Chapter Two

3 0 0
                                    

Chapter 2
New Friends

"Ano Aomie?! Di ka pa rin tapos?! Kanina pa ko dito." Sigaw ni Khate mula sa baba.

"I'm done." Sabi ko habang pababa ng hagdan. "Hay nako! Late nanaman tayo. Bilisan mo diyan!" Sabi niya.

Nginitian ko lang siya bilang pang-aasar. Palabas na ko ng pinto ng mag vibrate ang phone ko.

@imseki: "Good morning :)"

♥️ 300 likes •  🔁 250 retweet

*liked* *retweet*

Lalo tuloy naging good mood ako.

"Retweet ka pa jan! E kayang kaya mo namang itype yan! Wala namang sense yang niretweet mo. Papansin ka lang jan eh." Pang aasar ni Khate.

Hindi ko nalang siya pinansin kasi ayokong masira ang mood ko sa kaniya. "Bye ma! Pasok na po kami." Paalam ko kay mama sabay kiss. "Bye po tita, una na po kami." Ganun din si Khate.

•@School•

As usual, pag dating namin sa school tapos na yung flag ceremony.

"Bilisan mo kaya Aomie! Papagalitan nanaman tayo ni Ms. Migrao." Inis na sabi ni Khate. Nasa honor kasi siya kaya todo alaga sa pangalan niya. Tsk.

"Oo na! Eto na! Tss. Gagalit siya, e siya nga laging late." Wika ko.

"Ayun na nga late na nga siya pumapasok lalo pa tayong late." Blahblahblah.

"Hi, Aoimie." Sabi ni Aze habang nakaakbay sa'kin.

"Uy" bati ko, "nag mamadali kayo?"

"Oo late na kami sa first class."

"Ms. Migrao?" Tanong nito at tumango lang ako bilang tugon.

"Di ko siya kanina nakita sa flag ceremony at sa faculty. Absent ata." Sabi ni Matth isang kaibigan namin.

"Yes! Wala pa naman akong assignment dun. Wooooh!" Wika ko.

"Hahaha"- Matth and Aze

"Hi, babe!" Bati ni James na nakasalubong namin.

"Babe!" Bati rin ni Khate. Ayan nanaman sila. Tssk.

"Uy, pre!" Sabi ni Matth at Aze kay James, "Kakilala niyo?" Bulong ko kay Aze.

"Sila yung sinasabi namin sa inyong bago namin kakila. Pinsan ni Matth." "Sino? Si james?" Tanong ko.

"Hindi ah, si Sean. Yang kasama ni James." Natapatango nalang ako sa sinabi niya.

"Bes! Tara na kaya?!" Sabi ni Khate, "Sandali lang! Eto takot na takot. Sabihin mo lang pangalan ko kay Ms. Migrao. 'Wag kang natatakot—Aray ko naman bes! Dahan dahan lang naman!" Wika ko habang hila hila niya 'ko at tumatakbo.

Pagdating namin sa room, wala naman si Ms. Migrao, "Woooh." Hingal ko habang naupo sa upuan ko.

Habang nakadukdok ako, naramdaman ko naman umupo sa tabi ko si Khate kasi magkatabi kami ng upuan, "Beeeeessss" wika ko habang hingal na hingal.

Hindi naman siya sumagot, "Pange tubiiigggg! Mamatay na 'ko! Hinila hila mo 'ko, wala naman pala si ma'am dito. Siraulo ka!!!" Inis kong sabi sa kaniya.

Naramdaman ko naman nag baba siya ng tubig sa mesa, "thanks" at uminom, "Bes oh, nag iba ka na ng lalagyan ng tubig bes?" Sabi ko at humarap sa kaniya.

O___o —>ako

-___- —>siya

Waiit! Hindi si Khate 'to! Hinanap ko naman sa buong room si Khate.

"Pssst! Bes!" Tawag ko sa kaniya. Nung humurap naman siya, "Anong ginagawa mo diyan?!" Habang pinanlalakihan ko siya ng mata.

Nasa kabilang side ko kasi siye pero may space yung upuan namin, "Ah, bes! Palit muna kami ni Sean ha! Tabi muna kami ni James. Hehe."

Hindi na 'ko nakapag react pa, kasi dumating ung adviser namin.

"Goodmorning, class. Napadaan lan ako para sabihin sa inyo na may transferee tayo. Mr. Callado and Mr. Mesina please introduce yourselves."

"Hi, ako nga pala si Sean Keir Callado. Nice to meet you." Sabi niya with smilling face.

"James Mesina po. Hehe." Pagpapakilala naman ni James.

"Osige na class, be nice to them ha. Be ready to your next class. Punta na ko sa klase ko." Sabi ng adviser namin.

Agad namang lumapit si Britt kay Sean, "Hi, Sean. Brittany nga pala. Class President dito." Pagpapakilala nito. Sus. Baka sabihin mo dakilang malandi nga pala ng section na 'to.

"Hello." Sabi ni Sean ng naka-ngiti.

Nag-usap lang sila ng kung ano-ano.

*tri-tone*

@imseki: "Minsan nasa harap mo na, nasa gilid mo na o nasa likod mo na, di mo pa napapansin."

♥️ 980 likes • 🔁 679 retweet

*liked* *retweet*

I Love You and Goodbye Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon