Chapter Sixteen

0 0 0
                                    

Chapter 16
None of your Business

Kinabukasan ay pumasok na ko, dahil kaya ko naman na. Nang makarating kami ng classroom, as usual wala si Ms. Migrao dahil nga wala siya ng isang linggo.

Nakita ko naman si Sean, kausap si Brittany, kinabahan ko. Shet.

Tahimik lang akong umupo, at diretsong tumingin sa may board at nangalumbaba.

Tsk. Di man lang niya ko napansin. Napairap naman ako sa hangin dahil sa ideyang iyon.

"Tara Sean, samahan mo ko sa cafeteria." Anyaya ni James sa kaniya.

"Sama ko." At ayun sumama naman ang maarteng si Brittany. Gusto kong baliin yung mga kamay niyang nakapalupot sa braso ni Sean.

Puta! Ang possessive ko ba? Hindi pa kami!

Tumayo na sila at lumabas. Di man lang talaga ko pinansin. Okay. Ganyan pala ha.

Dumukdok lang ako at nag isip ng magagandang bagay dahil kung hindi ko gagawin yun ay baka masiraan ako ng ulo.

*tri-tone*

Agad ko naman kinuha ang phone ko nang marinig na tumunog ito.

@imseki: "I have to do this, for the plan. Hope you can wait, baby. Reply please."

♥️ 55 likes • 🔁 20 retweet

*liked*

Nag uusap pa rin kami ni Seki, pero casual nalang. Medyo umiiwas na rin ako kasi alam kong hindi naman ako yung taong gusto niya. And besides Sean came, simula non na-iba na ang gusto ko sa buhay.

Hindi ako sigurado sa feelings ko para kay Sean, pero sa bawat dm sa'kin ni Seki nababaliwala ko dahil kay Sean, pero pag si Sean naman ay hindi ko nababaliwala dahil sa mga dm ni Seki sa'kin.

I liked Seki but I think, I'm falling for Sean.

"Bes, cr lang ako, sama ka?" I asked.

Umiling lang ito at pinagpatuloy ang ginagawa.

Pagkatapos ko mag cr, dumiretso ako sa cafeteria dahil bibili sana ko ng squizy lemon.

Nakita ko sila Sean na nakapila, stall ng bilihan ng french fries na katabi ng bibilhan ko sana kaya nag iba nalang ako ng bibilhin.

Inikot ko ang paningin ko at bigla akong nag crave sa waffle at calamansi juice.

"Uy, Aomie." Nagulat naman ako sa bumati sa likod ko, nilingon ko ito, "Uy, hi Mark." Bati ko ng naka-ngiti.

Bigla ko namang naalala yung eksena sa sm, agad akong na-guilty, "Oo nga pala, sorry Mark dun sa last time." Ngiti ko sa kaniya and gave him an apology look.

"No, it's okay. Ano bibilhin mo?" Tanong niya at tinignan ang bilihan ng waffle na pinipilahan ko, mahaba ang pila nito.

"Ano bang flavor sayo?"

"Ahm, yung classic lang."

"I'll treat you."

"No, thank-" "I bet may pera naman siya. She's not beggar."

"Sean?" Takang tanong ko dito.

Nagtatakang tumingin naman si Mark sa kaniya, "What are you doing here?" Inis na tanong ko sa kaniya.

"Bumibili ng pagkain. Ikaw? Anong ginagawa mo dito..." "kasama siya?" Tanong ni Sean at pinasadahan ng tingin si Mark.

"Nag kita lang kami. Can you please leave us alone? Nag uusap kami. You're rude." Inis na sabi ko sakaniya at inirapan siya.

Humarap na ko sa linya ko, si Sean naman nasa gilid ko nag sasalita pero hindi ko siya pinapansin. Si Mark naman, ewan ko umalis.

"Aomie, here." Sabi ni Mark at inabot sakin ang dalawang waffles.

Nag taka ako kung paano siya naka bili agad, eh ang haba ng pila, "Kakilala ko yung nag bebenta. Father siya ng friend ko." Paliwanag nito na tila naintindihan niya ang nasa isip ko.

"Ah, thanks." Sabi ko at ngitian siya. "Eto oh, calamansi juice." Dagdag pa ni Mark sa'kin.

"Ay nako, h'wag na, tama na 'tong waffles."

"No, it's okay. Para sa'yo naman to." Sabi niya at inabot sakin ang calamansi juice. Tatanggapin ko na sana ang inaabot ni Mark nang sumingit nanaman si Sean. Puta! Ano bang problema neto? Kanina di ako pinapansin tapos bigla siya gaganyan?!

"Sa tingin ko, mas gusto niya ang lemon juice." "Let's go." Sabi ni Sean at hinila nanaman ako.

Nang makarating kami sa tapat ng classroom at marahas kong hinila ang kamay ko.

"Ano bang problema mo Sean ha?!" Inis na singhal ko sa kaniya.

Si James naman ay nasa likod, "Uh-oh" sabi nito at nilagpasan kami ni Sean para pumasok sa room, "Goodluck bro, LQ lang 'yan. Away mag-jowa."

"Shut up James!" Naiinis kong sabi sakaniya na nakapag tawa naman sakanila ni Sean.

Pumasok na rin naman si James.

"Meron ka ba?" Tanong niya habang naka-ngisi.

Agad naman akong na-curious, "What do you mean?" I asked.

"Masyado kasing mainit ulo mo." He said.

Agad naman nag process sakin yung sinabi niya. Aba, deputa! Nanliligaw ba talaga 'to?

Bakit ba ko inis na inis sa kaniya? Dahil nga ba hinila niya ko rito nang hindi man lang nakakapag pasalamt ng maayos kay Mark o dahil......

Napailing ako sa sumunod kong naisip na dahilan, bumaling ako kay Sean na nakatingin sakin. There's no point para awayin ko siya.

Inirapan ko siya at nilagpasan siya, naiinis ako sayo!

"What's wrong with you?" Tanong nito at hinablot ang kamay ko.

What's wrong with me? Tangina! Tinatanong niya ko kung anong problema ko?! Ako pa?!

Tinignan ko siya ng masama, "That's none of your business."

Pero sa totoo, hindi ko rin alam. Ayoko sa pangalawa kong naisip na baka galit ako dahil hindi niya ko pinansin, baka galit ako kasi nag seselos ako. It's below the belt. Wala akong karapatan.

I Love You and Goodbye Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon