Chapter 3

11 0 0
                                    

Habang hinahatak ako papalayo ni Kian, hindi ko makalimutan yung mga pagmumukha nung kambal kanina as is legit na napanganga sila sa ginawa ni Kian. Heto ako, basang basa sa ulan!!! Charot!

This is it bibitaw na ako. I'll break the silence. Nandito kami ngayon school cafeteria. Walang tao. Tanging isang ilaw lang nakabukas.

"Teka nga! Bakit mo ba ako hinihila?" Just then, naglabas siya ng something sa bulsa niya. To my dismay, sigarilyo yun at nayosi siya sa harapan ko. Yuck, major turn off!!

"Hoy ano ba? Sige na maiwan na kita dito." Pagtataray ko pero medyo cold.

"Wait." Paalis na ako ng bigla niyang hatakin ang braso ko. Ang hilig manghatak netong lalaking 'to eh noh?

"Samahan mo muna ako dito." He said like pa-cool lang.

"Sorry, pero mabilis kasi akong maubusan ng hininga kapag nakakaamoy ako ng yosi eh." Bumitaw ako sa pagkakahawak sa kanya and slowly walked away.

"Wait. Spare me just a little bit of your time." He pleaded. Kaso napupuno na ako eh. Hinarap ko siya.

"Ano ba? Bakit ba ako hinatak mo? Hindi yung kambal? Yun malamang sila willing kang samahan!" I am completely shookt nung tinapon niya yung sigarilyo and tinapakan niya.

"Yan, okay na?" Arghhh Kian bakit ba ang tangkad mo and ang ganda ng body built mo? Yung hair mo rin na nakaangat na medyo magulo waatdapakeningshit naman oh! Tapos yung porma mo pa arghhh.

"Bakit mo ba kasi ako hinila dito?" Inis kong tanong. Syempre kahit crush ko siya hindi ko iiisantabi yung reputasyon ko noh!

"Ang ingay niyo kasi. At tsaka, bakit mo ba kasi sila inaaway? You won't win against them. You should have thanked me than shouted at me." Nilapit pa niya mukha niya sakin sabay eye roll. Wow? Jusq buti nakakapagpigil pa ako!!! Kundi baka kanina ko pa 'to nilandi. Hehe echos!

Umiwas ako ng tingin sa kanya at lumayo bahagya. Pero teka, inaway ko raw yung kambal? Naniwala naman agad 'tong kupal na 'to!!!

"Hoy mister! Una sa lahat hindi mo ba nakikitang ako yung biktima? Tinapunan nga nila ako ng napakalamig na tubig eh?!"

Umupo siya sa table at tumalikod sa akin.

"Oh? Maybe you have said something offensive. Oh yeah right, maybe that's why they did that to you." Muli niya akong hinarap at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

Nakakinsulto naman yung mga haliparot na hindot pa kinampihan niya kesa sakin. Ouch! Ang sakit ah huhuhu. Any monument feeling ko may tutulo ng luha sa mga mata ko.

Nakatitig lang ako sa kanya ngayon. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.

"Oh, kanina kung makasigaw ka it's like you're crying for help. Tapos ngayon natameme ka bigla? You know, dapat hindi mo kinakalaban ang mas mataas pa sa'yo. You should stay on your lane." He said habang kumuha ulit ng isa pang sigarilyo at sinindihan ito.

And that's it. Hindi na ako magdadalawang isip pang bungangaan siya. Ang sakit ah. Ganun din pala ugali niya. Wala silang pinagkaiba nung mga tropa niyang basagulero mga siraulo katulad nung mga nasa higher class.

"Thank you ah? Thank you for making me feel na wala akong lugar dito sa school. Thank you for making me feel na hindi ko deserve ang slot ko dito sa school. Siguro tama ka nga. Baka siguro sa ibang school na lang ako pumasok kaso hindi ako belong dito. Oo tama ka. Thank you sa pagligtas sakin huh?" That's it! Hindi ko na napigilan yung mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Aalis na dapat ako pero may nakalimutan akong sabihin.

"One more thing, hindi ko kailangang ipaliwanag yung mga nangyari kanina. Pero just so you know, I just defended myself kasi somehow alam kong hindi man ako belong sa community dito, may lugar pa rin ako. Sa totoo nga hindi ko na sila sinasagot kanina pero mas lalo silang naasar and look what they did to me. Para sa inyong mayayaman, laruan lang kaming mga Abyss. Thank you for making me realize na you are not worth my time. Sayang, crush pa man din kita kaso nagkamali pala ako." I hurridly went to the comfort room. Literal na comfort room. Naka aircon pa nga and kapag nasa loob ka ng isang cubicle, maski yung pag flash, hindi maririnig nung nasa labas.

I cried ng sobra. Siguro hinahanap na ako ng mga kaibigan ko. I checked my phone, and yes may missed calls na sila and messages.

From Athena:
Het, san ka? Okay ka lang ba?

From Kianna:
Woi babaita! Lumabas ka kung nasaang lupalop ka man.

From Lara:
Bes, kanina ka pa namin hinahanap. Saan ka ba dinala ni Kian?

Pero may nakakuha ng atensyon ko.

Unknown number:
Meet me tomorrow at Room A.

Who would it be? Posible kayang si Kian yan? Hayy imposible! Ni-hindi niya nga alam pangalan ko eh. Siguro? Pero basta hindi siya yan nakasisiguro ako.

Nagpahinga muna ako sa cr bago ako maghilamos ng mukha para hindi nila mahalata na umiyak ako. Paglabas ko ng cr, nagulat ako ng may makita akong isang lalaki na naka hoodie na navy blue. Kaso nung makalabas ako, bigla na lang siyang tumakbo. Sino kaya yun? Napakamisteryoso naman.

Oh well, kailangan ko na bumalik sa mga friends ko. Bago yun, pupunta muna ako sa locker ko para magpalit ng damit. Hindi naman nakakatakot dito sa school namin. Maraming open na ilaw. Tsaka may mga guards na nakabantay so laging may tao.

"Uyy, manong Rudy!" Baki ko kay kuya na laging nag-aayos ng classroom namin. Sobrang bakt ni manong Rudy. Naalala ko noong first day ko dito, siya nagligtas sakin against dun sa mga bully. Kesyo panget daw ako, kesyo mahirao daw ako. Sus, kaya nga nag-ooffer school na 'to ng scholarship eh. Para sa poor but deserving

"Oh, nak bakit napadpad ka rito? Hindi ba't doon ang party?" Sabi niya habang nagwawalis siya sa labas ng room namin. Special Class nga pala ako since nasa higher ranking ako ng buong class. Yung next na section is Room A. Doon, combination na ng students. Walang kinalaman sa hierarchy namin dito. Sa amin kasi, puro scholars talaga since sabi nila kami raw talaga yung masisipag at brainy.

"Ah, may kukunin lang ho sa locker ko. Sige ho, ingat po kayo manong Rudy!" Nagpaalam ako sa kanya nung makuha ko yung damit ko sa locker ko. Nasa labas lang din kasi locker namin unlike nung ibang sections nasa loob baka raw manakawan. Sus palusot!! Tinatamad lang sila lumabas ng rooms nila eh, pwe!

After kong makapagpalit, nagreply agad ako sa kanila na pupunta ako sa field since nakita ko halos ng mga tao nasa booths kaya sasalampak muna ako roon. Nagtataka kayo if bakit madaling araw yung party namin? Well okay lang naman yun para sa amin. Kasi kahit maingay, malayo naman kami sa city and mga bahay. Puro puno rito. Pero hindi nakakatakot. Well, malapit kami sa mga pasyalan pero kasi parang sacred 'tong school namin. Napakalawak at walang mga bahay at establishments na nakapalibot dito.

Pagkasalampak ko biglang nag announce yung host. "Someone's going to serrenade us tonight. Please give a round of applause to Dylan Espiñoza!"

"Uyyy Bev!" Untag sakin ng mga kaibigan ko.

"Shocks!! Buti nakapagpalit ka na? Kinabahan kami sa'yo!!!" Binatukan ako ni Lara hayyy sanay na ako.

"Saan ka ba galing?" Tanong sa akin ni Athena. Should I tell them the truth? Errr siguro 'wag na lang. Hindi ko naman na crush si Kian so it doesn't matter na.

Nandito lang kami ngayon sa field. Yung mga iba umupo na rin. Hayyy magtataka pa ba ako? Eh, yan si Dylan Espiñoza isa sa pinakasikat dito sa school. Athlete siya and Captain siya ng Volleyball Team nila. Sobrang sikat yan parang si Kian. Malay ko ba kung anong pinagkaiba nila. Never naman akong nakisalamuha sa mga katulad nilang elite. Infairness gwapo rin naman si Dylan. Matipuno at mas matangkad kay Kian. Eh, 6'3 height ni Dylan samantalang si Kian, 5'11 lang. Halos parehas silang pumorma. Tsaka hindi hamak na mas matalino si Dylan. Nasa Room A siya eh. Next to ours.

Wait. Tama ba 'tong nakikita ko or dahil lang sa lights? Bakit parang siya yung..... naka navy blue na hoodie na nakita ko kanina sa labas ng comfort room?

Summer 2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon