Chapter 10 : Stalker

315 11 2
                                    

Madilim ang anyo ni Ryder matapos makausap ang kaibigang si Renz. Dito niya ibinigay kanina ang ipapasuring pagkain upang malaman kung dapat bang mag-ingat si Jenneth sa sinasabing admirer daw nito.

Tama nga siya ng sapantaha, kaya nga ba masama ang kutob niya, may drugs ang gamot...something like date rape drugs....

Ayon kay Renz ang taong nakaka-ingest daw ng drugs na iyon ay biglang makakaramdam ng malakas sexual urge at wala nang control sa kaniyang sarili.

Ang suspetsa ng kaibigan, marahil ay humahanap ng magandang tiyempo ang nagbibigay nun kay Jenneth. Marahil ay nakabantay lang iyon sa paligid lagi at naghihintay ng tamang pagkakataon. Hoping na kainin ni Jenneth ang bigay niya saka nito sasamantalahin ang kahinaan ng dalaga.

Laking pasasalamat na lang ni Ryder na kahit kailan ay hindi kinain o tinikman man lang ni Jenneth ang ibinibigay sa kaniya. Kahit paano ay marunong itong mag-ingat.

Kailangan niyang kausapin si Jenneth, hindi nila alam kung ano ang tumatakbo sa utak ng admirer nito. Kahit paano ay nakahingi na siya ng tulong sa kaibigan na mas may alam sa mga ganitong bagay.

Nang puntahan niya si Renz para humingi ng tulong kanina ay sinamahan siya nito sa kaibigan nitong pulis. At nang mag-usap sila kanina at nalamang may drugs ang pagkain, ayon dito ibibigay nito ang resulta sa kinauukulan upang matulungan sila. Kailangan mahuli kung sinumang ang may masamang balak sa dalaga.

Tumayo na si Ryder, wala na rin naman na siya sa mood magtrabaho, hapon na rin naman na, aalis na lang siya ng maaga. Pupuntahan na lang niya si Jenneth sa cafe. Hindi siya nakadaan doon kaninang umaga dahil nga sinadya niya si Renz, pero alam niyang nasa cafe si Jenneth dahil nagkausap sila nito kanina nang tawagan siya nito upang nagpasalamat sa ipinadala niyang bulaklak.

"I'm leaving, kung sakaling may tumawag o maghanap sa akin, ikaw na ang bahala", bilin niya sa assistant at deretso ng umalis.

Nasa loob ng opisina niya si Jenneth  at pinag-aaralan ang sales nila ng katukin siya ng isa sa mga waiter nila na si Irvin.

"Ma'am Jenneth, may naghahanap po sa inyo"

"Sino?"

"Me.....", ani Ryder na pumasok na sa loob ng opisina.

Napansin ni Jenneth ang seryosong itsura nito kaya bago makaalis si Irvin ay nagpadala muna siya na maiinom nila ni Ryder.

"May problema ba?", tanong Jenneth nang mapansing nakatingin pa rin si Ryder sa pinto.

Humarap ito sa kaniya na seryoso ang mukha.

"May gusto sa iyo ang isa sa mga staff niyo", anitong hindi maipinta ang mukha.

"Sino, si Irvin?"

"So Irvin pala ang pangalan niya"

"Ryder.....impossible yang sinasabi mo"

"Hindi mo ba napapansin kung paano ka niya tingnan?"

"Wala namang kakaiba sa mga tingin niya...."

"You're so naive....I'm a man....I should know when another man is interested to what I consider mine", Ryder said while looking at her intently.

Nailang si Jenneth sa paraan ng pagtitig ni Ryder sa kaniya.

"May kailangan ka ba?", tanong niya rito upang basagin ang nakakailang na sandali.

Pero sa halip na sumagot ay lumapit lang si Ryder sa kaniya at itininukod ang dalawang kamay sa gilid ng upuan niya, imprisoning her in the process. Napatingala si Jenneth dito at kitang kita niya ang matiim nitong titig sa kaniya gayundin ang iba't-ibang emosyong nakapaloob sa mga mata nito.

COFFEE LAND : JENNETH (Ang Barista)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon