~Dustin's POV~
"Hindi mo ba talaga boyfriend si Dustin?" tanong ulit ni mommy kay Alyssa kaya napa face palm nalang ako
Ilang ulit na ba ni mommy itong tinanong? 7? 10? -_-
"Ah,hindi po talaga tita" sabi ni Alyssa saka awkward na ngumiti saka tumingin saakin kaya nagkibit balikat lang ako
"Sayang,pero sana ikaw nalang maging girlfriend ni Dustin. I like you for my son" sabi ni momny saka ngumiti
Pero di nalang sumagot si Alyssa saka ngumiti nalang. Pinanlakihan naman ako ng mata ni Alyssa pero ngumiti lang ako sakanya saka nag peace sign
"Kumain nalang tayo" sabi ni mommy saka umalis
Kaagad naman akong hinampas ni Alyssa sa braso
"Bakit di mo manlang ako tinulungan?" Asar na tanong ni Alyssa pero tinawanan ko lang sya
"Kasi alam ko na kaya mo na yan" sabi ko saka nagtaas baba ang kilay pero hinampas nya lang ulit ako
"Ate Alyssa,picture tayoo~" sabi ni Snow kaya tumango kaagad si Alyssa saka nag picture silang dalawa
"Wahhh~ sali akoooo" sabi ni Phoebe
"Kuya Dustin sali ka saamin"sabi ni Snow kaya sumali nalang ako
"Uyyy,ano yan? Sali rin kami~" sabi ni Mommy kaya parang nag family selfie na kaming lahat
Isa sa maid namin ang kumuha ng litrato. Pagka tapos ay kumain na kaming lahat sa dining
Pinost ata ni Snow at Alyssa ang picture kanina eh
"Alyssa,baka gusto mo sumama saamin? Pupunta kami sa resort" sabi ni daddy
"Sige po" sabi ni Alyssa saka ngumiti
"Dustin,isama mo narin yung iba mopang kaibigan" sabi ni mommy kaya tumango lang ako
"Diba malapit na ang school festival? Tapos kapag natapos na ang school festival, wala tayong pasok ng one week dahil may gagawin ang mga profs?" sabi ni Phoebe kaya tumango lang ako
"Then,pagkatapos nalang ng school festival ninyo tayo pupunta sa resort" sabi ni mommy kaya tumango lang kami saka nagpa tuloy kumain
~*~*~*~*~*~*
{Rachelle's POV}
"Leia,di parin talaga mawala sa isip ko ang pinost ni Dustin" sabi ko habang naglalakad kami
Naglilibot kasi kaming dalawa ni Leia. At malapit na nga kami sa bahay nina Dustin eh
"Tigilan mo na kasi si Dustin" sabi nya habang kaharap ang cellphone
Magsasalita na sana ako ng nakita ko na bumukas ang gate nina Dustin. Lumabas si Dustin at ang mga pamilya nya. Huli namang lumabas si Snow na kapatid ni Dustin
Wait? Si Alyssa ba yan?!!
"Leia? Si Alyssa ba yan? Bakit kasama nya ang mga magulang ni Dustin?" tanong ko
"Oo nga,si Alyssa yan. Mukhang close nga ni Alyssa ang family ni Dustin" sabi nya kaya napa simangot nalang ako
"Rachelle,tingnan mo ang post ni Alyssa" sabi nya saka pinakita ang picture
Picture ito na kasama ang pamilya ni Dustin at kasama sya. May caption pa na 'meeting the family of *mention Dustin*' naka mention rin ang ibang kapatid ni Dustin at magulang nya
"Baka girlfriend talaga ni Dustin si Alyssa. Tingnan mo oh,pinakilala na nga ni Dustin si Alyssa sa pamilya nya" sabi ni Leia saakin
"Wala na talaga akong pag asa kay Dustin no?" Sabi ko habang tumingin sa pamilya ni Dustin na masayang nakipag kwentuhan kay Alyssa
"Siguro,sign na ito Rachelle na tumigil ka na sa pagka sunod o pagka gusto kay Dustin" sabi nya kaya napa buntong hininga nalang ako
"Tara Leia,uwi na tayo" sabi ko saka tumalikod
Kunti na lang Dustin, susuko na ako...
~~~~
Mwehehehe😂 sana nagustuhan ninyo!!😂Cast:
Dustin Clark Ledesma as Daniel Padilla
Rachelle Dionne Aragon as Kathryn Bernardo
Alyssa Fhay Reyes as {Secret!!😂}
Stephen Martinez as {Secret!!😂}
Leia April Mauricio as Arisse De Santos
Bianca Claire Ortegaz as {Secret!!😂}
Drexter Jhay Santos as {Secret!!😂}
Bakit Secret? Dahil siguro magiging kontrabida sila {Lol😂}
Ayoko magbangit ng artista na maging kontrabida sa story na ito,baka magalit pa kayo sakanila eh😂
Kayo na bahala kung sino ang gusto nyo pero secret talaga,akin nalang iyon😂
Mwa! :*
winternessa <3

BINABASA MO ANG
Three Sided Love {Completed}
Hayran Kurgu"I dont like nor love you so please stop following me" ~ Dustin Clark Ledesma "I cant believe i just fall in love with that girl" ~ Dustin Clark Ledesma ~~~~ {Dustin Parents story: Jasper's Property Dustin sister/twin story: Journey from hatred to l...