Chapter 12

65 41 2
                                    

Suicide





"Yung totoo!"

Naiirita na ako sa pangungulit sa akin ni Susana. Nasa bukirin pa rin ako ng mapansin na nitong huling dalawang araw ay madalas siyang makipag usap sa akin. Tungkol sa mga dapat pagtuunan ng pansin pagdating sa pagtatanim. Ilang minuto siyang magsasalita na iyun ang topic hanggang sa lilihis at mapupunta kay Hendard.

Tinatanong kung paano kami nagkakilala at mukha raw na malapit kami sa isa't isa. Sinasagot ko naman ang mga iyun, subalit ramdam ko ang inis kapag ang tono ng boses niya ay nag iiba kapag si Hendard na ang pag uusapan. Kaya naman nang sa wakas ay naitanong niya ang gustong malaman...

"Nililigawan ka ba nun?" naka taas ang kilay habang nakahalukipkip dahil todo ang mga tanggi ko na may gusto siya sa akin.. o may namamagitan sa amin.

"Hindi nga."

Madiin kong sabi, hindi na makontrol ang kanina pang pagka-inis.

"Sige, sabi mo yan ah!"

Umalis siya at nagtungo sa gawi ng mga kaibigan niya, kay Adelita at Maricel na kasama sina Moises at ang iba pa.

Sa araw na iyun, nagsidatingan ang mga gamit na pinrocure para sa mga magsasaka. Kaya tumulong ako sa pamamahagi nito. Dala ang listahan ng bibigyan at ang mga equipment na ipapamigay, nagtungo akong muli sa bukirin, galing sa opisina di kalayuan.

Si Manang Isadora ang nilapitan ko para ipaalam sa kanya na nasa opisina na ang mga hiniling nila at maari ng kunin. Ipinakita ko rin ang listahan at nakisuyo na kung pwede ay ipaalam sa iba.

"Diego!" tawag niya sa asawa na nasa itaas na parte ng bukirin. "Halika at may ibabalita ako!"

Nagtungo sa gawi namin si Mang Diego. Inulit ni Manang Isadora ang sinabi ko at madali namang bumalik si Mang Diego sa mga kasamahan upang ibalita ang nalaman.

Limang magsasaka kabilang si Mang Diego ang dumating sa opisina. Naroroon si Sir Alejan kaya siya na mismo ang namahagi nito. Syempre tumulong ako. Ilang balikan din ang ginawa nila dahil marami rami ang mga kasangkapan na dumating. Nagpa salamat sila kay Sir Alejan, sa akin bago umalis dala ang mga huling gamit na binalikan. Sari sari ang mga iyon, halos lahat ng ginagamit ng isang magsasaka. There are hand sickel, shovel, spade, picaxe, hoe, and some machines needed for the farming.

Mabuti na lamang at natanggap nila iyun bago pa man ang pag ani dahil mahihirapan sila kung sakali. May mga gamit pa naman sila pero dahil may kalumaan na ito at hindi naayon sa uso, napapatagal ang trabaho nila.

"Balita nina nanay dumating na raw ang mga kasangkapan!"

Dahil maagang natapos sa bukirin ay nagpasya akong dumaan muna sa mansyon para makita si Tonett. Nadatnan ko siyang nag aayos ng mga plato sa kusina. Tumango ako. Tinulungan ko siya sa ginagawa. Nasa hardin sina Senyora at Senyor kaya bumati ako kanina nang makarating. They asked me about some things in the farm and give me luck for my first class tomorrow. Ganun din si Tonett.

"Kumpleto na ba ang mga gamit mo? Bag, lapis, papel, pang kulay, notebook at pencil case?" alam kong nagbibiro siya pero natawa pa rin ako.

"Ano ako, elementarya!"singhal ko. Siya rin ay napatawa sa sariling biro.

"Inayos ko yun kagabi sa bahay." ipinasok ko ang ilang pinggan sa loob ng malaking kabinet. "Nga pala Tonett.. kamusta na ang kapatid mo?"

Naikuwento niya na nagkasakit ang bunso nilang kapatid.

"Ayun, maayos na. Lagi kasing naglalaro sa labas." reklamo niya.

Iniwan niya ako saglit sa kusina at pumunta sa likuran ng mansion. Ako na ang tumapos sa ginagawa niya. My phone vibrated. Kinuha ko iyun mula sa bulsa ng damit tsaka binuksan ang group chat namin.

The Living Dead (Tragic Story #2)Where stories live. Discover now