Chapter Fourteen

0 0 0
                                    

Chapter 14
Nahulog

Natapos namin ni Sean ang project ng maayos. Ni hindi kami nag papansinan.

"Uwi na ko Sean." Wika ko.

"Wala kang kasama sa bahay niyo diba?" Naka-kunot na tanong nito.

"Halika, mag mall muna tayo." Sabi niya at tumayo.

Tinignan ko naman ang sarili ko. Ang dusing ko, may mga paint pa sa damit ko.

"Don't worry, kahit anong dumi mo, you're still pretty." Wika niya at mabilis na hinablot ang kamay ko.

Pinasakay niya ko sa sasakyan niya, siya naman dumeretso sa likod ng sasakyan at may kinuha.

"Here, wear this." He said.

Binigyan niya ko ng isang denim jacket.

"Thanks."

Pagkarating namin sa sm, tinanong niya ko kung anong gusto kong gawin.

"Don't know." Matamlay na sabi ko.

"Let's eat lunch." "Where do you want to eat?"

"Anywhere."

Ganito na kami ni Sean kanina pa, hindi na ko komportable sa kaniya. Hindi ko alam kung ano bang gusto niya, gusto kong isampal sa kaniya na may girlfriend siya at anong palabas itong ginagawa niya?

Pumasok kami sa isang restau na pamilyar na rin sa'kin. Dito kami noon kumain ni Aze, noong birthday ko.

Tinanong niya ko kung anong gusto ko at sabi ko kahit ano nalang. Hindi naman na siya nag salita pagkatapos non.

Nakahalukipkip lamang ako at ramdam ko naman ang titig niya sa'kin.

"What's your problem Aomie?" Seryosong tanong nito pagka-serve ng mga pagkain.

Nagsimula na 'kong kumain, hindi ko siya pinansin.

Iritado siya, halata naman.

Nang matapos kumain tumayo agad siya at naglakad, ako naman sumunod sa kaniya.

Wait? Kung tinalikuran niya ko bakit pa ko susunod? Ayos ah.

"Aomie!" Masiglang bati sakin ni Mark, na papunta sa direksyon namin ni Sean.

"Uy, Ma-" Babatiin ko pa sana si Mark ng bigla akong hinila ni Sean paalis don.

"I don't like him." Nakabusangot na sabi ni Sean.

"What's your problem with him? Para sabihin ko sayo, hindi ka rin niya gusto. He's just my friend." Why am I explaining? Argh!

"Wala akong problema sa kaniya, Aomie. I don't fucking care if he's your friend, ayoko sa kaniya. Sayo Aomie, sa'yo ako may problema! What's wrong with you?" Inis na singhal niya sakin at humarap.

Bigla nanaman kumalabog ang puso ko.

"W-what's wrong with me? Wala akong ginagawa s-sa'yo." I said.

"You're making me crazy Aomie! Ayoko ng malayo ka sa'kin! Argh." Naiinis niyang sabi, "Hindi ko alam kung anong ginagawa mo sa'kin. Parang lahat nalang ng gawin mo sa'kin nagiging big deal. Para na kong baliw! Ano bang ginagawa mo sa'kin Aomie?" Sabi niya.

Natigilan ako, ikaw Sean, ano bang ginagawa mo sa'kin? Kahit wala kang gawin bigla mo nalang pinapatibok ng malakas yung puso ko.

"W-wala..." "anong wala Aomie?"

"W-wala lang ako sa mood, tara nood tayong sine." Sabi ko at hinila siya papunta sa sinehan.

Habang nakapila kami ni Sean may biglang lumapit na tatlong babae, "Hi, mag isa ka lang?" Maarteng sabi ng isa dito. 

Bulag ka ate? Bobo? Di mo ko nakita?

"No," sabi ni Sean at inakbayan ako.

Nginitian ko naman ng pilit yung babae, "Kapatid mo? Cousin?" Naka-ngiting wika nito.

"Mukha ba kaming mag kamukha? Bobita!" Inis kong bulong at nakatingin lamang ng diresto.

Natawa naman si Sean sa sinabi ko, pero ang babae ay nagtaka lamang, panigurado'y hindi niya narinig ang sinabi ko. Tanga na nga, bingi pa.

"Nope" Nakangiting sabi ni Sean.

Buti nalang at nagsimula nang mag papasok kaya agad din kaming naka-pasok ni Sean.

"Ang cute mong mag selos." Sabi ni Sean na ngiting ngiti nang makaupo kami.

"I'm not jealous, Sean." Naka busangot kong sabi.

Inakbayan naman niya ko at hinilig niya ang ulo niya sa balikat ko, "Whatever you say, gusto ko yung nag seselos ka." Bulong nito na nakapag patayo ng balahibo ko.

Buong palabas ganon lang ang posisyon namin ni Sean, naiyak na ko't lahat lahat walang pinagbago.

Nang makalabas kami sa sine, humarap ako kay Sean.

"Sean..." mababang tono kong sabi, siya naman ay humarap.

"Sean...hindi ko alam kung paano at bakit. Unti unti na 'kong nahuhulog at parang hindi ko na kayang umakyat muli sa pagkakahulog sa'yo. Maniwala ka Sean, pinigilan ko. Pero hindi ko magawa. Pero Sean, hindi pa ko handa....natatakot ako."

Humarap sakin si Sean, he genuinely smiled, at hinawakan ang makabilang pisngi ko, "Don't worry, I won't let you to fall out of love with me. Mas gusto kong nahuhulog ka, mas nauna kong nahulog kaya mas mauuna ako sa baba para saluhin ka. At doon, masisigurado akong hindi ka masasaktan."

Sabay kaming ngumiti ni Sean, parang ang saya ko. Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa.....

"HAHAHAHAHAHAHA!" Sabay na tawa namin.

"Pwede ka ng actress!" Sabi nito.

"Gayang gaya natin yung scene don ah. Let's go." Sabi niya at hinawakan niya ang kamay ko.

Nakaramdam ako ng kaba, nahulog na ko. Pero nandoon kaya siya para saluhin ako?

I Love You and Goodbye Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon