~Rachelle's POV~
Habang nag instagram ako ay nakita ko ang post ni Bianca. Nasa party ata sila,naka tag panga si Dustin at Alyssa? Magkasama sila?
Tiningnan ko naman ang ibang litrato. Pero sana pala hindi nalang,nakita ko ang picture ni Dustin at Alyssa. Naka two piece si Alyssa habang si Dustin walang suot na t-shirt
Naliligo ata silang dalawa sa pool. Naka akbay pa sakanya si Dustin kay Alyssa. Halatang masaya silang dalawa
Nakita ko rin na nagpost si Dustin saka naka mention pa si Alyssa. Ang sakit ha,may pa i love you pa sila
Di ko napansin na may tumulo na pala na luha sa mata ko kaya kaagad ko itong pinunasan
Wala na ba talaga akong pag asa? T^T
~*~*~*~*~*~*~*
{Dustin's POV}
Nagising ako ng dahil tumunog ang cellphone ko. Sino ang tumatawag ng ganitong oras?! Istorbo sa tulog!
*Conversation*
:Good morning Dustin~!! May jowa ka na pala eh! Pakilala mo naman!
Dustin: Phoebe! Ang aga aga napaka ingay mo! Saka di ko girlfriend si Alyssa okay? Kaibigan ko lang yun!
Phoebe: Utot mo! Ipakilala mo daw,sabi ni mommy
Dustin: Ha?! Sinabi mo kay mommy?!
Phoebe: Nakita ko sa post mo sa Instagram eh,kaya pinakita ko kay mommy
Dustin: Ewan ko sayo, magkaibigan lang kami ni Alyssa okay?
Phoebe: Pero Dusti-
*End of conversation*
Napaka aga sobrang ingay! Tumayo kaagad ako saka pumunta sa cr para maligo. Buti nalang talaga at di ko uminom kagabi,kung naka inom pa ako eh di na ako naka uwi dito sa condo
Pagka tapos ko maligo ay nagbihis na kaagad ako. Naka white t-shirt lang naman ako tapos naka short at vans na sapatos
Pupunta ako kina mommy,pero pupuntuahan ko muna si Alyssa
~*~*~*~*~*~
"Ha?!! Bakit mo naman ako ipakilala sa parents mo?!!" Sigaw ni Alyssa kaya napa takip kaagad ako sa tenga
"Nakita ng kakambal ko ang post ko sa Instagram, kaya sabi nya ipakilala daw kita kay mommy" sabi ko habang nagda drive patungo sa bahay
"Woyy,sabihin mo na magkaibigan lang tayon okay? Baka akalain pa nila na mag jowa tayo" sabi nya kaya napa iling nalang ako
Pagkadating namin sa bahay ay binigay ko sa guard ng bahay ang susi ng kotse ko para sya na ang magpasok sa loob
May tiwala naman kami sa mga nagta trabaho saamin eh. Saka mababait naman sila
"Mommy!!! Andito na si Kuya Dustin at ang girlfriend nya!!!" Sigaw ni Snow pagka pasok namin sa bahay
"Luh,Dustin. Ang ingay ng kapatid mo" sabi ni Alyssa kaya natawa nalang ako
"Baby!!" Tili ni mommy saka ako yinakap kaya yinakap ko rin si mommy pabalik
"Hi! You must be the girlfriend?" tanong ni Mommy kay Alyssa pagka kalas namin sa pagyakap
"Huh? Naku,hindi po. Magkaibigan lang po kami" sabi ni Alyssa pero hindi sya pinansin ni mommy
"Alyssa,umupo ka" sabi ko saka umupo sa sofa
"Hi ate!! Ano po name nyo?" tanong ni Snow saka umupo sa harap namin ni Alyssa
"Im Alyssa Fhay Reyes. Saka magkaibigan lang talaga kami ng Kuya mo" sabi ni Alyssa saka ngumiti
"Weeee? Talaga? Sayang,akala ko may girlfriend na si Kuya. Kasi si Kuya Jack at Ate Phoebe may jowa na eh. Si Kuya Dustin nalang wala,tatandang mag isa ata yan eh" sabi ni Snow kaya natawa nalang si Alyssa
Ganun ba talaga ka big deal sakanila ang hindi ko pagkaroon ng girlfriend? -_-
~~~~~~
Sana nagustuhan nyo hahaha😂😂
winternessa <3
BINABASA MO ANG
Three Sided Love {Completed}
Fiksi Penggemar"I dont like nor love you so please stop following me" ~ Dustin Clark Ledesma "I cant believe i just fall in love with that girl" ~ Dustin Clark Ledesma ~~~~ {Dustin Parents story: Jasper's Property Dustin sister/twin story: Journey from hatred to l...
