Chapter 19

50 31 1
                                    

Therapy





Ang daming oras na pinigilan ko ang sariling lumuha. Marami ang pagkakataon na pinili kong huwag magpadala sa damdamin kapag ang lahat ay gumuguho na. Madalas, sa mga araw na labis akong nalulungkot, idinadala ko na lang sa pag-inom ng mga alak. Isinasantabi ko ang anumang pwedeng mag-trigger ng mga luha sa paraang ibukod ang sarli, malayo sa mga taong masasaya at walang problema.

Parati ay mag-isa lamang ako. Sa lahat ng panahon. Sa lahat ng oras. Hindi ko hinayaang ikabit ang sarili sa mga taong nakilala o nakasalumuha. Pinagbawalan ko pa lalo ito nang mapansing umaasa ako sa iba, na inaasa ko na bigla ang kasiyahan sa mga nakapaligid sa akin. Na sa isang iglap, naka depende ang kasiyahan ko sa kung sino ang kasama ko.

Hindi ko gusto ang sitwasyong malapit ang loob ko sa kaibigan. Kaya nung mga unang araw ko dito sa bayan ay kailanman, hindi nagpakita ng interes na okay lang ang magkaroon ako ng kausap. The best term to describe what I have been doing is isolation. I have been isolating myself. Not physically because I still talk to some people and hang out with them, somehow. But I isolated myself emotionally and psychologically.

I chose to live years ago. But I am a living dead who just went on and on and on, just like that. Nothing so special. My wall is so high and strong and firm and unbreakable. That is why I am confident that I will never be attached to something, more so to someone. I am confident that my broken heart will never be broken again, the second time around.

I did what I did to protect myself. Hindi dahil wala ng pag-asa sa buhay ko. Hindi dahil wala na akong pakialam sa kapalaran ko. In the eyes of other people, I am a person who treats herself so indifferent. Walang pag-asa, walang patutunguhan, walang pupuntahan.

No. I have directions. I survived everything. Nalampasan ko ang sunod sunod na dagok ng buhay. I continued to live and chose to move on from all those bullshit tragedies. I told myself if I'll do that, hindi na ako katulad ng dati. Kung noon, bago pa man ang lahat, ay para na akong robot na walang emosyon, I was certain, I would be a living dead.

But life throws me surprises. I met people in various settings. They are good and I swore I would do everything to not let them make me happy. I swore hard before that there would be no kind of happiness that might change my point of view. And the surprise reveals itself. Little did I know, I was trusting them all again. Not the trust you think it is. It is the trust of giving them every right to make you happy, or otherwise, sad.

A trust that enable you feel the relief and serenity. Because at night, you will sleep thinking there are people out there who cares for you, who thinks of you, who treats you special.

I trusted them! And now I am suffering.

I thought I would never be broke again. Ang akala ko, yun na ang maaring pinaka matindi na pwede kong maranasang sakit. Akala ko, yun na ang huli. Kaya pinagbigyan ko ang sarili. Pinili ko ang panandaliang kaligayahan.

At ngayon, ang dating inilibing na mga luha, ang akala kong ubos na, ay patuloy sa pagbuhos mula sa mga mata. Hindi na ako makahinga dahil sa sipon na bumabara sa ilong. Ang mga mata ay mapupula at mahahapdi na rin.

"B-bakit d-dimo s-sinabi na may sakit k-ka?" sa gitna ng paghagulgol ko.

Sinubukan niya akong lapitan pero umatras ako ng ilang hakbang. Hinayaan ko siyang makita ako ng ganito. Pero hindi ang hawakan ako sa ganitong lagay.

"I am sorry." nanlulumo ang mga boses niya. Ang mga mata ay nanghihina na.

Muli kong nakita sa mga mata niya kung gaano siya kamiserable. Kung gaano kalaki ang problemang itinago niya noon pa man.

Kung bakit madalas, sa mga maliliit naming lakad, parating ang mga katagang "gusto kong gawin ito kasama ka" ang siyang lumalabas sa mga labi niya. Ang mga minsanan niyang pagpapaalam sa akin dahil hindi kami makakapag kita, ay ang mga araw na sumasama siya sa kanyang kuya upang mag undergo ng treatment.

The Living Dead (Tragic Story #2)Where stories live. Discover now