3 years later
"Hello, I'm already here at the airport. Where are you?''
Isang babae na naka all black ang suot. Itim na tube na pinatungan ng black leather jacket, itim na shorts at itim rin na sapatos.
Makikitaan mo sa kanyang mukha ang labis na pagkainip.
"Sorry ma'am, nasiraan kasi kami kaya pinadaan pa namin sa talyer ang van." paghingi ng paumanhin ng lalaking kanina pa niya tinatawagan, ang driver niya, si Mang Pedro.
Bumuntong hininga ang dalaga at pilit na kinalma ang sarili.
"Sige, wag na lang kayong pumunta rito, magcocommute na lang ako." sabi niya at binaba na ang tawag.
"Kung minamalas ka nga naman." sa isip niya.
Buti nalang ay kabisado siya dito, tatlong taon lang naman siyang nawala para mag-aral sa ibang bansa- sa America.
Mabilis niyang tinungo ang labasan ng airport dala-dala ang dalawa niyang kulay silver na mga maleta.
Isinuot niya ang kanyang sunglasses at naghintay ng taxi na masasakyan. Pagkalipas ng limang minuto ay may napara na syang taxi.
Bubuksan na sana niya ang pinto ng taxi nang may biglang umagaw nito sa kanya at mabilis na sumakay rito.
Kumunot ang noo niya dahil sa inasta ng babae at malakas niyang kinakatok ang salamin ng taxi kaya napilitang buksan ito ng babaeng mang-aagaw ng taxi na dapat siya ang sumakay roon dahil siya ang pumara.
"What's the problem miss?" Mataray na sabi ng babae.
"Excuse me, You are my problem." May pang-uuyam nitong sagot.
"Ako ang pumara sa taxi na 'to" dagdag niya pa.
Inirapan lang sya ng babae at pinagsarhan ng bintana ng taxi at sinenyasan ang driver na umalis na.
"I'll remember you bitch."
Bulong niya sa sarili niya habang nakatanaw sa papalayo na taxi na dapat siya ang sakay.
Nagsalubong ang kilay niya dahil sa inis ngunit pilit niya paring kinakalma ang sarili niya, bumuntong hininga sya at muling naghintay ng taxi, di nagtagal ay nakasakay na rin sya.
--Pagkarating niya sa mansyon ay agad nitong hinanap ang tita niya.
"Saan si tita?" tanong niya sa isa sa nakasalubong niyang kasambahay.
Kung hindi siya nagkakamali ay nasa early 20s o ka-edad niya pa ang babaeng ito at mukhang bago lang rin. Kinuha na nito ang dala niyang mga gamit bago sumagot.
"Nasa silid niya po ma'am, ang sabi niya doon ka nalang daw dumiretso pagkarating mo po." Nahihiyang sabi nito na nakayuko pa sa kanya.
Tinapik niya ito sa balikat.
"Xenon nalang, drop the ma'am."Nagulat pa ito dahil di niya inaasahan ang pinakita nito sa kanya. Akala niya mataray ito dahil na rin sa mukha nito at pananamit kaya naman di niya napigilan na ma-intimida.
Napangisi na lamang si Xenon nang mapansin ang reaksyon ng kasambay.
"What's your name again?" tanong ni Xenon.
Nag-aalangan man ay sinagot niya ang dalaga.
"Bianca po, ma'am. Ay Ms. Xenon po pala."
Hindi niya alam ngunit magaan ang loob niya sa kasambahay na ito.
"Sige, nice meeting you. Akyat muna ako sa kwarto ni tita."
Nakangiting paalam niya kay Bianca at tinungo na ang daan papasok sa kwarto ng tita niya.
BINABASA MO ANG
The Wallflower's Retaliation [On-Going]
ChickLitShe's just a nobody who hates the world.. No, scratch that. She abominates the world to the fullest. She loathes everything and everybody. She detests those people who gave her so much pain. They killed her parents. They purloined their wealth. They...