Chapter 6

24 11 2
                                    


MINAOBRA ni Xenon ang motor niya patungo sa HQ niya dahil may kukunin siyang mahahalagang papeles para sa kanyang plano.

Pinaharurot niya ito ng mabilis kaya naman ay agad siyang nakarating doon.
Wala ang ibang miyembro nila doon, siguro may iba itong pinagkakaabalahan kaya nakakapanibago ang katahimikan ng HQ.

Agad siyang pumasok sa HQ nila at dumeretso sa sekretong elevator upang makapunta sa ilalim na bahagi ng HQ.

Nang bumukas ang elevator ay agad niyang nakita si Hades, nakaupo ito sa sofa at mukhang malalim ang iniisip.

Agad niya itong nilapitan at umupo ito sa isang upuan kaharap kung saan nakaupo si Hades.

"Hades." nakuha niya ang atensyon nito kaya agad nitong inabot ang isang brown envelope.

"Nandyan na lahat ng kailangan mo, birth certificate, IDs, bank accounts, and such with your fake identity." seryosong sabi ng binata sa kanya.

Tumango lamang siya at binuksan ang nasa envelope.

Nakita niya ang mga mukha niya sa mga ID at ang pangalan na gagamitin niya para matago kung sino siya.

Devone Cruz.
25 years old.

"And i photoshop your ID picture para hindi ka makilala o matandaan nila."

Ito nga ang napansin niya, ang babae na nasa ID ay malayo sa kung ano man ang anyo niya ngayon.

Si Devone ay mukhang boring na babae, maikli ang buhok at may makapal na salamin.

Kung titignan, malayo ito sa mukha niya ngayon na maangas at may mahabang buhok.

Well done.

Sa lahat ng member ng gang niya, si Hades lamang ang may kakayahang malayang nakakakita sa kanyang mukha kaya hindi na siya nag-aabala pang mag-maskara sa harap nito.

Kaya ito rin ang inutusan niyang gumawa ng mga dokumentong ito upang walang kahit na anong aberya.

"Salamat." Agad siyang tumayo at tinalikuran ito.

Bago paman siya makaalis ay may sinabi ang binata sa kanya.

"If you need anything else, just call me Xie. You know, we got your back. Always."

Tumango lamang ito at tuluyan ng umalis sa silid na iyon.

We got your back. Always.

Linya rin ito ni Kivs sa kanya noong nakaraan.

Isinawalang bahala niya na lamang ito dahil baka coincidence lang ang pagkakatulad ng sinabi nila.

Hindi naman imposible yun.

Agad niyang pinaharurot ang motor niya sa isang malaking mall para sa bago niyang pagkatao.

Nang maipark niya ang motor niya sa parking space ng motor pagkarating niya doon ay agad siyang pumunta sa loob ng mall diretso sa botique na nagtitinda ng wig.

Nakakita siya ng wig na kagaya ng nasa fake ID niya kaya agad niya itong binili.

Pumunta naman siya sa mga botique ng mga damit para makabili ng mga boring na damit at hindi naman siya natagalan sa mga iyon.

Ang panghuli niyang pinuntahan ay ang botique ng mga salamin sa mata, pumili siya ng walang grado na salamin dahil malinaw naman talaga ang kanyang mata ngunit siniguro niyang makapal ito tignan.

Nang makalabas siya sa botique ng mga salamin ay may agad na tumawag sa kanya.

"Nona!" Nilingon niya ang pamilyar na lalaking tumawag sa kanya.

The Wallflower's Retaliation [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon