~Dustin's POV~
Habang naglalakad ako papunta sa parking lot ay nakita ko sina Stephen at Rachelle na magkasama
Nagkibit balikat nalang ako saka nagpa tuloy maglakad. Pagkadating ko sa parking lot ay binuksan ko na kaagad ang kotse ko. Papasok na sana ako ng biglang may tumawag saakin
"Dustin wait!"
Tiningnan ko naman kung sino yung tumawag saakin. Si Bianca lang pala,magkaibigan kaming dalawa. Pero may jowa na yan,nasa ibang campus nga lang nag aaral
"Bakit Bianca?" tanong ko sakanya
"Ihatid mo naman ako sa campus nina Drexter oh" sabi nya saka ngumoso kaya naman natawa nalang ako saka ginulo ang buhok nya pero panalo nya kaagad ang kamay ko
"Fine,pasok ka na sa loob" sabi ko sakanya pumasok naman kaagad sya sa kotse ko. Bago ako pumasok sa kotse ay tumingin muna ako sa pwesto nina Stephen at Rachelle. Masama ang tingin ni Rachelle saakin pero umiling na lang ako saka pumasok sa kotse at nag simula na mag drive
~*~
{Rachelle's POV}
Napa buntong hininga na lang ako ng makitang papalayo na ang kotse ni Dustin,habang kasama si Bianca
"Rachelle,okay kalang?" tanong ni Stephen saakin
"Ahh oo,okay lang ako. Sige uuwi na ako" sabi ko saka pumasok sa van namin
"Maam Rachelle,uuwi na po tayo?" tanong ng driver saakin kaya tumango nalang ako saka sya nagsimula mag drive
Minsan kasi pagtapos na ang school hours ay sa mall muna ako pupunta. Pero,nawalan ako ng gana eh...
Pagkadating namin sa bahay ay dumaritso na kaagad ako sa kwarto. Pagka pasok ko sa kwarto ay humiga na kaagad ako sa kama
Bakit ba kasi ganun? Hindi sya masungit sa ibang babae,tapos kapag saakin parang may dalaw!
Tinawagan ko nalang si Leia para masabi sakanya ang mga nangyari saakin ngayong araw
*Conversation*
Leia: Hi Rachelle! Bakit ka napatawag?
Rachelle: Nawalan ako ng gana dahil sa nakita ko kanina sa parking lot ng campus... *sigh*
Leia: Ha? Ano ba nakita mo?
Rachelle: Si Bianca at Dustin magkasama,tapos sumakay pa si Bianca sa kotse ni Dustin. Magda date ata sila....
Leia: Rachelle,kung tigilan mo na kaya ang pagsunod kay Dustin? Ano ba napapala mo sa pagsunod sakanya? Wala naman diba? Ikaw rin ang masasaktan sa huli,Rachelle. Trust me..
Rachelle: Kaya ko lang naman sinusundan si Dustin dahil baka mapansin na nya ako. Ang tagal ko na kayang nagka crush sakanya! Tapos ngayon paba ako susuko kung kailan napapansin na nya ako?
Leia: Naku,Rachelle. Napapansin ka nga ni Dustin,pero hindi dahil sa gusto ka nya. Napapansin ka nya dahil naiinis sya sa pagsunod mo sakanya! Tumigil ka na nga dyan sa kahibangan mo
Rachelle: Wow,thank you Leia ah. Mas lalo mo pang pinabibigat ang nararamdaman ko. Susuko lang ako kapag hindi ko na talaga kaya
Leia: Ewan ko sayo,sige na. Maghahapunan na kami. Byeee~
Rachelle: Byeeeee~~~
*End of Conversation*
Napa buntong hininga nalang ako saka nilagay ang cellphone sa kama. Susuko lang ako kapag hindi ko na talaga kaya. Tao rin naman ako no,nasasaktan rin naman ako
Nasasaktan rin ako na hindi ako gusto ng gusto ko...
Hayys,pag ibig nga naman...
~~~~~
Sorry sa matagal na update!!Tinapos ko lang kasi ang The coolest girl ive ever meet. Completed na sya ngayon yipeee!!! {Lol}
winternessa <3
BINABASA MO ANG
Three Sided Love {Completed}
Fiksi Penggemar"I dont like nor love you so please stop following me" ~ Dustin Clark Ledesma "I cant believe i just fall in love with that girl" ~ Dustin Clark Ledesma ~~~~ {Dustin Parents story: Jasper's Property Dustin sister/twin story: Journey from hatred to l...