Chapter 16

62 41 1
                                    

Game





Nalulunod na ako sa mga memoryang paunti-unti akong nilalamon. Sa ganoong posisyon, natanaw ko si Hendard mula sa pinanggalingan ko kanina. Maluha-luha ang mga mata, mas lalo pa iyong gustong maiyak dahil sa presensya niya.

"May problema ba?"

"Wala!" pinahid ko ang ilang luha na tumakas mula sa mga mata.

In this life, how long are you going to deny yourself?! Pinagalitan ko ang sarili sa isipan. Kailan ba ang oras na magpapaka totoo ka?

He sighed heavily and closed the distance between us. Nagkaroon ako ng pagkakataon na matitigan siya ng malapitan. Itinaas ang kanang kamay at pinahid ang mga luhang natitira sa aking pisngi. Gaya ng kung gaano kapait ang ngiting ibinigay ko sa kanya, ganun rin ang ngiting ipinapakita niya sa mga oras na iyon.

Behind his sad smile is my catastrophe. Just now, I realized that it is not because my life is full of tragedies. I am like this because I am vulnerable, a weak soul inside the body of a strong and pretentious woman.

"Kung ganun, bakit may mga luha diyan?"

I am scared that with one simple question from him, I will break down anytime. His eyes drifted to my shoulder. Sinundan ko iyon at doon ko lamang namalayan na nawala ang pagkakatali ng ribbon, bahagyang ipinapakita ang ilang bahagi ng aking kayumanging balat. I was going to tie it when I felt his hands doing it otherwise.

I felt flames inside as I watch him. Napaka seryoso niya habang tinatali ang ribbon. It was slow and careful. After, his eyes met mine. We stared for each other and all I can see his passion and.. burning desire, mixed with longing and lonesome.

"Bakit ka nandito? Tapos ka ng makipag usap sa mga babaeng kausap mo?"

Halos mabasag ang boses ko nang tinanong ko iyon.

"Sa lahat nang mapapansin mo, yan pang parte na yan?"

"At bakit hindi? Ang saya mo habang kausap sila ah."

Sa lahat ng mga bagay na kinakatakutan ko, ang magiging sagot niya sa bawat tanong ko ang yayanig sa akin. It is scary that I am willing to listen and believe.

"Dahil hindi naman dapat." his jaw clenched. His eyes are bloodshot. He then swallowed hard.

"Kasi gusto kita."

Nalaglag ang panga ko dahil sa confession niya. Mas lalo akong natakot at kinabahan. Lalo na at titig na titig siya sa akin. Dahil roon, hindi ko mahabol ang sariling hininga. Nabibingi na rin ako sa tunog ng puso. Mabilis iyong tumitibok na akala mo gustong kumawala sa dibdib.

He looks at me as if weighing my soul. Hindi ako agad nakasagot. Hindi ko mahanap ang mga tamang salita. It was just too much that I can't put into words.

At nang mahanap ko ang dapat na sabihin, sumagi sa isip ko ang kanyang ina. Si Fiona Culler. Our first meeting gave me such trauma.

"Hindi pwede!"

"Bakit? Nanliligaw na ba sayo yung kaibigan mo?"

"Syempre hindi!" I spat angrily.

"Hindi pero nakahawak sa braso mo at nasa bisig ka niya? Sige sabihin mo, kung hindi dahil sa kanya, ano?"

"Walang kinalaman dito si Moises kay-"

"Moises ang pangalan niya, huh? Binabanggit mo ngayon, dito sa ating dalawa?"

"You brought it up!" bumibilis na nga ang tibok ng puso, tumataas pa ang dugo ko sa kanya.

Bumuntong hininga siya. "Nagseselos ako."

The Living Dead (Tragic Story #2)Where stories live. Discover now