Chapter 3

35 13 2
                                    

NAGHIHIYAWAN ang mga tao habang nanonood sa dalawang babaeng naglalaban sa loob ng battle ring.

Ang lugar na ito ay isang underground arena na kung saan dito nagkikita-kita ang mga taong may gustong mapatunayan, sa pakikipaglaban para sa kapangyarihan.

May iba't ibang grupo ng gangs ang makikita sa loob, naghihiyawan na animo'y hayok makakita ng dugo, ng dahas mula sa dalawang taong naglalaban.

"AK! GO FIGHT!"

"VELVET! WIN THIS GAME!"

Ang AK na sinusuportahan ng iba ay naka black na mini skirt lamang ngunit may cycling shorts naman sa loob niyon, nakaleather jacket na dilaw na may simbolong baril at ahas sa likod.

Poison Bullets ang tawag sa gang kung saan siya nabibilang.

Sa kabilang bahagi naman, ang katunggali nitong si Velvet ay naka short shorts na lila, pinaresan ito ng spaghetti na damit na itim. Makikita rito ang tattoo nito sa braso na may nakadisenyong dagger na pinalilibutan ng apoy.

Death Flames Gang.

Naghihiyawan ang mga tao sa loob, sapagkat kung sino man ang mananalo sa kanilang dalawa ay ang magiging reyna ng organisasyon na namumuno sa lahat ng gangs.

Iba-iba man ang gangs na kinabibilangan nila ngunit may mas mataas na organisasyon na may hawak sa kanila.

Ang DCO o Dauntless Cards Organization.

Isang organisasyon na pinamumunuan at kinabibilangan lamang mga taong nasa mataas na pwesto at nakapagpatunay ng lakas nila hindi lang sa pakikipalaban kundi na rin sa talino.

Ang dalawang ito na nasa gitna ng ring ang dalawang nominado upang maging isa sa reyna ng organisasyon at upang makapasok rito. Ngunit kailangang may manalo at siya ang magiging reyna.

Pawisan na ang dalawa't halatang kanina pa ito naglalaban ngunit walang gustong magpatalo.

Walang may gustong magakita ng kahinaan. Sino ba naman ang gustong matalo? Isang malaking prebelehiyo na maging isa sa organisasyon.

"Velvet, I'll win this!"
Sigaw ni AK at inambaham ng sunod-sunod na sipa't suntok ang kalaban ngunit agad naman itong naiilagan ng huli.

"Bumabagal ka ata AK." mapang-asar na sagot ni Velvet at mabilis na tumalon sa ere upang makalipat ng mabilis sa likod ng kalaban at malakas itong sinipa sa tagiliran.

Napadaing si AK, huli na upang umilag siya at mas lalong nagngitngit sa galit dahil sa sipang tumama sa kanya.

Pumeke ng sipa si AK sa kanang bahagi ni Velvet at nang kinagat nito ang taktika niya ay agad niya itong sinalubong ng malakas na sipa sa kaliwang bahaging katawan ni Velvet at sinundan niya pa ito ng isa pang sipa sa harap.

Napaatras si Velvet dahil sa atake ng kalaban. Naghiyawan ang mga tao dahil alam nilang ito ang simula ng totoong laban, totoong dahas.

Kapwa nag-aalab sa galit ang dalawa habang nagpapalitan ng mga atake. Puno na ng mga galos ang dalawa ngunit walang may gustong magpatalo.

Walang may gustong matalo.

Sa gitna ng pakikipagsalpukan ng dalawa, may biglang nagpaputok ng baril sa itaas na bahagi ng arena na nakakuha sa atensyon ng lahat.

Maging ang dalawang naglalaban ay napatigil.

Natahimik ang mga taong naghihiyawan sa loob ng arena.

Bumaba ang babae mula sa taas ng walang kahirap-hirap.

Napasinghap ang ibang nanunood dahil hindi biro ang taas na tinalon ng babae.

The Wallflower's Retaliation [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon