TSL 25

1.4K 22 1
                                    

~Rachelle's POV~

Unti unti kung iminulat ang mata ko dahil sa sinag ng araw. Bumangon naman kaagad ako saka inaayos ang higaan ko saka ako lumabas sa kwarto

"Okay ba tulog mo?"

Napatili nalang ako ng may nagsalita sa likuran ko. Kaya naman humarap kaagad ako sakanya

"Dustin? Ano ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya

"Di mo maalala? Nakatulog ka kagabi kaya hinatid kita dito,aalis na sana ako e biglang umulan ng malakas kaya dito nalang ako natulog" sabi nya saakin

"Ahh,ganun ba? Ano kumain ka na? Magluluto nalang muna ako" sabi ko sakanya

"Huh? Wag na,nagkape na ako eh" sabi nya saka umupo

"Magluluto ako at kakain ka. Pasalamat ko sa paghatid mo saakin" sabi ko sakanga saka nilabas ang bacon at apat na itlog

"Dustin,paki on naman ng stove" sabi ko sakanya

"Dami naman nyang lulutuin mo" sabi nya saakin

"Gutom ako eh" sabi ko sakanya saka nilagyan ng oil ang pan

"Ako nalang mag luluto ng rice" sabi ni Dustin kaya tumango nalang ako

Nilagay ko na ang bacon sa pan saka nagsimula magluto

Habang nagluluto kami ni Dustin ay nag uusap rin kami. Pero ilang minuto rin ay biglang dumating si Leia

"Naksss!! Mag asawa lang?" Pang aasar nya saamin

"Ikaw Leia,tumigil ka nga dyan" sabi ko sakanya saka nilagay sa mesa ang mga ulam

"Eh sa totoo naman" sabi nya saka umupo sa harap ko

"Kumain na tayo" sabi ko sakanila saka sila binigyan ng plate,kutsara at tinidor

"Hmm,ang sarap mo magluto" sabi ni Dustin

"Wag kang oa dyan. Napaka simple lang lutuin nyan" sabi ko sakanya habang kumakain

"Ikaw Dustin,may jowa ka na?" Biglang tanong ni Leia

"Wala pa" sabi ni Dustin saka ngumiti

"Ganun? May gusto ka na ba na babae?" tanong ni Leia

"Hoy Leia,may balak ka mag apply bilang girlfriend ni Dustin?" Sabi ko sakanya

"Di no,takot ko lang sayo. Saka nagtatanong lang naman ako eh,selos ka?" Sabi ni Leia saka nagtaas baba ang kilay

"Di no" sabi ko sakanya saka kumain nalang ulit

"Sussss,kunware pa eh" pang aasar ni Leia saaki

"Leia,tumigil ka nga dyan. Dustin pag pasensyahan mo na si Leia ah? May saltik kasi sa utak yan" sabi ko

"Hoy! Sakit mo makapag salita ah" sabi ni Leia pero inirapan ko lang sya

"Ayaw mo manahimik eh" sabi ko sakanya saka uminom ng tubig

"Pag ako ba nanligaw sayo,papayag ka?"

Napatingin naman kami ni Leia dahil sa sinabi ni Dustin

"A-ano?" Nauutal kong tanong sakanya

"Ahhh,alis muna ako. Salamat sa breakfast" sabi ni Leia saka lumabas

"Sabi ko pag ako ba nanligaw sayo papayag ka?"

"Huh? Dustin,nagbibiro ka ba? Hindi ka na kasi nakakatuwa" sabi ko sakanya saka umiwas ng tingin

"Sino ba kasi ang may sabi na nagbibiro ako?" Seryoso nyang tanong saakin kaya naman napa lunok ako

Sheyt na malagkit. Seryoso ba sya?

~~~~~~~
Sorry natagalan hehehe ^_^

Sana nagustuhan nyoooo :)

winternessa <3

Three Sided Love {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon