Chapter 7

21 10 0
                                    

NASA GITNA ng battle ring si Mania at parang batang nang-aasar sa mga kalaban nito.

"Malalagot ka talaga sa 'min." matalas ang titig ng triplets sa kanya ngunit hindi niya ito binibigyang pansin, mas gusto niyang asarin ang mga ito.

"Try me?" nilalaro-laro ni Mania ang dulo ng kanyang buhok na naka pig-tail.

Nang nagsalita ang announcer at tumunog na ang bell hudyat na simula na ng laban walang pagdadalawang-isip at sabay-sabay siyang inatake ng triplets.

Ngunit para lamang baliw na umiiwas habang tumatawa si Mania.

Ano pa ba ang aasahan mo sa pinangalanan na The Goddess of Insanity and Death?

Mas nainis ang triplets sa kanya.

Sinipa siya ng isa sa tagiliran ngunit mabilis niya itong nasalag at ibinalik dito ang sipa ngunit mas malakas na pwersa ang nilagay niya sa atake niya kaya napabagsak ang isa sa mga kambal, ngunit pinipilit nitong tumayo at lumaban ulit.

Ganoon lamang ang ginagawa niya sa laban- kung ano ang ginagawa sa kanya ay doble niya itong binabalik sa kalaban,  hindi ito nagseseryoso at parang baliw na tumatawa paminsan-minsan.

Naubos ang pasensya ng triplets kaya naglabas ito ng mga patalim na nakatago sa kanilang mga suot.

Desidido na ang mga ito na mapatay si Mania kahit labag ito sa batas ng arena. Masyado ng inubos ni Mania ang pasensya nila.

Naalerto si Mania at napangisi.

Ito na ang hinihintay niya, ang totoong laban.
She's craving to see blood.
Gusto niyang dumanak ang dugo doon kaya inasar niya ang mga ito hanggang ang mga ito ang unang lumabag sa batas.

Dahil sa ginawa ng triplets, wala ng limitasyon bilang parusa na rin sa una nilang paglabag.

--

Hindi na nagtaka ang mga ka-gang ni Mania ng sa huli ay ito ang nanalo.
Tinakbo sa hospital ang triplets dahil sa mga sugat na tinamo ng mga ito.

"Maniaaaaa!" Sinalubong siya ng apir ni Ares na nakangisi sa kanya.

"Ares, 'di na ako bored." Parang bata nitong sabi pagkatapos ay umupo na ito sa isang bakanteng upuan.

"Ano bang ginawa mo sa triplets kung bakit gusto ka nilang patayin?" Tanong ni Hades.

"Hmm natapunan ko kasi ng kape yung isa sa triplets tapos sinampal ako nung isa kaya sinipa ko na, ayun." nakangiti pa itong parang timang habang inaalala ang nangyari.

"Mag-ingat ka kasi sa susunod, ang clumsy mo talaga." Napailing na lamang si Eris at napatango naman ang iba kaya humahagikhik na lamang si Mania.

"Teka nga, sinong tumawag kay Queen na pumunta dito?" nagtatakang tanong nito.

"Ako. Tinawagan ko." Mabilis na sagot ni Ares.

"Alam mo namang pagsasabihan ako nun pagkatapos nito." Napakamot nalang sa gilid ng ulo si Mania habang nakapout pa.

"Kasalanan mo yan, tsaka look what you have done sa triplets. Muntik mo na silang pinatay!" eksaheradang sabi ni Ares.

"Hindi pa mamamatay mga yan." sagot na lamang niya.

"Mania."

Napatingin ang lahat kay Queen nang tinawag nito si Mania. Hindi nila napansin ang presensya nitong lumapit sa kanila.

"I'm sorry Queen." Inunahan na niya ito.

"Nah, not going to scold you for what you've done. You did a great job." Sabi ni Queen at tumalikod na ito at tuluyan ng umalis sa lugar.

The Wallflower's Retaliation [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon