TSL 11

1.2K 23 0
                                    

~Dustin's POV~

School festival na ngayon kaya ang mga students ngayon ay naka civilian lang. Kasama ko ngayon si Alyssa at Bianca. Dahil nga sa ibang paaralan si Drexter eh hindi sya makakapasok

Tuwing luch lang papasukin sa campus ang taga ibang school eh

"Sayang,wala si Drexter" sabi ni Bianca saka sumimangot

"Okay lang yan,Bianca. Pupunta naman syang lunch dito eh" sabi ko sakanya kaya nag buntong hininga nalang sya

"Woyy,Clarkyyy~ galit ka parin ba saakin?" tanong ni Alyssa saakin saka ngumuso

"Iwan ko muna kayong dalawa" sabi ni Bianca saka umalis kaya napa buntong hininga nalang ako

"Clarkyy~ sorry naaaa~" sabi nya saka hinawakan ang braso ko

"Bakit ba kasi ganyan suot mo?" Naasar kung tanong sakanya pero ngumuso lang sya

Paano ba naman kasi,naka crop top sya tapos naka ripped jeans then naka heels. Alam nya naman na ayaw ko na mag suot sya ng ganyan

"Sorry na nga eh!!" Maktol nyang sabi kaya napa iling nalang ako

"Pasalamat ka,di kita matiis" sabi ko sakanya kaya kaagad syang ngumiti at yumakap saakin

"Lablab talaga kita~" sabi nya tumawa nalang ako

~*~*~*~*~*

{Rachelle's POV}

Nasasaktan ka nanaman Rachelle...

Nakita ko kasing magkayakap si Dustin at Alyssa kaya kaagad akong umiwas ng tingin sakanila

"Teka nga,saan nyo ba ako dadalhin?"

Tumingin kaagad ulit sakanila ng dahil sa nagsalita si Dustin. May mga students na naka hawak kay Dustin at Alyssa

"May nagbayad kasi sa inyong dalawa ng 3K. Kung ayaw nyong dalawa edi magbayad rin kayo ng 3K saamin" sabi ng isang lalaki

"Huh? Ang mahal naman,Clark okay lang saakin. Ikaw?" tanong ni Alyssa kay Dustin

"Fine,sige nga" sambit ni Dustin saka sya nilakad

Sinundan ko naman sila. Sa wedding booth hinatid si Dustin

Kaagad namang pwinesto nila si Dustin saka mini altar nila. May dumating naman na babae na nakaputing dress saka may takip pa ang mukha

Tinanggal naman kaagad ng babae ang naka takip sa mukha nya

"Alyssa?"

"Clark?"

Silang dalawa ang ikakasal? Parang hindi ko na ata kaya to

"Do you Dustin Clark Ledesma to accept Alyssa Fhay Reyes to be your wife?" tanong ng pari nila pero student lang din naman iyon

"Seryoso? Kailangan pa ba ng ganito?" tanong ni Dustin

"Wedding nga diba? Ano pa inaasahan mo?" Tanong ni pari nila kaya napa iling nalang si Dustin

"Uulitin ko-"

"Oo" biglang sambit ni Dustin kaya napa tingin silang lahat sakanya

"Anong oo?"

"Oo ang sagot ko sa tanong nyo kanina" sabi ni Dustin kaya bigla nalang kumirot ang dibdib ko

"Do you Alyssa Fhay Reyes accept Dustin Clark Ledesma to be your husband?"

"Oo naman" sabi ni Alyssa saka ngumiti kaya mas lalong kumirot ang puso

"You may now,kiss your bride"

Hinawakan naman ni Dustin ang magkabilang pisngi ni Alyssa. Nagsasalita pa silang dalawa pero di ko narining dahil medyo malayo ako sakanila

Nanlako nalang ang mata ko ng hinalikan ni Dustin si Alyssa sa labi. Bigla nalang nag unahan sa pagpatak ang mga luha ko

Ang sakit sobrang sakit. Di ko na yata kaya,kaagad ko namang iniwas ang tingin sakanila saka umalis

"Everyone! Mr.& Mrs. Ledesma!!"

Dahil sa huling nadinig ko mas lalo akong napa iyak

Dustin,suko na ako..

Di ko na kaya,sana maging masaya ka kay Alyssa,dahil nasasaktan na ako. Sobrang sakit..

Suko na ako...

~~~~~
T^T

Sana nagustuhan nyo parin! T^T

winternessa <3

Three Sided Love {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon