Chapter Eighteen

0 0 0
                                    

Chapter 18
Lost and Found

Papasok na kami ni Sean sa next subject, hindi ko siya kaklase at kabilang building ang klase niya pero ihahatid daw niya ko, "Ikaw
aw ang hindi namansin diyan ka-aga aga!"

"Papansinin na dapat kita pero nakita ko nanaman kasama mo si Mark."

"At anong masama don? Kaibigan ko si Mark. Atsaka-" "Ay puta."

"Careful." Sabi ni Sean at inalalayan ako, natalisod kasi ako.

Pinulot ni Sean yung bag na nasa lapag. "Kanino kaya 'to?" Takang tanong ni Sean.

"Mang huhula kaya ako?" Curious kuno kong tanong.

"Che! Tara dalhin natin sa lost and found." Sabi ni Sean, "Ikaw nalang male-late na ko."

"Wag kang OA! Tinatamad ka lang eh, 30mins pa bago klase mo." Sabi ni Sean at hinila na ko. Tsss.

"Isulat niyo diyan ang pangalan niyo para kapag may kumuha." Sabi ni manong samin pagkabigay namin ng bag.

Agad namang nag sulat si Sean, "Manong...." tawag ni Sean dito.

"Bakit, ijo?"

"Nandyan po ba yung puso ko? Nawawala kasi." Sabi ni Sean.

"Hahaha. Wala, ijo. Malamang hawak niyang katabi mo." Sabi ni manong at sinakyan ang biro ni Sean. Sabay naman silang tumawa.

Napa-iling naman ako habang natatawa.

~•~

Lumipas ang ilang linggo, thursday na ngayon. Bukas ay Valentines na.

"Aomie," tawag sakin ni Sean habang nag lalakad kami papunta sa classroom.

"Papasok ka bukas? I mean, dito sa school pupunta ka?" He asked.

May gaganaping Valentines Party kasi dito sa school. Hindi siya party na naka-gown ganon, may mga booths ganon.

"Siguro, pinipilit ako ni Aomie. Why?"

"Ayain sana kita, tagaytay." He said.

Humarap naman ako sa kaniya dahil nasa tapat na kami ng room.

"Okay." Tipid kong sagot sakaniya, "Okay?" Tanong niya.

"Okay, tagaytay bukas. After school, lunch." Ngumiti naman siya sakin. Ginulo niya ang buhok ko at umalis na papunta sa room nila.

Sht! Eto nanaman yung puso ko.

•••

Papunta na kami ni Khate sa school, dahil Valentines nga ngayon. Naka-crop top ako na color red, ripped jeans at white na rubber shoes.

"Nak! Nandito na si Sean." Tawag naman sakin ni mama. Tinapos ko na ang pag susuklay ko at lumabas ng kwarto.

"Si Khate ma, nasaan?"

"Nauna na, ang bagal mo kasi." Sagot sakin ni Sean.

Naka-ngising umiiling naman si mama, "Si Sean lang ata makakatagal sa kakupadan mo, bunso." Sabay naman silang tumawa ni Sean.

"Tara." Aya sa'kin ni Sean, "Tita, tito, alis na po kami ni Aomie."

"Okay sige, mag iingat kayo mamaya. Umuwi ng maaga ha." Sabi samin ni mama.

Nang makarating kami ni Sean sa school organised na lahat. May mga booths na at nag kakasiyahan na sila.

"Breakfast tayo?" Wika ni Sean.

Tinanguan ko naman siya, pag pasok namin sa cateen ng school namangha ako. Dahil dinesenyohan talaga nila ito at nagmukhang luxury restaurant.

Pagka-upo namin agad na kaming sinerve-an ng crew kuno na estudyante rin naman dito sa school namin.

"Hindi naman halatang prepared ka. Haha."

"Para sa'yo magiging handa ako."

Nagkwentuhan lang kami ni Sean habang kumakain. Sobrang priceless ng moment na 'to.

Paglabas namin ni Sean nag tatawanan kami ng biglang mag sumigaw, "Ay!" React ko dahil nagulat din ako.

"Ate! Kuya!" Tawag ng isang babae samin. Lumapit naman agad kami sakanila.

Pinosas nila kami ni Sean, "Wait! Anong meron?" Tanong ko.

"Naapakan niyo po kasi ayun," sabi ng babae at turo sa isang sing sing na picture na nakadikit sa sahig sa tapat ng pintuan ng canteen.

"Eh bakit kasi diyan niyo nilagay? Dapat isinabit niyo para hindi naaapakan." Sabi ko habang tinitignan ang kamay kong naka-posas.

"Ikakasal ka na ate." Sabi ng babae at hinila ako patungo kung saan. Magkaiba kami ng direksyon ni Sean may nanghila rin sakaniyang ibang mga babae.

"Bata pa 'ko." Sabi ko.

*tri-tone*

"Sandali nga. Titignan ko lng phone ko." Sabi ko sa babae dahil hindi ako makakilos dahil sa posas sa kamay ko.

Binitawan naman niya ko at kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko.

@imseki: "This song is for my girl. My one and only girl. I love you."

♥️ 305 likes • 🔁 221 retweets

*liked*

-A thread

I Love You and Goodbye Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon