Chapter 15

62 39 1
                                    

Flow of Time





Maingay ang palenke, isang araw ng magpasya si Tonett na pumanta kami roon. Samo't sari ang tinda sa kalye at ang mga bendor ay nag-aalok ng kani-kanilang paninda. Holding tight my bag, with Tonett who walks very comfortably in the market, my mind is wondering.

"Ah.. Tonett, bakit nga pala tayo nandito?"

Alam kong may pamimilihin kami para sa paghahanda ng kaarawan ni Senyora pero bakit sa magulo at maingay na palengke?

"Ano? Hindi kita narinig!" halos pasigaw iyon na sabi ng kaibigan.

"Sabi ko, bakit tayo nandito?!" ginaya ko ang lakas ng boses niya.

Nakakapagtaka lang na ang mga gagamitin para sa kaarawan ng isang Senyora Sallima ay bibilhin sa palengke?

"Syempre para mamili! Ikaw kung gusto mong mag swimming diyan!" she let out laughter. Kahit kailan, mapang asar talaga ang isang ito.

"Ang ibig kong sabihin, bakit dito? Gagamitin natin ang mga bibilhin sa pag decorate hindi ba?"

It's not as if this place doesn't have malls or more decent shops or something.

"Bakit hindi ba pwede dito?"

"Kaarawan iyon ni Senyora kaya.. hindi ba dapat ay may pagka-sosyal ang pamimilihan?"

Nalagpasan namin ang parteng puro damit ang nagtitinda. Ngayon, puro pang-decorate ang naka display sa bawat stall na nakikita ko.

"Bayan ito ni Senyora kaya okay lang na ang mga gamit ay dito bibilhin. Mayaman sila oo, pero sila yung taong hindi ipinapahalata ang stado sa buhay. Madalas nga ay sumasama pa siya noon kay nanay na mamalengke. Syempre hindi na ngayon dahil matanda na."

Tahimik akong tumango. Naglilibot ang mga mata ko sa kinaroroonan namin. Punong puno ito ng mga panindang sinulid, karayum, butones, at iba pang pang stitch.

"Nay, isang dosena nga po rito pati dito.. at dito na rin."

Lahat ng kakailanganin para sa dekorasyon ay binili namin. These little details are important according to Tonett. Dahil ito raw ang magiging pondasyon ng paghahanda. Pondasyon? I didn't get it at first but when we started the decoration, I understand what she meant.

Sobrang naging abala siya sa pag-aayos ng lahat. Mula sa labas hanggang sa loob ay sunod sunod ang tagubilin kina Susana, Adelita at Maricel na ngayon ay nilalagyan ng style ang mga table cloth sa hardin. Ako ay nakasunod lamang para sa mga maliliit niyang utos. Si Tonett, ginawa talaga akong personal assistant! Dalawang araw na lang din ay ang kaarawan na ni Senyora.

Sabay kaming pumasok nina Moises at Susana sa Unibersidad nang matapos managhalian nang hapong iyon. Dahil pareho kaming tatlo na galing sa mansiyon at pareho ring may pasok ng alauna hanggang alas dos y media, tinahak namin ang daan palabas nito.

I was quietly listening to these two. Nag uusap sila. Although Susana's friends are mean to me in some way, Susana still treats me well than them.

"Ikaw ba Zari.. may dadamitin kana ba sa kaarawan ng Senyora?"

The two are talking about what to wear during the birthday celebration. Inaya pa nga ni Susana na mag color coding daw sila nitong si Moises. Though there was refusal in his face, looking at me in a boyish way, he waited for my answer.

"Si Tonett na raw ang bahala."

"Hmm! Basta yung akin, dapat maganda at kaakit akit! Kaya Moises, piliin mo ang tamang kulay dahil makikita mo ang tinutukoy ko!"

"Ah.. sige.."

Tipid na ngumiti ang kasama naming lalaki. Parang hindi sigurado na pumayag siya sa mungkahe ni Susana. Nahuhuli ko din siyang sumusulyap sa akin ng pasekreto, kapag hindi nakatingin sa kanya si Susana at nasa malayo ang mata.

The Living Dead (Tragic Story #2)Where stories live. Discover now