Matapos ang eksena nila sa cafe ay hindi na muna siya nagpakita uli roon dahil hindi siya tinatantanan ng kantiyaw ng mga tauhan nila. Lahat ay nagulat na ang isang tulad ni Ryder na ubod ng suplado ay magtatapat ng nararamdaman sa harap ng maraming tao. Ang pinakamalakas mangantiyaw ay ang kakambal nitong si Marge kaya naman para matakasan ito ay umalis muna sila ni Ryder.
Dahil nakapagpa-book na rin naman na si Ryder patungong Bali sa weekend ay tumuloy na rin sila para mamasyal. Ginustong ituloy ni Ryder ang trip for them to spend time together at siyempre upang makawala kay Marge.
Kasalukuyan silang nasa Bali's Temple by the Lake at ninanamnam ang kapayapaan ng paligid. Nakatayo sila sa gilid ng lake at pinagmamasdan ang napakalinaw na tubig nito ng yakapin siya ni Ryder at halikan sa sentido.
"Hmmm....Mr. Cavanaugh, mukhang nasisira na ang image mong Mr. Suplado...dumadalas na ang pagiging pda mo", biro ni Jenneth dito.
"I don't care....basta para sa iyo....I can be the cheesiest and the most pad person..."
"Hmmmmmppppp", ingos ni Jenneth pero nakangiti.
"Maya-maya ay kinuha nito ang kamay niya at hinalikan. Matapos iyon ay pinaglaruan nito ang daliri niya. Hinayaan lang naman ito ni Jenneth at muling ibinaling ang tingin sa lake. Ilang saglit pa ay may naramdaman siyang malamig na bagay na isinuot sa kaniyang daliri.
"Perfect", narinig niyang bulong ni Ryder.
Napasinghap siya nang makita ang diamond ring na ngayon ay nakasuot na sa daliri niya. Nagtatanong ang mga matang tumingin siya kay Ryder.
"Starting today, I want you to know that I want to spend the rest of my life with you. I want you to be the person I wake up with every morning and be the mother of my children. I want to change your name into mine and be able to say to you how much I love you everyday and hear you say the same", Ryder said tenderly while looking at her.
Nalulunod ang puso ni Jenneth sa sobrang saya sa mga narinig mula kay Ryder. Kitang-kita niya ang pagmamahal sa mga mata nito habang nakatingin sa kaniya.
Mahal na mahal din naman niya ang lalaki at nakatitiyak siyang ito lang ang mamahalin niya habang buhay. Hindi nga ba't matagal na niya itong mahal kaya naman kahit kakasimula pa lang ng relasyon nila, wala siyang pakialam. Ang importante, mahal nila at sigurado sila sa isa't-isa. Pero, teka lang......Hindi pa naman siya nito tinatanong officially ha.....
"Ahmmm Ryder?"
"yes sweetie....."
"You haven't actually asked me yet...."
"Kailangan pa ba iyon?", he smiled sheepishly.
Tumaas naman ang kilay ni Jenneth sa narinig, so she looked at Ryder pointedly. Napabuntong hininga si Ryder at napangiwi.
"Kailangan ko pa bang lumuhod?", alanganing tanong ni Ryder.
"Just ask away....", naiinis ng sagot ni Jenneth. Aba't ang lalaking ito, wala ba talagang romantic bone sa katawan...
Kinuha ni Ryder ang kamay niyang sinuotan nito ng singsing. Tumingin ito sa kaniyang mga mata saka nagwika.
"I love you very much Jenneth, will you marry me?", madamdaming pahayag ni Ryder.
Napangiti si Jenneth at hindi na mapigilan ang kaligayahang niyakap si Ryder.
"Yes, Ryder.....I'll marry you", aniya na kusa na itong hinalikan. Magpapakipot pa ba siya.....
Unconventional man ang paraan ng pagpo-propose ni Ryder ay okay lang sa kaniya. Ang importante ay ang nararamdaman nila sa isa't-isa. At nakatitiyak siyang mahal siya nito, gayundin naman siya, so bakit pa nila patatagalin.
😊😊😊😊😊THE END....ENJOY READING😊😊😊😊😊😊
BINABASA MO ANG
COFFEE LAND : JENNETH (Ang Barista)
RomanceOne coffee shop, four friends and their journey to love.... Ako si Jenneth, ang barista sa coffee shop naming magkakaibigan, ang Coffee Land. Mahilig ako sa kape.....hilig ko ding mag-experiment ng blend ng kape. Matagal na rin akong inlove sa nuknu...