Nagmamadali ng umalis sa restaurant si Jenneth kung saan siya nakipagkita sa buyer ng coffee beans nila. Siya na ang namamahala sa kapehan ng pamilya nila mula nang maka-graduate siya. Dahil sa nag-iisang anak ay wala naman siyang choice....just kidding....nag-e-enjoy siya sa ginagawa. Isa pa, gusto rin naman niyang makapagpahinga na ang parents sa pagtatrabaho at mag-enjoy na lang sa buhay. Sa ngayon nga, ay busy ang mga ito sa pag-iikot sa buong mundo. Sa kasalukuyan ay nasa Italy ang mga ito.
At dahil sadyang mahilig siya sa kape, siya rin ang madalas tumao sa Coffee Land, ang coffee shop na itinayo nilang magkakaibigan, right after their graduation.
Paminsan-minsan ay sumusulpot din ang tatlo niyang kaibigan upang mag-duty sa cafe. Minsan nagkakasabay silang apat, minsan naman ay hindi. Pero hectic man ang mga schedule nila, tinitiyak nilang nakakapagkita-kita silang apat once a month sa cafe para sa bonding time nila.
Kapag nasa cafe para mag-duty ay kaniya-kaniya sila ng nakatokang trabaho. Si Faith ay ang kusinera, si Margareth ang kahera, si Chantal ang serbidora at siya ang barista.
And speaking of pagiging barista, kailangan na niyang magmadali papuntang cafe. Tumawag ang supervisor niya kanina at sinabing may sakit ang pang-umaga nilang barista. Hindi naman makakapag-relieve si Raquel, ang barista nila sa hapon, dahil parents day sa school ng anak nito.
Kaya kahit schedule niya sana ngayon para mag-eksperimento sa kape ay magdu-duty na muna siya. Mabuti na lang at ipinagpaliban niya ang pag-akyat sa Sagada upang dalawin ang coffee farm nila...
"Good morning Ma'am Jenneth", masiglang bati ng isa sa mga waitress nila na si Miles. Kasalukuyan itong nagpupunas ng mga mesa.
"Good morning, bago yata ang uniform niyo?", aniya nang mapansin ang suot nito. Dalawang araw siyang hindi nakadalaw dito sa cafe. Marahil sa mga araw na iyon ay nagpunta dito si Margareth.
Naka-butler outfit ang mga lalaki at sexy maid uniform naman ang mga babae. Iyong mga suot na makikita sa mga character sa anime. Mukhang namuryong na naman si Marge at nag-marathon na naman ng Maid Sama kaya ito ang kinalabasan. Last month kasi ay naka-middle school uniform ang mga ito dahil sa panunuod niya ng Sailormoon.
"Dala po ni Ma'am Marge kahapon. Ang cute po di ba?", anitong umikot pa.
"Mukha kayong anime"
"Nakakaaliw nga po..."
"Mukhang nagsawa siyang mukha kayong highschool student"
Napahagikgik si Miles saka sumagot..
"Summer na daw po Maam, wala ng pasok ang mga estudyante"
"Nagpalusot pa, gusto lang talaga niyang mag-create ng maid custome, kaso hindi uubra ang ganyang style sa mga ipinaparampa niyang creations niya, kaya kayo ang napagti-tripan."
"Sinabi niyo pa Ma'am, pero at least Margareth Creations ang suot namin, mukha nga lang kaming laging a-attend sa cosplay event"
"Ginagawa kayong lifesize anime kamo", aniyang pumasok na sa opisina nila para magbihis.
Nadatnan niya roon si Margareth na mukhang kanina pa siya
hinihintay. Mukhang duty ito ngayon dahil nakasuot din ito ng maid custome.Kapag nasa cafe kasi sila para mag-duty at hindi para mag-bonding ay nag-u-uniform din sila...kung anuman ang uniform sa mga panahong iyon. Tanging si Faith lang ang nakakaligtas sa gawa ni Marge dahil sa chef ito sa kusina kung kaya chef uniform lagi ang suot nito.
"Mukhang tinamaan ka na naman ng saltik ha, kaya ka nandito".
"Kailangan kong mag-relax, para makaisip ng bagong design para sa collection ko next month", sagot nito. May inabot ito sa kaniyang paper bag na may nakasulat na pangalan niya. Napansin niyang may kaparehong paper bag na may pangalan naman nina Chantal at Faith.
![](https://img.wattpad.com/cover/147782592-288-k847744.jpg)
BINABASA MO ANG
COFFEE LAND : JENNETH (Ang Barista)
Storie d'amoreOne coffee shop, four friends and their journey to love.... Ako si Jenneth, ang barista sa coffee shop naming magkakaibigan, ang Coffee Land. Mahilig ako sa kape.....hilig ko ding mag-experiment ng blend ng kape. Matagal na rin akong inlove sa nuknu...