MADALING ARAW nang naalimpungatan si Xenon nang may tumawag sa cellphone niya. Agad niya itong sinagot ng hindi tinitignan kung sino ang tumawag.
"..." naiinis siya kaya di na siya nag-abalang magsalita pa.
Baka mapagsalitaan lang niya ito ng masama.
"Xie..." biglang nagising ang diwa niya ng makilala kung sino ang tumawag. Tinignan niya ang caller id at makompirma ito ay saka pa siya nagsalita.
"What do you want?" kalmadong tanong niya.
"You" seryosong sagot ng kabilang linya kaya di niya alam kung nagbibiro lang ba ito o talaganf seryoso na siya ang gusto nito.
"Seriously? Tell me o papatayin ko to." naiinis na siya sa tumawag.
"No, I'm serious. I just want to inform you na may kung sinuman ang pumasok sa HQ natin-" hindi natuloy ang sasabihin ng nasa kabilang linya ng patayin niya ito at dali-daling bumangon.
Sht. Sht. Sht.
Nagmadali siyang nag toothbrush at nagsuot ng skinny jeans at itim na t-shirt, pinaresan niya ito ng itim rin na converse shoes. Aalis na sana siya ng maalala niya ang maskara niya. Kinuha niya ito sa pinaka ilalim ng maleta niya at dali-dali ng bumaba at tinungo ang garahe ng mansyon.
Kinuha niya ang sarili niyang motor, nagsuot ng helmet at pinaharurot ito palabas, papunta sa kanilang HQ- ang HQ ng gang niya.
Nang makarating siya sa destinasyon niya ay agad niyang hinubad ang helmet at sinuot ang maskara.
Pinasok niya ang HQ nang mapansing gulong-gulo ang mga gamit sa loob, halatang may hinalughog kung sino man ang naglakas ng loob na pinasok ito.
Napansin niya ang mga basag na gamit at furnitures ng HQ.
Halatang may nangyaring labanan dito sa pagitan ng grupo niya at kung sino man ang pumasok dito.
Anong kailangan nito?
Tinawagan niya ang ka-gang niya na tumawag sa kanya kanina.
"Hades, I'm going down. Nandyan ba lahat?"
"Yes Queen." Agad niyang pinatay ang tawag.
Lumapit siya sa malaking salamin ng HQ nila at may pinindot rito. Nahati ang pader sa kabilang gilid ng salamin, bumukas ang secret elevator nila.
Pinindot niya ang code para makapunta sa silid ilalim ng HQ.
Nang magbukas ang pinto ay agad niyang nilibot ang paningin sa loob. Nakahinga siya ng maluwag nang hindi ito nagulo, hindi kagaya sa nangyari sa itaas.
Binigyan niya ng atensyon ang apat na taong naka upo sa isang mahabang mesa. Tanging ang upuan sa unahan ang bakente.
Ang pwesto niya."Nice to see you again." bati ni Hades.
Matangkad ito at di maipagkakailang gwapo.
Siguradong mahuhulog ang ibang babae sa anyo nito lalo na sa kulay abo nitong mga mata.Hindi siya kung sinong babae lang kaya salamat nalang.
Nakasuot ito ng berdeng leather jacket na nakatatak ang simbolo ng gang.
Tumango lamang siya sa mga ito at nagsimulang magsalita.
"Anong nangyari dito?" Tanong niya sa isang babaeng naka pigtail. Para itong bata kung titignan pero kilala niya ito at ang mga gawain nito. Alam niya ang kakayahan nito.
Siya si Mania.
Ang pangalang ito ay base sa isang greek goddess. The Goddess of Insanity and the dead."Queen, natutulog ako sa kwarto sa taas nang may marinig akong kalabog."
Nakapout pa nitong sabi. Ngunit agad tumalim ang tingin nito."Inistorbo nila ang tulog ko kaya pinagbayad ko sila."
Ngumisi ito na parang demonyo.Looks can be deceiving. Indeed.
Dumapo naman ang tingin niya sa babaeng kumakain ng bubblegum, mapupungay ang mga mata nito at naka messy bun ang buhok.
Morena ito at maganda."Eris, any info?"
Pinaputok muna nito ang bubblegum na nilobo nito sa bibig bago sumagot.
"They're making their moves." Simpleng sagot nito ngunit agad niya itong naintindahan.
Sila na naman.
Napabuntong hininga siya.
"May nawala ba rito?" seryosong tanong niya.
Ang pinakabata sa grupo nila ang sumagot.
"Actually meron silang nakuha, i don't know kung anong gagawin nila doon." seryosong sagot ni Ares habang nakabalot pa sa kumot nito. Mukhang hindi na naman ito umuwi sa kanila at dito natulog sa HQ.
"Ano?"
"Ang photo album ko sa taas. Fck those shits pati collection ko pinagdiskitahan!" Naiinis na sabi nito.
Nagkatinginan ang mga ito sa isa't isa ng maalala kung ano ang laman ng album na 'yon.
"Lagot na."
"Fuck."
"Omyyy."
"Sht."Sabay-sabay na sabi ng mga ito.
Napakunot ang kanyang noo at nagtaka sa mga naging reaksyon ng grupo.Wala siyang alam sa album na 'yon. Ang alam niya mahilig sa photography si Ares kaya wala siyang alam kung ano pa ang dahilan kung bakit ganun ang reaksyon nila.
"Hmm" nag-aalangan si Ares sa kung ano man ang sasabihin nito.
"Spill it." Seryosong sabi niya. Gusto niyang maliwanagan.
"Queen, don't be mad." May takot sa mga mata nito.
"I won't promise." Seryosong sagot niya kaya napalunok ang binata.
"I- I have a picture of you there." nag-aalinlangan na sabi nito.
Napatayo siya bigla dahil sa sinabi nito.
"What the fck-"
"I know, I know. Sorry Queen but di naman klaro yung mukha mo don, i promise."
"Anong picture ko na nandoon?" malamig na sabi niya.
"It's your pic outside the HQ habang hinuhubad ang helmet mo but blur ang mukha mo dun kasi lumingon ka that time and-" natatarantang paliwanag nito kaya pinutol nalang niya ang sasabihin pa sana nito.
"It's okay." Blur naman ang mukha niya doon. Papalampasin niya nalang muna.
Nakahinga naman ng maluwag ang binata at tinignan ulit siya na para bang nagsisisi siya sa ginawa niya kaya tipid niya nalang itong nginitian para mapanatag ang loob ni Ares.
"Aalis na ako. I'll just come back here later."
Madali siyang lumabas doon, baka gising na ang tita niya sa oras na 'to at baka hanapin siya. Pinaharurot niya ang motor niya pabalik sa mansyon.PAGKABALIK niya sa mansyon, agad niyang tinungo ang sariling kwarto ngunit bago pa man makarating ay nasalubong niya ang kanyang tita.
"Kumakatok ako sa kwarto mo kanina pa pero walang sumasagot. Where have you been?" tanong ng tita niya.
"Nag jogging lang po sa labas."
Tiningnan siya ng tita niya mula ulo hanggang paa.
"Wearing that?" nagtatakang tanong ng lola niya pero binalewala niya nalang ito.
"Kumain na po kayo?" Xenon asked.
"Yun na nga, tara kumain na tayo." Hinila na siya ng ginang papuntang sa dining area at nagpatangay naman siya.
I'll figure out everything later.
And the box, i should open it.Sa isip ng dalaga.
------
So i hope na samahan niyo ako hanggang dulo. ♡♡♡♡
-EydenKeso
BINABASA MO ANG
The Wallflower's Retaliation [On-Going]
Chick-LitShe's just a nobody who hates the world.. No, scratch that. She abominates the world to the fullest. She loathes everything and everybody. She detests those people who gave her so much pain. They killed her parents. They purloined their wealth. They...