NAKATITIG lang si Xenon sa larawan ng kanyang mga magulang na nasa kama.
Nag-igting ang kanyang panga nang maalala na naman ang nangyari isang taon na ang nakakalipas, kung paano niya nasaksihan ang kasawiang sinapit ng kanyang mga magulang sa kamay ng mga taong kinamumuhian nya.Makikita sa kanyang mga mata ang labis na pagkamuhi.
Bumuntong hininga sya at pilit na kinakalma ang kanyang sarili.Nilibot niya ang kanyang paningin sa maliit na bahay na kanyang tinitirhan.
Kung dati'y malapalasyo ang kanyang tinitirhan ngayo'y sa isang maliit na apartment na lang.
Kung dati'y nakakain niya at nakukuha nya lahat ng kanyang gustuhin ng walang kahirap-hirap ngayon ay kailangan pa nyang kumayod para mabuhay.
Mabuti nalang at may savings pa na naiwan sa kanya na nakakatulong sa kanya sa mga gastusin ngunit ang maging ito'y papaubos na.
Nagpasya syang maglakad-lakad sa may parke. Umupo sya sa isang upuan na nandoon.
Maraming bata ang naglalaro, mga pamilyang masayang nag pipicnic at mga magsyotang naglalambingan ang kanyang nakikita.
Namimiss niya na ang pakiramdam na maging masaya.
"Kailangan kong bawiin lahat."
Mahinang bulong nya sa kanyang sarili. Tumayo sya at umalis sa lugar na iyon.Habang naglalakad sya may nakita syang isang matanda mabagal tumatawid sa kalsada, nakita nya ring may papalapit na isang mabilis na sasakyan rito.
"MASASAGASAAN ANG MATANDA!" sigaw ng ale na nagtitinda ng fishball sa gilid ng kalsada.
"YUNG BABAE!" nagulantang ang mga taong nakasaksi sa pagligtas ni Xenon sa matanda na masasagasaan.
Hindi alam ni Xenon kung anong nagtulak sa kanya para iligtas ang matanda at kung bakit sya biglang tumakbo sa kinaroroonan nito.
"Ayos ka lang tanda?" Wala kang makikitaang emosyon sa kanya,kay Xenon. Naging mailap na siya sa mga tao mula nang mangyari ang malagim na pangyayari noon.
Malapad na ngumiti ang matanda. "Salamay ija."
Tinanguan lang ni Xenon ang matanda pero bago paman sya makaalis ay tinawag sya nito.
"Ija sandali?"
Tumingin lang si Xenon sa matanda, nanatiling walang emosyon ang kanyang mukha."Samahan mo muna ako, tara? Gusto ko pang makapagpasalamat sa iyo ng lubusan sa pagligtas mo sa buhay ko." Tatanggi na sana sya sa alok ng matanda ng hinigit sya nito at inakay papasok sa backseat ng isang mamahaling kotse.
"Sainyo to?" Tanong nya sa matanda.
"Oo. Ako nga pala si Ms. Concepcion Simson."
"Ms.?" Nagtatakang tanong ni Xanon. Napa tawa naman ang matanda.
"Matandang dalaga ako. Walang pamilya at kamag-anak. Ikaw ija? What's your name?" Hindi pa rin mawala ang ngiti sa mga labi ng matanda.
"Xenon. Xenon Suarez." Tipid na pagpapakilala nya.
"Suarez.... Are you related to Vinnesse and Iron Suarez?"
Pamilyar kasi sa matanda ang apilyedo ni Xenon."Th-they're my parents." Napayuko si Xenon. Nagiging emosyonal kasi sya pag pinag-uusapan ang mga magulang niya.
"Oh! I knew it! Kaya pala magaan ang loob ko sa'yo. You look like your dad. Where are they? Matagal na rin mula noong nagkita kami." Nasasabik na sabi ng matanda kay Xenon.
"They passed away." She coldly said. Ayaw nyang ipakita sa iba ang kahinaan niya.
"Oh God. I'm sorry." Puno ng sinseredad na sabi ng matanda kay Xenon.
Wag kang magsorry hindi ikaw ang pumatay sa kanila.
Yan ang gusto nyang sabihin pero nanatili na lang syang walang imik.
Napansin naman ng matanda ang pananahimik niya kaya hindi na sya nito kinulit o tinanong pa.
BINABASA MO ANG
The Wallflower's Retaliation [On-Going]
ЧиклитShe's just a nobody who hates the world.. No, scratch that. She abominates the world to the fullest. She loathes everything and everybody. She detests those people who gave her so much pain. They killed her parents. They purloined their wealth. They...