Chapter Nine

0 0 0
                                    

Chapter 9
Date

"Huy Aomie." Bati sakin ni Aze, pagkapasok namin ni Khate.

"Uy." Wika ko sabay ngiti dito.

"Hi Aomie," Bati naman ni Matth.

"Sabay sabay na tayo mag lunch mamaya ha. Namiss namin kayo eh." Wika ni Aze,

"Sige ba! Una na ko ha. Anlayo na ni Khate oh." Sabi ko sabay turo kay Khate na nauna ng maglakad.

Nang makarating kami sa room umupo na ko agad sa upuan ko, "Hi" bati sakin ni Sean.

"Uy" bati ko naman pabalik.

"Bes! Di ko pala nadala yung sandwich mo na pinapabitbit ni tita, sorry!" Wika ni Khate, dahil as usual, di nanaman ako nakapag breakfast dahil late nanaman akong nagising.

"Bakit babe?" Tanong naman ni James.

"Hindi nanaman kasi siya nakapag breakfast dahil late nanaman." Sagot naman ni Khate dito.

Tumayo naman itong si Sean tatanungin ko na sana kung saan siya pupunta ngunit bigla dumating ako teacher namin, "Mr. Callado, where are you going?" Tanong ni Ms. Migrao sa kaniya

"Mag-cr lang po ako saglit ma'am, may I?" Magalang na sagot nito.

Tinanguan lamang ni Ma'am si Sean. Nagsimula ng mag klase si ma'am, kahit kakasimula palang niya tila parang inaantok na ko. Salita siya ng salita sa harap wala naman kaming naintindihan tila parang siya lang nakakagets ng mga sinasabi niya.

Maya maya lang ay dumating si Sean, "Oh" sabi nito.

Napatingin naman ako sa kaniya, inaabot niya ang vegetable sandwich sa'kin

"Gagawin ko diyan?"

"Inumin mo. I blender mo staka mo gawin juice!" Sabi nito sabay irap sakin.

"Di ka pa nag bebreakfast diba? Kainin mo nang magkalaman ka naman!"

"Ayiiieee! Concern siya sakin. Ayiie, ayiiieee," pang aasar ko dito sabay tusok pa ng tagiliran.

"Shut up. Kumain ka nalang." Masungit na sabi nito.

"Concern ka lang eh, kunyari ka pang galit. Ayiiieee"

"Oo na concern na ko sayo."

Sht! Eto nanaman yung pakiramdam ko.

"Oh, ba't natahimik ka?" Tanong niya.

"Bakit? Nagugutom na ko. Shut up."

"Sus. If I know, kinilig ka lang."

"Would you please just shut up? You're annoying." Inis na sabi ko sakaniya.

"Why? Kanina kung makapang asar ka, tapos ngayon you're pissed. Hahaha."

Hindi ko na siya pinansin at kinain ko nalang ang binili niyang sandwich.

Mabilis lumipas ang oras at ngayo'y lunch na, kanina ko pa natatanaw si Aze at Matth sa labas dahil nga sabay sabay kaming mag lu-lunch ngunit ngayon lang kami dinismissed ng teacher namin.

"Sup?" Bati ni Sean kina Matth at Aze

"Tara lunch." Pag aaya naman ni Aze.

"You look tired." Sabi nito sakin at sinabayan ako sa pag lalakad.

"Yeah." Walang gana kong sabi.

"I'll treat you lunch." Masayang wika nito. I just smiled at him. I just don't have energy now.

Tulad ng sabi ni Aze nilibre niya 'ko ng lunch. Nag pasalamat naman ako agad sa kaniya.

"You sick?" Tanong ni Matth sakin.

"Ayan kasi di mag bebreakfast ng maayos." Wika naman ni Khate.

Hindi ko alam pero tinignan ko si Sean, nakatingin siya sa'kin. Bakit?

Hindi ko kinaya ang tingin niya at nag iwas ng tingin.

"Bes, di ako sasabay umuwi ha?" Wika ni Khate sa'kin.

"Hmmm. Why?" Walang gana kong sagot.

Nakatingin lang ako sa pagkain ko at ramdam ko ang tingin ni Sean sa'kin. Nai-intimidate na ko sa tingin niya. May dumi ba ko or what?

Tiningnan ko siya, something's wrong. Parang may gusto siyang sabihin, siya ang unang nag alis nang tingin kaya pinagpatulo ko nalang ang pagkain ko.

*tri-tone*

@imseki: "I want you. I badly want."

♥️ 32 likes • 🔁 20 retweets

*liked*

Kinabahan ako, sa mga araw na lumipas walang araw na hindi ako kinausap ni Seki. Lagi kaming nag uusap through dm pero never niyang nabanggit na gusto niya ko makita.

Hindi ko alam kung bakit patuloy na kumakalabog ang puso ko, "Aomie are you okay? You looked nervous." Aze asked.

"Ah, y-yes." Mahinang sagot ko.

Alam ko, malaking parte sa puso ko ang umaasa na sana ako. Na sana ako yung nasa tweet niya. Pero laging sumasagi sa isip ko na, malaki ang posibilidad na iba 'yon. Kasi may mga kaibigan siya at ako ay hindi niya kilala personally.

Hindi niya ko kilala..... paulit-ulit yan sa isip ko. Di ko alam pero parang nawalan na ko ng pag asa sakaniya.

I Love You and Goodbye Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon