Pagkagaling sa falls ay kumain lang sila bago dumiretso sa Danum Lake. May mga dala na silang pagkain dahil plano nilang mag-picnic doon. Nadatnan nilang marami rin ang kagaya nilang magpi-picnic. Naghanap lang sila ng mapupuwestuhan at naglatag na sila ng dala nilang mat.
Plano nilang panoorin ang sunset sa lake. Tulad kanina ay kumuha uli ng mga pictures si Jenneth, but this time palihim siyang kumuha ng stolen shot ni Ryder.
Nakahiga kasi ang binata sa mat at nakapikit ang mata. Mukhang relax na relax ito sa pagkakahiga, habang nakaunan ang ulo sa mga braso nito. Hindi niya alam kung natutulog ito, but since hindi siya nito nakikita ay kinunan niya ito ng picture. Napangiti siya nang makita niyang maganda ang kuha niya sa binata. Sinubukan niya uli itong kunan nang magsalita Ito.
"I know what you're doing, you know", ani Ryder na bahagyang umangat ang labi sa pagngiti pero hindi pa rin ito nagmumulat ng mata.
Agad namang ibinaling ni Jenneth ang camera sa iba. Nang lingunin niya si Ryder ay nakadilat na ang mga mata nito at nakataas ang kilay na nakatingin sa kaniya.
"What?", patay-malisyang tanong ni Jenneth.
"Hmmm...do I look good in my picture?", Ryder asks with a smirk.
"I don't know what you're talking about", kanila ni Jenneth pero ramdam niya ang pag-iinit ng mga pisngi. Hindi naman niya alam na ganun ka lakas ang pakiramdam ng lalaking ito.
Bumangon si Ryder sa pagkakahiga at umupo paharap sa kaniya.
"You're not a good liar honey. You're blushing...", anito na mabilis kinuha ang camera mula kay Jenneth.
Hindi na naiiwas ni Jenneth ang camera kaya wala na siyang nagawa nang isa-isang tiningnan ni Ryder ang mga kuha niya.
"Hmmmm....photogenic pala ako sa camera", ani Ryder habang tinitingnan ang mga shots niya.
"But I think there's a way to make this even better", he said at umusod palapit kay Jenneth. Inakbayan ni Ryder si Jenneth at itinutok ang camera sa kanila.
Nagulat si Jenneth sa ginawi nito at ni hindi man lang nakuhang tumingin sa camera. Tiningnan ni Ryder ang kuha nito. Bahagyang nakapaling ang mukha ni Jenneth at namumula ito. She looks beautiful and adorable.
"Hmmmm....better", ani Ryder na ibinalik na ang camera sa kaniya. "I want a copy of that", anito at bumalik na uli sa pagkakahiga at muling pumikit.
Tiningnan ni Jenneth ang kinuha nitong larawan. They look good together in it, kaya bahagyang napangiti si Jenneth. Nilingon niya si Ryder at nakita niyang nakangiti ito.
Hay....wala na bang gagawin ang lalaking ito kundi akitin pa siya lalo.
"You're staring again..", ani Ryder na nagpapitlag kay Jenneth mula sa pagtitig dito.
"Matulog ka na nga lang diyan...", ani Jenneth dito na tinawanan lang ni Ryder.
"I'm glad, I took this vacation. I've never been relaxed as I am now", ani Ryder na kababakasan nga ng contentment sa mukha. His features are softer and more relax than it was before.
"Masyado mo kasing sineseryoso ang pagpapayaman, napaka-workaholic mo", ani Jenneth dito na tuluyan ng humarap sa binata.
Nagmulat ng mga mata si Ryder at tumingin sa kaniya.
"Look who's talking. Ikaw din naman di ba? Lagi ka ding busy"
"Pero hindi kasing-busy mo"
"I just want a secure future for my wife and kids someday", anitong matiim na nakatitig sa kaniya.
BINABASA MO ANG
COFFEE LAND : JENNETH (Ang Barista)
RomanceOne coffee shop, four friends and their journey to love.... Ako si Jenneth, ang barista sa coffee shop naming magkakaibigan, ang Coffee Land. Mahilig ako sa kape.....hilig ko ding mag-experiment ng blend ng kape. Matagal na rin akong inlove sa nuknu...