TSL 26

1.3K 23 0
                                    

~Rachelle's POV~

"Flowers for my beautiful soon to be girlfriend" sabi ni Dustin saka binigay ang bulaklak saakin kaya naman napangiti nalang ako

Its been 3 weeks ng nagsimula ng manligaw si Dustin saakin. Noong una ay hindi ako pumayag pero nakita ko ang sincerity ni Dustin kaya pumayag na ako

"Thank you" sabi ko sakanya saka sya sa nagsimula mag drive

Pupunta kasi kami sa Mauricio's Beach Resort

Pag aari nina Leia. Pupunta din si Stephen doon eh,ipapakilala na daw nya ang kanyang fiance

"Nagugutom ka ba? Daan nalang muna tayo sa drove thru" sabi ni Dustin saka sya tumigil sa may drive thru

"Good afternoon maam/sir,what is your order?"

"4 burgers and fries,2 hot choco coffee"

Mga ilang oras rin ay dumating na ang order namin kaya umalis

Binuksan ko naman ang isang burger saka lumapit kay Dustin

"Ano ginagawa mo?" tanong nya saakin habang nagda drive

"Nagda drive ka eh,kaya susubuan nalang kita. Mamaya na ako,pag tapos ka na" sabi ko sakanya

Hinarap ko naman sa bibig nya ang burger saka sya kumagat doon. Nakita ko na may dumi sya sa gilid ng bibig dahil sa pagkain ng burger kaya naman kumuha ako ng tissue saka nilinis yun

Nang maubos na nya ang burger ay kinuha ko ang isang hot choco coffee saka ulit ako humarap kay Dustin. Pero pagkaharap ko sakanya ay naka ngiti sya

"Woyy,bakit ka naka ngiti dyan?" tanong ko sakanya saka pinainom sakanya ang hot choco coffee

"Wala,pwede na tayo mag asawa" biglang sabi nya kaya namumula tuloy pisnge ko

"Kaya mo naman inumin ang hot choco ng mag isa. Kakain mo na ako" sabi ko sakanya saka kinuha ang burger at kumain

"Uyyy,kinikilig" pang aasar saakin ni Dustin pero di ko na sya pinansin dahil totoo naman

~*~*~*~*~*

After 3 hours ay andito na rin kami sa resort. Bumaba naman ako saka kinuha sa back seat ang mga gamit namin

"Ako na magdadala ng mga malalaking bag" sabi ni Dustin saka nya dinala ang mga malalaking bag

"Okay,thanks" sabi ko sakanya saka sinara ang back seat saka kami naglakad

Kinuha ko naman ang phone ko saka nag text kay Leia na andito na kami sa resort nila

Nag reply naman sya na nasa lobby lang sya naghihintay saamin

Pagkadating namin sa lobby ay nilagay muna namin ang mga gamit namin sa may upuan

"Rachelle~~!!" tili ni Leia ng makita ako saka lumapit saakin at yinakap ako

"Hi Leia" sabi ko sakanya saka kinalas ang pagkayakap nya saakin

"Mayroon na kayong Room ni Dustin" sabi nya saka ngumiti

"Huh? Magkasama kami sa iisang kwarto?" tanong ko sakanya

"Yup,manliligaw mo narin naman si Dustin kaya oks lang yan" sabi nya saakin

Oh shet

~~~~~~
Sana nagustuhan nyo ^_^

winternessa <3

Three Sided Love {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon