Chapter 14

63 43 3
                                    

Insecurities





Hindi ko alam kung bakit hindi ako naging kumportable sa mga titig ni Fiona Culler nang gabing iyun. I kept wondering of her sudden change of mood. Her flickering eyes when she met mine. Her smile perished in a blink of an eye. Ipinakita niya iyun sa mahinhin na paraan pero mas lalo lang ako nabagabag sa iniisip na hindi niya ako nagustuhan. I am not sure but it would have mattered to me if she liked me.

My mind is occupied. Sa sobrang dami ng nasa isip ko nung araw na iyon, halos walang pumasok sa utak ko habang nag-le-lecture ang professor namin. May ibinigay siyang pagsusulit kaya halos hindi ko iyon nasagutan! May ilan pa siyang instructions sa amin bago umalis sa silid ng aralan at ang mga iyon ay hindi ko matandaan! Kung hindi pa ako nagtanong sa katabi ay baka ma-miss ko ang unang assignment namin.

As I walked past the classrooms to go to our Main Library, I am spacing out. Hanggang sa makarating rito ay nasa malayo pa rin ang isip. Nagbalik lang ng hingiin ng Librarian ang aking borrowers card. I wrote the two books I wanted to borrow. They are the reference for our first assignments. Nang makuha ang mga libro, muling nawala ang isipan. Again, I am spacing out.

Hindi ko alam kung bakit binagabag ako ng mukha ni Fiona Culler. Naglalaro iyun sa isipan. I shouldn't overthinking. Baka hindi niya nagustuhan ang pangalan ko? Hindi na iyun mahalaga. Hindi naman ako ganito dati. Wala akong pakialam sa iniisip ng iba o sa pahayag nila. Subalit, nitong mga nakaraang araw, napapadalas ang pagiging conscious ko. Dumarami rin ang mga emosyon na nararamdaman ko. Iba't iba. Iba kapag kasama si Hendard. Iba sa presensya nina Susana. At iba kapag may mga bagay na nagpapaalala sa akin ng nakaraan.

Nasaan na ang ipinangako sa sarili na magiging robot na walang emosyon? Nagiging mababaw na ba ako sa nagdaang panahon at ang bilis kong makaramdam ng kalungkutan o biglang maawa sa sarili?

Naabala ang pag-aaral ko ng todo. I lost my concentration and even present in my classes, I learned nothing! Naging matindi pa ito nang matanaw si Fiona Culler sa entrance ng mansiyon na nakikipag usap kay Senyora. Kalaunan, pumasok din sila.

"May bisita si Senyora, Manong Cuerpo?" tanong ko sa security guard, sinisigurado kung tama ba ang nakita ko at baka nag-ha-haluccinate lamang ako.

"Yung designer niya."

Tama nga ako. I am not hallucinating. She is here! Sa hardin ako dumaan para direstsu sa likuran at sa kusina makapasok. Maingat kong binuksan ang pinto sa likod ng kusina. Dahan dahang ipinasok ang sarili nang sumulpot sa harap ko si Tonett. Nagulat ako at napahawak sa dibdib. Nahulog ang mga hawak na libro.

"Anong nangyari sayo? Bakit diyan ka dumaan?" Pagtataka ni Tonett.

Pinulot ko ang mga nahulog na libro. Tumuwid ng tayo at tumikhim.

"May tinignan lang sa hardin kaya dito na ako dumiretsu."

"Eh bakit gulat na gulat ka?"

"Sinong hindi magugulat sa biglaan mong pagsulpot! Para kang multo!" I exclaimed.

"Wow. Hiyang hiya ako sa panunuot mong parang elemento!"

Hindi ko na pinuna ang huli niyang sinabi. Halos mabali ang leeg ko kakatingin sa sala, para kung naroroon sila ay hindi ako roon pupunta. Kasalukuyang nagluluto si Tonett ng pang hapunan. Ibinaba ko ang bag at ang mga dalang libro para tumulong sa paghiwa ng mga sangkap.

"Malaki ang iluluto ko sa gabing ito."

"Dito ba maghahapunan ang bisita ni Senyora?"

"Oo. Pero dahil abala sila sa pagsusukat at kung ano ano pa diyan, ipapahatid na lang itong hapunan nila sa kwarto ni Senyora. Tapos tayo, kasama sina Susana ang kakain sa iba!" masigla niya itong sinabi.

The Living Dead (Tragic Story #2)Where stories live. Discover now