JOAQUINSo after the competition, I went home with my family. Kinantiyawan ako siyempre ng mga kasama namin kasi sa sobrang selos ko. I had to go back to Berlin to finish the merger of the business. It was good thing at three weeks na lang ako dun. Umuwi ako sa asawa ko. Nathalie was in the US still nag aaral siyempre.
Lahat ng ginawa namin nun when we promised to be together ginawa namin ulit. She would ride with me to the office but she has to go home earlier minsan than me to rest. Minsan naman she would still sleep in the private room in my office. Pero if my meeting would take until mornings, I will tell her to go home.
Carl is staying with my grandparents in Baguio. Mama is staying in the US with Nathalie and Carla. We don't go to Baguio that much anymore. Nahihirapan na si Anna na mag travel pag malayo ang pupuntahan niya kasi twins nga. Malaki ang tyan niya. Actually sobrang laki na yung tyan niya and to think na 6 months pa lang ito. I went for her ultrasound to know kung okay ang mga twins. Both are boys. Ako na yata ang pinakamasayang tatay sa buong mundo. Twins eh.
And Anna is more malambing now at buntis siya pero sobra din ang pagiging selosa niya. Minsan naiinis ako especially pag galing ako sa office pagod ang she would not talk to me kasi naiinis siya. Nung una okay lang naiintindihan ko. Pero lately, pag hindi ako nakarating sa promised time ko kasi maraming trabaho sa opisina, sasalubungin na ako sa kotse pa lang. Tatanungin niya saan ako galing. Nung una gustong gusto ko kasi possessive na siya sa akin. Good yun di ba? At least hindi niya naiisip si Carl. Then naging iba na, lumala na. May mga araw na ayaw niya akong pumasok. Naka ilang sekretarya na din ako kasi si Helene kinuha sa Davao branch. Okay na din yun sa kanya kasi taga Zamboanga siya mas malapit na kaysa dito sa Mainla. After kay Helene, paiba iba na kasi ayaw ni Anna.
Ayaw niya yung tingin sa akin ng sekretarya. Ayaw niya ang damit ng sekretarya kasi nang aakit. Palitan ang sekretarya kasi ayaw niya amoy ng perfume. Ako naman sige lang. Pero sobra na nung inaway ako dahil sa tinitignan ko daw yung dibdib nung sekretarya ko eh, por dyus naman, flat chested yung sekretarya ko at matanda na. Hindi ko na talaga siya maintindihan pero sige lang kasi buntis baka naglilihi pa. Or something. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya. Minsan ayaw niya akong katabi kasi mabaho daw ako.
Okay lang ang mga yun eh. Pero one time nakahiga kami, biglang tumunog ang cellphone niya. Sinagot niya. Okay lang naman sa akin yung mga tawag tawag na yan or text text PERO yung parang atat na atat siya at kilig na kilig na nakikipag usap kay CARLOS, ibang usapan na yun.
She would badger me with girls that are not even existing in my life but when it's her...si Carlos lang ang katapat niya eh. She would giggle and talk for hours basta si Carlos. One Saturday afternoon nga, dapat may pupuntahan kami kaso tatawag si Carlos and nakalimutan na niya. Inintindi ko lahat ang mga yun. I mean siguro she needed entertainment, peromukhang sobra na eh.
I was even thinking that she just went back to me because she is pregnant and she needed to pretend that she loves me pero in all honesty si Carlos pa rin ang panalo.
One time sa inis ko hindi ako umwuwi. Dun lang ako sa opisina ko natulog. Three am tinawagan ako umiiyak, sabi niya may iba na daw akong kasma kaya hindi na ako umuuwi. Ayun ang ending I had to drive home using the company kasi ang sasakyan ko dinala sa bahay. Alangan naming papuntahin ko yung driver sa opisina para lang sunduin ako. Nakakapagod din ang araw araw na pag aaway namin.
One time we were naked in bed just cuddling and touching and kissing when Carlos called. She stood up and put on her robe and lumabas siya. Pumunta siya sa veranda.
"Sino yan?"
"Wala lang."
"Dito mo na lang sagutin yan, ako na lang ang lalabas."
"Hindi dito ka lang, I will just answer this."
And when she returned to bed, nakadamit na siya. Ayaw na niyang maghubad.
"Bakit sinabihan ka ni Carlos na huwag tumabi sa akin."
"Hindi niya sinabi yun. Gusto ko lang magdamit."
"Ows?"
"Ayaw mo maniwala?"
"Sabi mo eh."
"Alam mo Joaquin napaka dirty minded mo."
"Why does he call you? Bakit ako hindi niya tinatawagan? Hindi ba naman nakapagtataka na ikaw ang tinatawagan at hindi ako?"
"I am not lyimg naman to you about him calling and texting?"
"Really Anna? Ilang beses na kitang tinanong kung sino and you always lied kung sino yung kakausapin mo or tinetext mo. At pag siya kausap mo hindi mo na namamalayan ang oras. Pati ako nga hindi mo na pinapansin eh. Okay lang naman eh na mag text kayo or magtawagan ng ex mo pero huwag namang harap harapang ginagago niyo ako."
"He's just my best friend."
"Wow! Best friend mo na siya ngayon? Hindi ba dapat ang best friend yung asawa mo? Yung kasama mo araw araw? Hindi ba pag naghiwalay na kayo ng ex mo at may iba ka na, hindi ba dapat eh kniakalimutan na ang ex Hindi na siya isinasali sa buhay mo?"
"We're not doing anything naman."
"Really? Eh bakit lumalayo ka pa pag siya ang kausap mo?"
"Ano ang gusto mo?"
"I don't want you talking to him or texting him especially at times na alam niya na magkasama tayo. Nananadya ba siya? Nananadya ba kayo? Mabait akong tao pero huwag namang ganyan."
"Hindi ko naman itinatago ah."
"I don't want him texting you."
"Ano ngayon ang gusto mo? MAghiwalay tayo?"
"Yun ba ang gusto mo?"
"Oo kasi sawang sawa na ako sa mga away na ganito. Siguro we need to cool off muna. Uwi muna ako sa bahay ni Abuelo. Ako na ang magsasabi kay Nathalie."
"Hindi. Dito ka lang. Ako na lang ang aalis. Gusto mo tawagan ko pa si Carlos para puntahan ka niya dito at alagaan. Tutal ako naman nag alaga sa anak niya nung wala siya eh."
"I hate you Joaquin. I hate you. Pinagsisisihan ko na nakilala pa kita. Tama nga dapat hindi na kita minahal. Dapat si Carlos na lang."
"Bakit Anna, minahal mo ba talaga ako?"
"If loving you is all that means to me
When being happy is all I hope you'd be
Then loving you must mean
I really have to set you free"
-Side A
------
Nagulat kayo ano? akala niyo last na? Sige isip pa ako kung ano gagawin ko dito sa kwentong to. Comment and vote please. Thank you- Author
YOU ARE READING
THE LAWYER & I (Completed) #Wattys2018
RomanceAnna Marie Bueno left the country to mend her broken heart caused by a handsome superbike race driver Carl Artadi. Now ten years after her hiatus in the United Kingdom, her grandfather Don Francisco Razon called her to come home and take charge of...