Chapter 10

67 42 1
                                    

Time and Hills





Kahit hindi gutom ay nagluto ako para lang sa kanya. Habang hinihintay na maluto ang kanin dahil luto na ang fried egg at chicken frank na pinirito ko, ipinagtimpla ko siya na kape. Lutang siyang nakaupo sa lamesa habang nakatitig sa akin pero ang atensyon ay nasa ibang bagay. His thought was ruled by something else.

"Magkape ka muna." I handed him the cup of coffee.

Naninibago ako sa mga kilos niya. Ibang iba sa personalidad na pinapakita niya. I feel like not asking because I don't want to bother his thoughts or give him more to think about. Pero ako naman itong hindi mapakali dahil sa presensya niyang walang kabuhay buhay.

"What's wrong, Hendard?" I sighed. "Or.. did someone left you?"

Naiisip ko na baka may kinalaman dito si Iara. After all, the last time they talk, it was not good. I put myself in Hendard's situation. Let's say I am him and there's someone I love. At yung taong yun, sasabihan ako na tigilan na ang lahat lahat, maski ang pananahimik ng puso kong may gusto sa kanya? Baka nga masaktan ako niyan.

Humigop siya sa kape. Itinuon niya ang tingin sa akin.

"Trust me, I wanted to tell you. But I couldn't. Give me time, Zari and I swear I'll tell you.."

Ang alin? What the hell! He's making it worst. The last time I check, ako ang dapat na may issue.

"At least give me hints kung bakit ka ganyan? Iba ka rin eh noh! Babaligtaran mo ako? Ako dapat ang namomroblema dito kaya bakit ka ganyan?"

Honestly, I don't want to look back. Or mention something in the past pero totoo naman, dapat ako nga at hindi siya ang umaasta ng ganyan.

Halo-halong expression ang nakikita ko sa mukha niya. Galit na nag-aalala at parang may kinakatakutan.

"You chose it! I asked you and you didn't say it! Paano ko malalaman ang nararamdaman mo kung ganyan? Ano ba, nagalit ka ba? Naintindihan mo ba ang pinag-usapan namin ni Iara? Or you only know of the half of the story and I was already misunderstood? Pwede ba akong mag paliwanag? Ano?!"

Okay, teka bakit parang nalipat sa akin ang subject? Taas baba na ngayon ang dibdib niya sa mga tanong at bugso ng damdamin.

"Bakit ako bigla? Ano yan, umaarte ka lang na kunwari down na down ka at mukhang kawawa? Diskarte para biglang bumalik tayo sa topic na yan dahil guilty ka kaya you have to do something to ease it? Is that it?"

"No!" Agap niya.

"Then what?"

"Okay, I'm sorry alright? Yung iniisip mo sa amin ni Iara, mali yun."

"As I said, it's fine."

Okay lang talaga. Hindi na kailangan ng paliwanag kasi nga naiintindihan ko at totoo yun. Nag huhurumentado man ang damdamin paminsan minsan, kaya ko pa rin yung i-handle. Truely.

"What's your definition of fine, then? Let me know and I'll tell if you really understand."

Napansin ko ang pag usok ng rice cooker kaya nawala sa isipan ko ang huli niyang nasabi. Pumunta ako sa kusina para ihanda na ang agahan niya! Punyeta, hanggang ngayon, accommodating pa rin? Sa ganitong sitwasyon talaga?

Though his question slipped away from my mind for a while, I won't still forget it. Kaya naman nang mailatag na ang pagkain niya, sinagot ko ito.

"Fine. Parang kahit anong pinag-usapan niyo, okay lang kasi wala akong pakealam?" nagkibit ako ng balikat. Maski ako, hindi sigurado sa sagot.

His eyebrows shut. Halos magkadikit na ang mga ito. Seryoso ang mga mata na ibinaba sa mga pagkaing nasa harap niya. Ilang sandali, bahagyang umawang ang mga labi tila may sasabihin.. pero walang lumabas na mga salita mula rito. He slowly nodded. He then began to eat the breakfast I prepared. Tahimik lang hanggang sa nakaubos siya.

The Living Dead (Tragic Story #2)Where stories live. Discover now