NANG MAKARATING ang tita niya sa mansyon ay agad niya itong kinausap tungkol sa plano niya. Wala siyang balak patagalin pa ang lahat.
"You will leave me here? Alone?"
Malungkot ang tono ng pananalita ng tita niya nang sabihin niyang gusto niyang bumukod at kumuha ng isang condo.
"Tita, bibisita pa rin naman ako dito. Tsaka, I just want to live independently like noong nasa America ako."
"Okay, I will allow you but in three conditions honey."
"Ano yun tita?" Gagawin niya ang lahat para masunod ang lahat ng nasa plano niya.
"First, wag mo pabayaan ang sarili mo."
"Ofcourse tita, I can do that."
"Second, bisitahin mo ako dito every week."
"Yes po tita."
May ngiti sa kanyang mga labi ng marinig ang dalawang kondisyon ng tita niya, her tita really cares for her being. Kaya she treasures her tita the most after what happened to her past, ito ang isa sa dahilan kung bakit nakakabangon siya mula sa bangungot ng nakaraan niya.
"Hmm, and the last?" tanong niya.
"I want you to take Bianca with you." Seryoso ito ng sabihin niya ito kaya napakunot ang noo niya.
"But why?"
Hindi naman sa ayaw niyang makasama si Bianca pero baka madawit lang ito sa mga pinasukan niya at papasukin niya pang panganib. Kaya nga niya gustong bumukod para magawa niya ng malaya ang plano niya but her tita wants to take Bianca with her. Alam niya ang nasa isip ng tita niya kung di siya nagkakamali.
Gusto ng tita niyang may mata parin ito sa buhay niya kahit nakabukod pa siya.
"If you don't want. Then no. Take it or leave it."
"But, nasa tama na akong edad para gawin ang gusto ko." hindi mawawala sa tono ng boses niya ang pagkadismaya.
"Listen sweetie, I know nasa tama ka ng edad and you're a strong and wise woman na kayang kaya ang sarili niya. But I want to make sure na magiging okay ka, anak na kita mula noong nasa poder kita ang ayokong may mangyaring masama sa 'yo. I care for you Xenon. A lot. Kaya please? If yoh want to live independently, take Bianca with you."
Napabuntong hininga nalang siya sa sinabi ng tita niya.
"Okay."
Siguro naman okay lang na kasama niya si Bianca.
Pagkatapos ng naging usapan nila ng tita niya ay umalis agad siya dala-dala ang mga gamit niya pang disguise at mga pekeng dokumento tungkol sa kanya.
Dumaan muna siya sa isang mall para magbihis. Pinark niya ang motor niya sa parking lot ng mall at diretsong pumasok sa cr doon.
Sinuot niya ang formal attire na dala niya, sinuot niya ang wig at ang eyeglass.Nang masiguro niyang di na siya makikilala sa ayos niya ay pumara siya ng taxi para maihatid siya sa destinasyon niya.
Iniwan muna niya ang motor niya doon sa parking lot ng mall kasi ibang katauhan ang gagamitin niya ngayon.
Siya ngayon si Devone Cruz, isang simpleng babae. Kahit na sino sa ayos niya ngayon ay walang magkakainteres sa kanya.
Nang makarating at makababa ng taxi at makabayad sa driver ay napatingala siya sa mataas na gusaling nasa harap niya.
Matagal na rin mula nang makapasok dito.
Ito ang kompanya na pagmamay-ari nila noon ngunit inagaw lang ng mga demonyong iyon.
BINABASA MO ANG
The Wallflower's Retaliation [On-Going]
ChickLitShe's just a nobody who hates the world.. No, scratch that. She abominates the world to the fullest. She loathes everything and everybody. She detests those people who gave her so much pain. They killed her parents. They purloined their wealth. They...