"BLEYR BUMANGON KA NA TANGHALI NA MAY PASOK KA PA!!!" Rinig kong sigaw sa akin ni mama galing sa ibaba.
"Ma, wait lang po!" Sabi ko habang nag iinat.
"BEVERLY RAMONA, ISA!!!!" Muli siyang sumigaw at this time malakas pa. Sana na naman ako na sinisigawan ako ni mama lalo na tuwing nagagalit siya. Para kasi sa kanya, laging kulang ang mga ginagawa ko. Gusto kasi nila ni papa lagi akong With Honors. Sorry, pero hindi ko magawang magkaroon nun. Lagi nga nila pinupuri si Athena kasi sobrang sipag at tiyaga niya raw sa buhay. Samangalang ako, wala nang ginawang tama sa buhay. Dinadaan ko na lang sa iyak ang lahat. Pero wala lang naman sa kanila. Considering na nasa Special Class ako at Scholar ako, they should be somehow proud. However, they will never be.
Pagbaba ko, kumain agad ako at saktong aakyat pa lamang ako, tinabig ni kuya Enzo ang baso na hawak ko.
"KUYA??!!" Literal na napasigaw ako. Bukod sa natapon na ang tubig, nabasag pa ang baso.
"BEVERLY RAMONA??!!! ANO NANAMANG KAGAGAHAN YAN? INUTIL KA TALAGA KAHIT KAILAN NOH?? HINDI KA MARUNING MAG INGAT??? PULUTIN MO YAN!!!" Galit na galit niyang sabi.
"Pero ma...."
"MANAHIMIK KA AT GAWIN MO NA LANG PINAPAGAWA KO SA'YO LECHE!" Sigaw niya sakin sabay kurot sa braso ko. Nag iwan naman 'yon ng marka sa braso ko. Nilingon ko si kuya Enzo at nakangisi pa sa akin sabay tumakbo sa kwarto niya.
Bwisit ka talaga kahit kailan kuya Enzo!!!!!
Habang pinupulot ko ang nabasag na baso, nasugatan ako. Agad na tumulo ang maraming dugo sa sahig. Tumingin ako kela mama sa sala, lahat sila nandoon at nagtatawanan. Pinapanood nila yung paborito nilang series na hindi ko alam ang title. Ang saha nilang tignan. Si papa nakaakbay kay mama. Si bunso naman nakasandal kay kuya. Nagbabatuhan pa sila ng chips. Never ko silang nakitang ganyan kasaya. Parang ang sarap maglaho. Kay aga pero ang ganda na agad nilang tignan apat habang nagkukulitan. I don't belong here. Sana maging masaya sila kapag nawala na ako.
Natapos ko na ligpitin ang mga bubog at nalagyan ko na rin ng bandage ang palad ko. Sobrang sakit at napakahapdi pa. Kahit anong oras pwede pumasok sa school namin ngayon. 1:35PM na at paalis na ako ng bahay. Ang sakit pa rin ng ulo ko kasi hindi ako gaano nakatulog. Paalis na ako ng bahay.
"Aalis na po ako." Sambit ko habang akmang lalabas na ng pintuan.
"Bev!" Sigaw ni kuya. Ano nanaman ba binabalak neto?
"Sige alis ka na. 'Wag ka na babalik ah?" Sabay nagtawanan silang lahat maliban kay bunso. Sinilio ko siya noong una nakasimangot pa siya, pero makalaunan ay tumawa na rin siya, marahil kasi hindi niya naman alam nangyayari kaya nakisabay na lang siya.
Nasa tricycle ako habang unti-unting umiiyak. Kanina sa jeep nagpipigil pa ako kasi nakakahiya namang makita nila akong umiiyak.
Pagbaba ko ng tric, agad akong pumasok sa school at dumaretsyo sa CR. Doon, hindi ko na mapigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Kung pwede lang na hindi ako bumalik ng bahay, hindi na talaga ako babalik eh.
Noong ako'y nahimasmasan na, lumabas ako at dali dali kong hinanap ang mga kaibigan ko. And just as what I thought, nandito sa Library si Athena. Medyo bookworm yan pero wala ng klase bakit kaya siya nandito?
Nilapitan ko siya at saktong tumayo na siya sa kinauupuan niya
"Athena...."
"BEVERLY!!!!!" At kasabay nun ang pagyakap niya sa akin.
"Shhh. Tone down your voice." I said kasi pinagtinginan kami. Nakalimutan niya atang nasa library kami. Marami pa kasing college students dito.
"Het, nag-alala kami sa'yo kagabi. Sorry medyo bangag pa ako. Wala pa akong tulog." Pagpapaliwanag siya sabay humikab.
"Ano pa bang bago? Eh kung yung dalawa matagal magising, ikaw hindi natutulog." I said while quietly laughing. Habang binabalik niya ang librong hiniram niya.
"Bev, siya nga pala may naghahanap sa'yo. Nilapitan ako ni Christian. May naghihintay daw sa'yo sa Room A. Ikaw ah may hindi ka sinasabi sa amin ah." She said with a teasing voice. Sobrang mapang-asar talaga 'to. Classmate namin si Christian.
Naghihintay? Room A? OH SHIT. Oo nga pala yung messages. Tapos yung message rin ni Dylan hindi ko nasagot. Shit!!!!
"Bev?"
Kikitain ko kaya kung sino man yun? Sige na nga. Kikitain ko siya mahalaga man o hindi. Jusq hindi naman siguro masamamng tao yun.
"BEVERLY?!" Ayan na po sinigawan na niya ako. Buti na lang nakalabas na kami sa Library.
"Are you even listening to me? Sabi ni Christian pumun--" Pinutol ko na ang sinabi niya.
"Bye Athena!" Agad akong tumakbo papuntang Room A. Dito kasi sa school, tinted and windows ng mga rooms. Kaya hindi mo talaga makikita kung anong meron sa looeeeb. Pero kapag ikaw naman ang nasa loob mas maliwanag pa sa sikat ng araw ang mga tao at bagay bagay sa labas. Naalala ko noon, merong lalaking nanalamin sa bintana ng room namin. Pinagtatawanan lang namin siya kasi sanay na kami na may mga nananalamin sa room namin. At isa lang ang ibig sabihin nun, freshiiee siya. Kinabukasan, bumalik siya, hindi para manalamin kundi nag "peace" sign siya.
Nandito na agad ako sa tapat ng Room A. Nagulat ako dahil biglang bumukas ang pintuan. Agad naman akong pumasok. Tinignan kong mabuti ang room nila. First time kong makapunta dito at namangha ako. Napakaganda dito. Theme ng room nila is Hogwarts. Ngunit may nahagip ang mga mata ko na labis kong ikinagulat. Ang lalaking nakaupo sa teacher's desk. Nakasuot siya ng black na converse tapos naka black siya na ripped jeans naka white shirt and may flannel siya.
"Dylan Espiñoza?"
BINABASA MO ANG
Summer 2018
General FictionSummer gone wrong. Summer is fun but full of pain and anger. This is the season where you have a chance to focus on yourself instead of wasting and giving your time and attention to those who are not worth it. Imagine being a fan of an artist who sa...