Chapter One

5 0 0
                                    

Chapter 1
Twitter

@imseki: "Hindi mo kailangang ipilit ang sarili mo sa taong alam mong hindi naman ikaw ang choice."

♥️ 235 likes •  🔁 136 retweet

"Ay nako! Ayan ka nanaman! Papansin ka nanaman kay Seki na yan." Wika ng bestfriend kong si Khate.

"Ano nanaman yun? Inspired lang naman ako sa mga tweets niya ah!"

"Inspired ka jan! E hindi mo nga kilala yan. Pa-mysterious kuno."

"Tsssk! Kung ayaw mo sa kaniya edi 'wag mo. Palibahasa kasi may boyfriend ka na. Bahala ka nga diyan!" I said at lumabas na ng kwarto ko.

"Maaaa! Punta lang po kami sa may court ni Khate." Sigaw ko kay mama at lumabas na ng bahay.

"Osige! Umuwi kayo agad ha! Mag hahapunan na." Sigaw naman ni mama galing kusina.

•@Court•

"Manang leti, 2 pong softdrinks." Wika ni Khate.

"O asaan na yang boyfriend mong bulok?" I said.

"Ikaw grabe ka kay James! Tsk. Ayun siya oh!" Sabay turo sa lalaking kaka-shoot lang ng bola ni hindi naman nashoot yung bola!

"Yan na 'yon?!" I asked.

"Oo bakit? Kesa naman jan sa Seki mong di makatotohanan."

Iniripan ko lang siya at lumapit naman siya sa boyfriend niya kuno. E kakakilala nga lang nila nung isang linggo tapos malaman laman ko sila na.

"Babe, si Aomie nga pala, bestfriend ko." Pagpapakilala sa'kin ni Khate.

"Bes si James." Sabi ni Khate.

"Hi." Sabi ko at nginitian siya.

Ngumiti lang naman siya pabalik.

"Aomieeeeee!" Sigaw ng isang lalaki sa likuran ko.

Nilingon ko naman ito, "Uy, Aze!"

"Ginagawa mo dito? Mag isa ka lang?" Tanong nito, "Ah hindi. Ayun oh, kasama ko si Khate nakikipag date." Sabi ko sabay turo kay Khate at kay James na nakaupo sa bleacher.

"Ah. Pano daw sila nagkakilala?"

"Sa facebook ata, last week lang." I said, "Kakilala mo ba 'yan?" Tanong ko.

"Hindi eh, nakatalikod kaya." "Tara, ice cream tayo. Busy pa naman si Khate e."

Dahil wala naman akong magawa, sumang-ayon nalang din ako sa kaniya.

"Onga pala, sabi ni Khate may bago daw kayo sa barkada ah?" Sabi ko.

"Ah, oo. Bagong lipat dito. Pinsan ni Matth yung isa." Sabi niya, "Pakilala namin kayo sa susunod." Tumango nalang ako sakaniya.

"Ahm, Aomie." Panimula niya, "Hmmm?"

"Ah, tutal may boyfriend naman na si Khate, baka naman—" "Besssss!"
Tawag naman ni Khate mula sa malayo.

"Wait lang Aze ha—bakiiit?!" Sigaw ko pabalik.

Nakita ko naman siya natumatakbo papunta sa direksyon namin, "Nag text na si tita. Uwi na daw tayo." Wika nito, "Akin nalang." Dagdag niya sabay hablot sa ice cream na hawak ko.

"Timawa ka talaga!" Bulyaw ko sa kaniya, "Aze, bukas nalang ha. Una na kami." Wika ko.

"Hatid ko na kayo." Wika nito, "Hindi sige, okay lang. Kita nalang tayo bukas sa school."

"Kita bukas! Di ka nga lumalabas ng room eh. Di naman kayo mag kaklase. Patola ka." Singit ni Khate. Inirapan ko nalang siya at nag paalam na kay Aze.

Pagkauwi namin, dimeretso naman ako sa kwarto ko at nakasunod naman 'tong si Khate sa'kin.

"May kwarto ka diba? Ba't ba lagi ka rito?" Wika na tanong ko sa kaniya.

*Tri-tone*

Tunog cellphone ko at agad ko naman tinignan ito.

"Ayan, nag tweet nanaman si Seki mo." Singit niya sabay tingin sa cellphone ko.

@imseki: "Mula umagahan, tanghalian at hapunan ikaw ang hinihiling na kasama ko sa hapagkainan."

♥️ 569 likes • 🔁 471 retweet

"Tsk. Corny!"

"Corny mo mukha mo!"

*liked* *retweet*

~•~
Author's Note

Hi! Gusto ko lang pong i-clear na meron pong tatlong sound dito. Hehe. Kinuha ko lang siya sa phone para di nalang malito.

*Secha* for calls
*Aurora* for text
*Tri-tone* for tweets

Medyo corny pero para mas okay. Kasi yung *beep beep* pwede siya sa kotse. Yung *kring kring* pwedeng bell sa shool. So, yung  ringtone nalang lalagay ko. Hehez. Thankyou! Lovelots.

I Love You and Goodbye Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon