Prologue

747 11 0
                                    

"Gusto kong magtayo ng coffee shop girls after our graduation, baka interesado kayo?", ani Jenneth sa mga kaibigan. Naroon sila ngayon sa garden ng bahay nila at nagmemeryenda. Nakagawian na nilang magbonding every weekend sa bahay ng isa't-isa.

Apat silang magkakaibigan mula pa noong highschool sila. Sa unang araw pa lang noon nila sa klase ay agad ng nag-click ang personalities nila. Sa iisang university din lang sila pumasok ng college kaya naman kahit mag-kakaiba ang course niya nakakapagkita pa rin sila doon.

"Sige join ako diyan. Ikaw na ang bahala sa bagay-bagay since kape naman ang negosyo niyo", ani Margareth na hindi tumitingin sa kaniya dahil abala sa sketch pad nitong hindi na nahiwalay dito.

"Ako din, gusto ko yan. Para may tambayan tayo if ever gusto nating mag-relax. Our very own haven", si Chantal, ang pinakagala sa kanilang apat.

"Kung game kayong tatlo, isama niyo na rin ako, basta bibigyan niyo ako ng space sa kusina", si Faith, ang kanilang official chef sa grupo.

"Pero dapat kakaiba siya sa ibang cafe", si Margareth habang sinisipat ng tingin ang iginuguhit.

"A place where you can relax and at the same time may unique feels", ani Jenneth na nakikitingin sa ginuguhit ni Margareth.

Kasalukuyan nitong ini-sketch si Misaki, ang bida sa Kaichouwa Maid Sama. Adik kasi si Margareth sa anime at sa kasalukuyan ay ang Maid Sama ang kinahuhumalingan nito. May ideyang biglang pumasok sa isip ni Jenneth.

"Marge...", biglang sigaw niya at inalog si Margareth.

"Makaalog naman Jenneth, wagas....nagkahiwa-hiwalay yata ang buong katawan ko. Bakit ba?" , si Marge habang pilit kumakawala sa pagkakahawak ni Jenneth.

"Bills, gawa ka ng iba-ibang sketch ng mga suot ng mga pinapanood mong anime. Iyong mga cute ha..."

"Para saan naman...may plano ka bang mag-cosplay?", kunot-noong tanong ni Marge. Malawak na ngiti lang ang sagot ni Jenneth habang kumikinang ang matang tiningnan silang lahat. Mukhang na-gets naman kaagad nito ang iniisip niya.

" so cafe kung saan naka-custome ang mga server?", si Marge na mukhang nag-isip na ng idea.

"Nothing so extreme though", ani Jenneth.

"That might work lalo na sa mga kabataan at mga isip batang addicted sa anime Gaya nitong si Marge, pero paano naman ang ibang clientele like yong iba na mas gusto ang cozy at classy cafe para tambayan, or to conduct a meeting?" , tanong ni Chantal.

"Yong uniform lang, pero ang decor at overall effect eh classy at elegant pa rin. Kumbaga dagdag attraction lang na may kakaiba sa cafe. Plus ang isang panghatak siyempre is food curtesy of Faith here", si Jenneth uli.

She really likes the idea of a cafe where the servers are dressed in colorful cute customes.

"Sige, ako na ang bahala sa magiging menu natin. Let's have something new from time to time para hindi magsawa ang mga customers", ani Faith.

"Ako na ang bahala sa promotional materials natin at advertisement", Chantal said.

"Ako na ang bahala sa decor at design ng uniform", ani Margareth na nagsisimula ng mag-sketch.

"Talagang, walang nag-volunteer sa inyo na mag-asikaso sa coffee blend?", si Jenneth na nakasimangot.

"Anong ginagawa mo na halos buong buhay mo ay kapiling mo ang kape?", mataray na wika ni Faith.

"Oo na, oo na...wala na akong sinabi. So after graduation?"

"Yes...."

--------------------------------

COFFEE LAND : JENNETH (Ang Barista)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon