~Dustin's POV~
Andito ako ngayon sa bahay nina Drexter. Party daw nila eh. Saka di naman masyado marami ang mga tao na andito
Yung iba na naliligo na sa pool. Pero naka upo lang ako. Mamaya na ako maligo
Katabi ko si Alyssa na naka two piece. Hindi ko sya pinayagan,pero napaka tigas ng ulo. Kaya wala na akong nagawa
"Woyy,di ba kayo maliligo?" tanong ni Bianca na naka two piece rin habang naka akbay sakanya si Drexter
"Mamaya na" sabi ko sakanila pero nagkibit balikat lang silang dalawa saka umalis
Ang mga babae na andito naka two piece rin. Yung mga lalaki naman naka short lang saka walang suot na damit. Pati narin ako,walang suot na damit
"Clarky~ picture tayo" sabi ni Alyssa saka kinuha ang cellphone
Marami rin syang kinuha na litrato naming dalawa
"Maligo na tayo" sabi ko sakanya saka sya tinayo
Tumalon ako papunta sa pool,saka sya sumunod. Pagka ahon namin ay tumawa lang kaming dalawa
"Guyss! Picture tayo!!" Sabi ni Bianca kaya umahon kaming dalawa ni Alyssa
Pagka picture naming apat ay sinabi ni Bianca na kaming dalawa naman ni Alyssa Kaya naman inakbayan ko sya saka ngumiti
"Para talaga kayong mag jowa!!" Tili ni Bianca saka pinakita saamin ni Alyssa ang litrato
"Ipo post ko to sa instagram" sabi ni Bianca saka nagtaas baba ang kilay
"Biancs,ipasa mo nga rin saakin yan" sabi ko saka kinua ang cellphone ko
Pagkatapos ipasa ni Bianca ang litrato namin ni Alyssa na naka akbay ako sakanya,habang wala akong damit na suot saka naka short lang. Habang si Alyssa ay naka two piece
Ginawa ko naman itong Lock screen sa cellphone ko
"Alyssa tingan mo" sabi ko saka pinakita ang lock screen ko kaya napa ngiti sya
"Nakss! Tingnan mo rin akin" sabi nya saka pinakita ang wallpaper nya. Parehas kami ng picture,pero nilagyan nya lang sa ibaba ng 'my boy best friend forever!' kaya napa ngiti ako
Nagulat nalang kami ni Alyssa ng may nag flash na camera kaya napa tingin kaagad kaming dalawa. Nakita namin si Bianca na hawaka ang cellphone nya saka ngumiti saaming dalawa
"Ang sweet nyo" sabi nya saka ngumiti kaya napa iling nalang kaming dalawa ni Alyssa
Nagpahinga nalang muna kami ni Alyssa,dahil sa pagod kakalangoy
"Ayy sya nga pala Clarky,sino yung babae na kumaladkad sayo kanina sa cafeteria?" tanong nya saka kumain
"Ahh si Rachelle,classmate natin yun. Crush nya daw ako eh,pero di ko naman crush yun. Araw araw sumusunod saakin yun" sabi ko
"Creepy" sabi nya saka uminom ng tequila kaya kaagad ko itong inagaw bago pa maubos
"Wag ka ngang maglasing" sabi ko sakanya kaya napa simangot nalang sya
Biglang tumunog ang cellphone namin ni Alyssa kaya tininganan namin yun. Pinost na pala ni Bianca ang picture namin ni Alyssa
Marami na rin iyong likes at comments. Natawa nalang ako ng may nagcomment na bagay daw kaming dalawa ni Alyssa
"Ipopost ko rin picture nating dalawa" sabi ko kay Alyssa
"To this girl *mention Alyssa* thank you for everything. Alam mo naman na hindi ako mahilig mag speech kaya pagpasensyahan mo na. I love you!!*
Yan ang nilagay ko na caption saka pinost kaagad iyon
"Nakss,sweet ah. Love you rin" sabi nya saka sumandal saakin
Wala namang malisya saamin ni Alyssa na magsabi ng I love you eh
"Pinost ko rin picture nating dalawa,sure akong kikiligin ka sa caption" sabi nya saka tumawa kaya napa iling nalang ako
~*~*~*~*~*~*~*
Anyeong! Anyeong! ^_^
Sana nagustuhan nyo!!!😂
winternessa <3

BINABASA MO ANG
Three Sided Love {Completed}
Fanfiction"I dont like nor love you so please stop following me" ~ Dustin Clark Ledesma "I cant believe i just fall in love with that girl" ~ Dustin Clark Ledesma ~~~~ {Dustin Parents story: Jasper's Property Dustin sister/twin story: Journey from hatred to l...