Chapter 2: Brewed Coffee

400 10 1
                                    

      Kinuha ni Jenneth sa bulsa ang nag-ingay na cellphone at tiningnan kung sino ang tumatawag. Kasalukuyan siyang nasa coffee farm nila sa Laguna at nag-susupervise ng harvest. Nang makitang si Chantal iyon ay sinagot niya ang tawag.

      "Neth, may convention ng mga coffee growers sa Bali next week di ba, pupunta ka ba?", walang pasakalyeng tanong ng kaibigan.

      "Oo, bakit, iko-cover mo?", tanong ni Jenneth. Ang tinutukoy nitong convention ay tungkol sa mga development sa market ng kape and some advance farming technology para lalo pang mapaganda ang ani sa kape.

      "Ha...ha...ha...I'm not a reporter, photographer ako, ano naman ang makikita kong subject doon?"

       "So bakit ka nagtatanong?"

       "Punta rin kasi akong Bali next week, may photo shoot ako doon, sabay na lang tayo."

       "O sige, ikaw na ang mag-book"

       "Kaya nga kita tinawagan para sabihing isabay mo na akong ipag-book ng flight"

       "Nakakahalata na ako sa inyong tatlo ha, ginagawa niyo akong utusan", kunwari ay galit na sabi niya, pero kunwari lang. Lahat naman kasi sila ginagawa talagang utusan ang isa't-isa. Kumbaga ganti-gantihan lang yan.

       "Love mo naman kami kaya, sige na please..."

       "Nasaan ka ba, bakit hindi ka makapag-book?"

       "Nasa bundok at nagpapayaman. Walang internet dito kaya hindi ako makakapag-book. Buti nga kahit paano may signal ang cellphone."

       "Talaga naman....sagot mong plane ticket ko.."

        "Oo na....thank you Neth. Bye"

       "Mag-iingat ka diyan". Mukhang hindi na narinig ang kaibigan ang sinabi niya dahil mabilis na itong nawala sa linya.

      Pagkatapos makipag-usap sa kaibigan ay bumalik na siya sa ginagawa. Siya ang nagche-check ng mag harvested beans na ide-deliver sa mga customers niya. Ang coffee farm niya ang nagsu-supply sa isang kilalang coffee processing sa bansa. Maliban pa doon ay may mga restaurant din silang binabagsakan ng roasted beans nila.

     Iniisip na nga niyang maglabas na rin ng sarili nilang brand ng ground coffee. Target nila ang mga individual consumers. Ngayon kasi ay mga business establishment ang kliyente nila. Maganda ang quality ng coffee beans nila na siyang pino-proseso ng mga sinu-supplayan nila. Kaya bakit hindi niya subukang sila naman ang mag-process at nang mailabas sa mga groceries at kung papalarin sooner ay international market naman. Pero ang coffee beans galing Sagada ang iniisip niya para sa panibagong project.

      Nang matapos sa ginagawa ay nagbilin na siya sa mga tauhan. Kailangan pa niyang pamunta sa cafe nila para mag-barista. Absent kasi ang panggabing shift nila.

   
      Kasalukuyang nagmi-mix ng bagong timpla ng kape si Jenneth nang may pumasok sa cafe nila. Nang tingnan ni Jenneth kung sino iyon ay nagtaka siya nang makitang si Ryder iyon dahil gabi na. Kadalasan ay sa umaga ito dumudaan bago magtungo sa opisina nito.

      "Brewed coffee please", order ni Ryder sa tao nila sa counter. Dahil brewed coffee lang naman ang order nito, kaya na iyon ng kahit sino sa tauhan nila. Ang trabaho ng barista ay ang mga special blends na may coffee art.

      Sumilip si Ryder nang mapansing naroon siya at may ginagawa. Hindi kasi siya naka-uniform at bahagyang nagtatakpan kaya hindi siya basta-basta mapapansin.

     "Why are you still here, it's already late. Shouldn't you be home by now. Kaya na ng mga tauhan niyong bantayan ang cafe niyo", he said in knotted forehead.

COFFEE LAND : JENNETH (Ang Barista)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon