Chapter Thirteen

0 0 0
                                    

Chapter 13
They Like You

Kinabukasan, magaling na ko, ngunit hindi muna ako pinapasok ni mama.

Maaga namang pumunta si Sean sa bahay. Nagpapasalamat ako, kahapon kasi nang sinabi niyang liligawan niya ko, agad din dumating sila Khate. Kaya naman medyo nakaiwas ako.

Nandito si Sean sa bahay, habang sila Khate naman ay pumasok na sa school. Mabuti nalang at wala dito sina mama at papa dahil hindi ko alam ang sasabihin kung sakaling itanong kung bakit hindi pumasok si Sean at nanatili dito sa bahay.

"Let's go?" He asked.

Tumango naman ako sakaniya. Pupunta kami ngayon sa bahay nila para tapusin na yung project. Natapos naman na daw niya. Ang sabi lang niya design nalang para sa folder ang hindi pa nagagawa at I insisted na ako nalang ang gumawa non.

I act natural as possible, gusto kong maging civil kami. Nakakaramdam ako ng awkwardness pero hindi ko pinapakita. He want this, then I'll give it to him. He wanna play game. So, be it.

Nang makarating kami sa bahay nila hindi naman gaanong kalakihan, sakto lang. Hanggang tatlong palapag.

"I bet hindi ka pa nag bebreakfast." He said.

Binaliwala ko nalang siya. Umakyat siya at ako naman nanatili dito sa sala nila.

Tahimik lang akong naka-upo dito nang may bumaba sa hagdanan nila. Mestisa, may kahabaan ang buhok na kulay brown at maganda.

"Ikaw ang kaibigan ni Sean?" Wika nito,

"Ahm, opo." I said

"By the way, I'm Fericka. Mother ni Sean." Naka-ngiting wika nito habang nakalahad ang kamay.

"And you are?"

"Ahm, Aomie po." Sabi ko at inabot ang kaniyang kamay.

"You're beautiful." Tanging ngiti lang ang kaya kong ibigay. I was in the state of shock.

"Nag breakfast na ba kayo?"

"Ah, hindi pa po." Magalang kong tugon.

"Don't be shy, ija. Halika sabay-sabay na tayo." At inakay ako papunta sa dinning nila.

Namangha ako kasi sobrang gaan sa pakiramdam ng ambiance, medyo open ito na papunta sa garden nila at may falls sa may gilid. Maaliwalas.

"Good Morning po." Magalang na bati ko sa lalaking naka-upo na malamang ay ang papa ni Sean.

"Good Morning din, ija. Upo ka." Sabi nito at naka-ngiti.

Ang babait at napaka-hospitable nila. Nginitian ko rin siya bilang ganti.

"You look happy, hon." Bati ng papa ni Sean sa asawa nito.

"Of course, first time nag dala ng babae dito si Sean-"

"Hi my." "Hi di." Bati ng bagong dating na si Sean.

"Hello- at ang galing pumili ng anak mo, Fredirick, magandang bata at mukhang mabait si Aomie." Masiglang sabi ng mommy ni Sean.

"My!" Inis na sabi ni Sean na parang nahihiya.

"Take your seat son." Pa-iling iling na wika ng daddy niya ng abot tenga ang ngiti.

What's wrong with this people?

"So, kamusta ka naman ija? Magkaklase kayo nitong si Sean?"

"Ahm, opo. Pero hindi po sa lahat ng subject."

"Okay, kamusta naman ang pag aaral nitong si Sean? Hindi naman ba nagbubulakbol?" Tanong ng daddy niya habang matamang tinitignan ang anak niya.

Si Sean naman nanatiling tahimik at naka pace palm lamang.

"Ah, hindi naman po. Katunayan palagi po siyang on time sa klase. Ako po itong palaging late. Hehe."

Ang dami pang tinanong sakin ng parents ni Sean. Para kong nasa hot seat.

"May boyfriend ka na ba ija?" Nalolokang tanong ng mommy niya.

Napatawa naman ako ng kaunti sa kaniyang tanong, "Wala pa po."

"Manliligaw?" Tanong naman ng daddy ni Sean.

Bigla akong kinabahan. I-coconsider ko ba siyang manliligaw, shit!

"Wala rin po." Napatingin naman sakin si Sean. Nakatitig lang siya. Sheeez, stop staring.

"Imposible! Sa ganyang edad? Malamang ay may mga nanligaw na sa'yo."

"Meron naman po, kaya lang po wala po sakanila ang nag pakilala sa parents ko." Nakangiting tugon ko sakanila.

Matamis naman ngumiti ang mommy ni Sean na parang nagustuhan niya kung ano man ang aking nasabi.

"Ay, ganyang babae dapat ang inaalagaan ng mga lalaki."

"Son, why don't you visit their house?" Masayang suggestion ng mommy niya.

"I've been there, my." Buryong wika ni Sean.

"So, na-meet mo na ang parents ni Aomie?"

"Nope." Walang ganang sabi nito. "Not yet." Dagdag niya.

"Are you done eating?" Baling sakin ni Sean. "Yup." Nahihiyang tugon ko.

"Let's go?" Sabi nito at tumayo. Ha? Akala ko ba'y gagawa kami ng project?

"We'll make our project sa condo ko, hindi tayo matatahimik dito sa bahay with my parents." Walang emosyong sabi ni Sean.

Bahagya naman napatawa ang mommy at daddy niya. At ako naman bahagyang nasamid at tumayo na rin.

"Una na po kami, ma'am." Baling ko sa mommy ni Sean, "Sir." Sabay baling ko naman sa daddy ni Sean.

Tumango naman sila, "I prefer tita and tito." Naka ngising sabi ni ng mommy niya.

Agad naman na kong hinila ni Sean at hindi nakapag paalam ng maayos.

Naka-sakay na kami ng kotse.

"They like you." Walang ekspresyong sabi ni Sean.

"Ha?" Takang tanong ko.

"My mom and my dad. They like you." Agad naman akong natameme. Akala ko ay ganon talaga sila makitungo. Siguro'y ganon nga talaga silang makitungo pero masaya ako sa sinabi ni Sean. Hindi ko alam. Hindi naman sakin big deal ang iniisip sakin ng ibang tao, pero parang tuwang tuwa ako nang malamang gusto ako ng parents ni Sean.

Nabalot ng katahimikan ang sasakyan. I know hindi kami okay ni Sean. Hindi naman siya ganito na cold sakin. What's wrong with him?

Bago pa ko mag tanong ay nagsalita na siya, "I don't like your answer, kanina." He said at diretsong nakatingin sa kalsada.

Binigyan ko na lamang siya ng kyurosidad na itsura.

"I'm courting you, Aomie." Sabi niya at umirap sa hangin.

"No, you're not." Disidido kong sabi sa kaniya.

I won't considered him na nililigawan niya ko unless he meet my parents and formal na sabihin liligawan niya ko. I want this to be legal sa parents ko para hindi ako nababagabag sa twing mag sasama kami.

Buo ang tiwala sakin ng magulang ko. At ayokong masira 'yon. Gusto kong alam nila, ayokong pag nakita nila kami ni Sean ng magkasama ay gumawa sila ng sariling teorya sa isip nila. Gusto kong malinaw sakanila.

"Okay, then. Set a date, mag papakilala ako sa parents mo." Diretso at disidido niyang sabi pagka-park ng kotse niya at bumaba ng kotse.

Hindi ako nakagalaw, hindi ako nakaimik. Ilang segundo akong natulala. Wtf! Ako nag sabing about sa pagpapakilala sa parents ko pero bakit ako 'tong kinakabahan.

I just thought na hindi siya disidido. I thought hindi siya seryoso. Ohshit!

I Love You and Goodbye Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon