Chapter 5

21 12 2
                                    

NAKATITIG si Xenon sa berdeng kahon na nasa kanyang harapan, iniisip niya kung paano ito mabubuksan.

Wala siyang ideya kung ano ang nasa sulat sa ilalim nito. Kahit ano na ang naisip niya pero bigo pa rin siya.

Nasa gitna siya ng malalim na pag-iisip ng may kumatok mula sa glasswall ng balkonahe ng silid niya. Sinirado niya kasi ito pero nakabukas naman ang mga kurtina kaya nakikita niya kung sinong nasa labas.

Sino pa ba?
Ang akyat-bahay niyang bestfriend 'kuno'.
Kivs.

Pinagbuksan niya ito pero bago pa makapasok ang binata ay sinapok niya muna ito sa ulo.

"Sabing sa pinto ka na dumaan eh!"

Napakamot naman si Kivs sa gilid ng kanyang ulo kung saan nasapok ni Xenon.

"Ang bigat naman ng kamay mo." Reklamo ng binata na parang bata kaya napailing ba lamang ang dalaga.

Binalik niya ang atensyon sa kahon.
May naisip na siya.

Kinuha niya ang baril niya at silencer tsaka kinasa ito.

"Oy! Oy!" Saway ng binata sa kanya matapos niyang itaas ang baril upang asintahin ang lock ng kahon.

Kung di niya mahanap ang susi.

Sisirain nalang niya ito.

"Umalis ka dyan o yang bungo mo papaputukin ko?" Seryosong sabi ni Xenon kaya napanguso na lamang ang binata.

"Wala ka talagang puso! Di ka ba binigyan ng puso ng nanay mo? Hah?" Parang batang reklamo ni Kivs.

Nanlaki ang mata ni Xenon ng may maalala ito.

"Damn kivs. You're brillant." Mabilis niyang binaba ang baril at nagmadaling pumasok sa walk-in closet nito.

"Am i?" Nagtatakang tanong ni Kivs sa sarili. Wala siyang ideya kung ano man ang meron sa sinabi niya.

Pagkalabas ng dalaga mula sa closet ay may dala itong kulay itim na hugis puso na lalagyan. May kaliitan lamang ito.
Bago ito mabubuksan ay may passcode na kailangang i type sa takip ng hugis pusong lalagyan.

Sinubukan niya ang mga birthday nila, wedding anniversary ng parents niya, at kung ano-ano pang numbers na may kinalaman sa pamilya niya pero lahat ng ito ay mali.

Isa nalang ang naiisip niya ngayon.

Ang pangalan niya.

Agad-agad niyang tinype ang numero.

99-33-66-666-66

Biglang naging kulay berde ang maliit na ilaw sa lagayan hudyat na ito ay nabuksan at tama ang passcode na inilagay niya.

"How did you do that Nona?" Nagtatakang tanong ng binata sa tabi niya, nakamasid lamang ito sa bawat galaw ng dalaga.

"It's my name."

"Numbers are your name?" parang tangang tanong nito.

"My mom said before that i had an older sister, but she died when she's still 3, her name is Vanity." paliwanag ng dalaga.

Nagliwanag naman ang reaksyon ng binata ng maintindihan kung saan papatungo ang usapan.

"So it's a Vanity code. And your name is the-"
May pagkamangha pa nitong sabi.

Tumango na lamang ang dalaga dahil naka pokus ang kanyang atensyon sa loob ng itim na pusong lagayan.

Love letters...
And a necklace...

Binuksan niya ang isa sa mga love letters kaya.

Sulat ito ng kanyang ama sa kanyang ina, mga sulag siguro ito noong nagliligawan pa ang mga ito.

The Wallflower's Retaliation [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon