ko na gugustuhin pang mabuhay muli. Hindi ngayon, hindi sa kabilang buhay, hindi sa susunod na buhay.

Isang oras na ang lumipas at masuwerte ako na hindi pa tuluyang nahuhulog ang sasakyan. Hindi ko alam ang gagawin ko nang mapagtantong hopeless ang sitwasyon na iyon. Hindi ako makagalaw dahil sa katawan kong na-paralyzed na. At kung gugustuhin ko mang gumalaw, hindi pwede kasi baka mawalan ng balanse ang sasakyan.

Tinitigan ko lamang ang mga punong nasa harapan ko. Para silang sumasayaw dahil sa malakas na hanging dumadampi sa mga dahong mayron sila. Hindi ko alam, pero sa mga sandaling iyon, napangiti ako. Siguro nga'y hindi katulad kong imprisoned sa mga sarili kong insecurities in life, sila nama'y malaya at puno ng buhay.

Just like how colors were perfectly made - blue colors the sky and sea. Yellow lights the sun, and grey expresses boredom.

Para bang ang langit at dagat, may kulay asul. May kulay berde naman ang mga puno. Tapos ang dilaw, nagbibigay ng liwanag sa araw. Buti pa ang mga kulay, may direction, may pupuntahan.

Ako kaya?

I mean, I have plans and dreams, sino bang tao ang wala nun? And I want to reach them, I want to achieve my goals - I have direction, that's certain. In fact, I'm working for it to happen. I am working hard.

Pero ang ibig kong sabihin, buti pa ang mga kulay, may purpose. They exist purposely with an intangible reason... and that's to color things and give them life.

I am not saying I don't have a purpose. Pero kasi maski ako, hindi ko alam ang gusto kong mangyari. Ano ba talaga ang gusto ko? Paulit-ulit ko yang tinatanong sa sarili ko. Kasi sa sobrang dami nang gusto kong mangyari, hindi ko na alam kung saan ang totoo.

The Living Dead (Tragic Story #2)Where stories live. Discover now