Chapter 3 : Long drive

376 11 1
                                    

      Pagdating sa bahay ay agad dumiretso ng kitchen si Ryder, he needs a chocolate drink. Yes, he likes the new blend prepared by Jenneth, but the after taste you get from coffee remains. To wash the taste, he'd get a chocolate drink, his favorite na chuckie.

      Kasalukuyan siyang umiinom ng choco drink niya nang bumungad sa kusina ang kakambal.

      "Uminom ka na naman ng kape no?", agad na bungad nito.

      "No"

       "Sinungaling, nakaduty si Jenneth kanina, dumaan ka sa shop for sure. Ininom mo ang order mo?"

       "Not my order"

        Humalukipkip lang si Margareth at hinintay ang sasabihin ng kapatid.

       "I tried some of her experiment"

       "So may ginagawang bagong blend na naman si Jenneth".

       "Yes, and it's quite good"

        Nanlalaki ang mga matang napatingin si Marge sa kakambal.

        "Did you just use the word good sa kape?!", namamanghang tanong nito  kay Ryder. Balewalang ikinibit lang nito ang balikat at ipinagpatuloy ang pag-inom sa choco drink niya.

        "Wow, Jenneth must have done some magic for you to try the coffee. You actually drank it?"

         "Well, it's more like, just a sip", amin ni Ryder.  Marge smirked at that.

         "You really do hate coffee. Kalalake mong tao, chuckie talaga? Most of your colleague drink coffee."

          "So....., that doesn't mean I should like it as well"

          "Bakit ka pa araw-araw na bumubili ng kape. Kawawa na ang assistant mo, baka nerbiyosin na yon sa kakapakape mo sa kaniya"

           Ang assistant kasi niyang si Liam ang umiinom ng binibili niyang kape. Minsan naman kung medyo malamig na ay ang potted plants na nasa harap ng building nila.

          "He'll be fine"

          "Naku kuya, bakit kasi di ka na lang manligaw ng deretso kaysa naman nagsasayang ka lang ng pera sa kakabili"

           Alam ng kakambal ang nararamdaman niya kay Jenneth mula pa noong college pa lamang ang mga ito. Nahuli siya nito minsang gumagawa ng love letter para kay Jenneth na hindi naman niya naibigay dahil sa katorpehan niya.

          "I'm making you rich by buying coffee..."

          "Yeah right....tama na ang choco drink na yan at alam mo namang hindi ka makakatulog agad kapag nasobrahan ka ng sugar", saway ni Marge kay Ryder nang mapansing nasa pangatlong tetra pack na ito.

           Inagaw na niya ang dalawa pang inilabas nito mula sa ref at ibinalik sa loob. Hinayaan na lamang ito ni Ryder, anyway kailangan nga niyang matulog ng maaga para sa long drive bukas.

           Hinalikan niya sa noo ang kapatid at tinalikuran na ito. Pero bago makalabas ng kusina ay lumingon siya rito.

          "Oo nga pala, maaga ang alis ko bukas, pakisabi na lang kina Mama paggising nila bukas na punta akong Sagada"

          "What, anong gagawin mo sa Sagada?", sigaw ni Marge.

         "None of your business and don't shout, you'll wake the entire house", Hindi lumilingong sabi ni Ryder na nagpatuloy na sa paglabas.

COFFEE LAND : JENNETH (Ang Barista)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon