Hindi muna ako umuwi sa bahay. Nandito ako sa dorm ko ngayon. Hindi ako mapakali. I just can't believe what happened kanina. Ano ba kasing meron sa kanilang dalawa? Para silang mababangis na leon na hindi nakakain for 972799238716393028190 years.
Flashback:
Tinulak ko papalayo si Kian sa akin. Hindi ko yun first kiss pero sino siya para halikan ako?!
"KIAN ANO BA? HINDI AKO LARUAN AH!! HINDI PORKET C----- I MEAN HINDI PORKET NAG SORRY KA SAKIN MAY KARAPATAN KA NG HALIKAN AKO!" I shouted out of anger.
Dylan went beside me and he ask me if I am okay. Si Kian? Ayun, naglabas ng cigarrtte and sinindihan niya. Take note: sa loob ng room. Napansin ata ni Dylan na naiirita ako. Nilapitan niya bigla si Kian at sinapak niya sa mukha ng dalawang beses. Tumalsik ang hawak ni Kian na sigarilyo at sinapak din niya si Dylan. After nilang magsapakan, nagdudugo na yung mukha nila ang pumutok na yung mga labi nila kaya pinigilan ko na sila. Hindi naman sobrang matagal ang World War III nilang dalawa. Buti na lang hindi pa naman sila sobrang duguan.
"Ano ba? Hindi ba kayo titigil? Gusto niyo ng tag isang knife? Kukuha ako sa canteen."
"Cafeteria." They both said. Aba wow kahit halos manghina na sila sumagot pa.
"Wala akong pake. Kung magapapatayan kayo, please do it outside and not in front of me. Ayaw kong maging part ng "crime scene" ninyong dalawa." Akma akong aalis ng bigla akong hilahin papalabas ni Dylan.
Nandito ako ngayon sa dorm ko kasi kailangan ko munang maging nurse dito sa patient ko. Sino pa ba? Edi si Dylan! Pasalamat siya mabait ako. Kundi pinabayaan ko siyang maglakad sa labas habang tumutulo dugo niya. Yikes! Takot pa naman ako sa dugo huhuhu.
"Dylan pwede magtanong?" I asked softly baka masapak din ako neto eh. Panget na nga ako mas lalong hindi pa magmumukhang tao kapag binaltik 'to.
"You're already asking. Pero sige ano yon?" He said calmly habang nilalagyan ko betadine ang mga sugat niya.
"Ah, eh...." God, why am I stuttering?
"Kung bakit mukhang mortal kaming rivals ni Kian? Malalaman mo rin yun kung bakit." He explained and suddenly poked my forehead.
"Ah, sorry if chismosa ako." Sakto natapos ko na rin lagyan ng band-aid ang mga sugat niya.
Suddenly, mag tumatawag sa akin.
Si mama. "PUNYETA KA NASAAN KA? BAKIT HINDI KA UMUWI NG BAHAY? MALILINTIKAN KA SAKIN!!!" Alam kong naririnig ni Dylan si mama. Kaya medyo lumayo ako sa kanya.
"Ma, nandito ako sa dorm ko ngayon. Marami akong gagawin for my clearance may kulang pa kasi ako. Uuwi rin ako bukad." I lied.
"PWEDE NAMANG DITO MO SA BAHAY YAN GAWIN AH? NAKAKAHIGHBLOOD KANG PUNYETA KA UMUWI KA NA NGAYON DIN!!" She ended the call. Bigla na lang tumulo luha ko.
"Are you okay?" Totoo ba 'to? Dylan looks sincere. Hindi ko alam pero sobra nanaman akong nasasaktan ngayon. Bigla akong napayakap sa kanya and he hugged back.
"Sorry, kung hindi dahil sa akin, you should have been at your house already. Hatid na kita gusto mo?" He said while patting my back and caressing my hair.
Kumalas ako sa pagkakayakap at hinarap ko siya. "Dylan, kaya ko na mag isa. It's fine. 'Wag mo sisihin sarili mo." I said habang pinupunasan ko luha ko. I immediately fixed my stuffs and sabay na kaming lumabas ni Dylan ng dorm ko. Hindi naman kasi mahigpit dito sa dorm ko. Actually, more like condo lang naman siya. Hindi siya yung usual na dorm. I'm amazed kasi hindi rin mapanghusga mga tao rito. Wala silang pake if may kasama kang lalaki sa dorm mo. So ma-fefeel mo rin na relieved ka na.
Nasa labas na kami ng dorm at papunta na si Dylan sa parking lot para kunin ang car niya. When he suddenly kissed my forehead and hugged me. Sa katunayan nga ayaw ko na talagang umuwi. Mababaliw lang ako sa bahay na yun. Baka mamatay ako ng maaga. Hindi ko kakayaning mabuhay doon kaya gusto kong bumukod. Mahal ko mga magulang ko pero minsan kailangan ko ring isipin ang sarili ko. Ang tagal ko ng tinatago sa mga kaibigan ko na I'm seeing a psychiatrist. Sobrang lala na ng depression ko. Ilang beses na ako muntikan mag commit ng suicide. Walang ibang nakakaalam nun. Mas mabuti pa sigurong ilihim ko na lang. Tutal wala namang nagmamahal sa akin.
"Please, stay safe. I'm just here if you need me." He said afterwards he left me.
Sarado na ang gate namin. Sarado na rin mga ilaw sa loob. Akmang kakatok ako pero may biglang humablot sa buhok ko.
"PUNYETA KA!!!! DAPAT HINDI KA NA UMUWI!!!! ANONG ORAS NA ALAS NUEBE NA!!!!! WALANGHIYA KA TALAGA!!! NAKAKAPANG INIT KA LAGI NG DUGO!!!!" Nakaabang na pala skya sa pinto. Hinihintay na lang na dumating ako. Hatak hatak niya pa rin buhok ko. Hindi ko na mapigilang umiyak. Hinatak niya ako sa garden at tinadtakan niya pa ako. Pinagsisissipa pa. Buti na lang hindi na matao rito ng mga ganitong oras.
"Ma...." Pinipigilan ko siya sa pananakit sakin pero hindi ko kaya. Sobra na akong nanghihina. Hindi ko man lang alam kung bakit niya ako sinasaktan ng ganito. Never nila akong tinuring bilang isang anak. Baka nga ampon lang ako eh. Or hindi nila inexpect na mabubuo ako?
"HAYOP KA DITO KA MATULOG KASAMA NG MGA ASO!!!!!" Hinampas niya ako ng kahoy na hindi ko alam kung bakit siya may hawak na ganon. Ay may kinuha siyang plato at inihagis sa akin. Ang laman nun? Mga natira nilang pagkain na dapt ipapakain sa mga aso namin na ngayo'y mahimbing na ang tulog sa dog house nila.
Pumasok siya ng bahay at nakita ko na nandun sa pintuan ang bunso kong kapatid at si kuya. Nandun din si papa. Sobrang sakit na pinapanood lang nila habang sinasaktan ako ni mama. Tinignan ko sarili ko at sobra akong naaaawa. Legal age na ako pero kung itrato ako para pa ring bata. Sobrang dami kong sugat ngayon at sobrang sakit ng ulo ko. Lumabas ako ng gate habang gumagapang. Hindi ko na talaga kaya. Kung mamamatay man ako ngayon, hindi dito sa bahay na 'to. Kinuha ko phone ko, kung minamalas nga naman ako, lowbat pa! Hindi ko alam kung saan ako dadamputin. Ang sarap naman kasi magpakamatay. Kung pwede lang na forever na mahimbing tulog ko eh. Iiyakan kaya nila ang mga labi ko kapag nawala ako? O tatawanan lang nila? Baka nga mag-celebrate pa sila kasi finally wala na ako. Makababawas na yun sa mga gagastusin nila.
"Beeep!" May bumusina sa akin na itim na sasakyan. Nanlalabo na paningin ko. Hindi ko siya gaanong makita. Hanggang sa lumapit siya sa akin.
"Dylan?"
"BEV!" Yun na lang ang huli kong marinig nang biglang magdilim ang paningin ko at nawalan ako bigla ng malay.
BINABASA MO ANG
Summer 2018
General FictionSummer gone wrong. Summer is fun but full of pain and anger. This is the season where you have a chance to focus on yourself instead of wasting and giving your time and attention to those who are not worth it. Imagine being a fan of an artist who sa...