TSL 24

1.3K 16 0
                                    

~Rachelle's POV~

"Oh,kailan namin pwede makilala ang soon to be wife mo?"sabi ko kay Stephen

" Soon,saka buti nga pinayagan ako ni Angelica eh"sabi ni Stepehen

"Possessive?" tanong ko sakanya

"Medyo,pero okay lang naman saakin" sabi ni Stephen saka ngumiti

"CR muna ako" sabi ko sakanila saka pumunta sa CR

Pagkapasok ko sa CR ay nakita ko si Alyssa na nagre retouch. Tatalikod na sana ako para umalis ng bigla nya akong tawagin

"Rachelle..." Sabi ni Alyssa kaya naman napatingin ako sakanya

"Alyssa,nice to see you again" sabi ko sakanya saka ngumiti

"Didiritsuhin na kita Rachelle,about nga pala doon sa nangyari 5 years ago sa resort" sabi ni Alyssa kaya napa yuko nalang ako

"Sa lahat ng ginawa ko at masasamang sinabi ko sayo. Im very very sorry. Sana mapatawad mo ako,hindi man ngayon pero sana mapatawad mo ako balang araw"sabi ni Alyssa saakin habang hinawakan ang kamay ko

"Alam mo Alyssa,matagal na kitang pinapatawad. Alam ko naman na nagawa mo lang ang mga bagay na yun dahil sa pagmamahal. Naiintindihan kita,kaya okay ma tayo" sabi ko sakanya at bigla naman nya akong niyakap

"Thank you" sabi ni Alyssa saka kinalas ang pagkayakap saakin kaya ngumiti nalang ako sakanya

"So balita ko ikakasal ka na? Kay Dustin no?" Sabi ko sakanya pero natawa lang sya dahil sa sinabi ko

"No,friends lang kami ni Dustin. Saka bukas pa dadating ang fiance ko galing NY. His name is Kelvin" sabi ni Alyssa saka ngumiti

"Oh,im happy for you" sabi ko sakanya

"Sige lalabas na ako" sabi ni Alyssa saka lumabas na sa CR

Tiningnan ko muna ang mukha ko sa salamin saka nag retouch. Matapos kung mag retouch ay lumabas na ako sa CR

Habang naglalakad ako papunta sa table nina Leia ay bigla nalang tumunog ang cellphone kaya naman binuksan ko ang purse ko. Pagka kuha ko sa cellphone ay may naka banga ako

"Sorry di ko sinasady-"

"Rachelle?"

"Dustin?"

~*~*~*~*~*~*

"Kamusta ka na? Tagal na natin hindi nagkita" sabi ni Dustin saka ako binigyan ng soft drinks

"Okay lang naman ako,ikaw kamusta ka na? Okay na ba si Snow?" tanong ko sakanya saka uminom sa soft drink

"Im fine,and okay na si Snow. Ikaw nga ang una nyang hinanap eh" sabi ni Dustin kaya napa ngiti nalang ako

"Im happy na okay kayo. Saka gusto ko rin naman makita si Snow" sabi ko sakanya

"Sasabihin ko yun sakanya. Saka nga pala Rachelle,i just want to apologize" sabi ni Dustin kaya napa tingin ako sakanya

"Sorry saan?" tanong ko sakanya

"Sa mga nagawa ko sayo noon" sabi ni Dustin

"Okay lang yun,saka ako naman ang sunod ng sunod sayo noon eh" sabi ko sakanya

"Still sorry,ikaw may boyfriend ka na? Asawa? Fiance?" tanong ni Dustin saakin kaya umiling ako

"Wala,still single. Eh ikaw?" tanong ko sakanya

"Wala rin. Pero may babae akong lagi ko na iniisip. Hindi ko rin alam kung gusto ko sya" sabi ni Dustin habang naka tingin saakin

Ako ba ang tinutukoy mo Dustin? Wag ka namang paasa please

Masakit kasi eh,sobrang sakit...

~~~~~~~~
Sana nagustuhan nyo :)

Malapit na itong matapos yipeee!! ↖(^_^)↗

Pag natapos na ito, 'The Cold Hearted Queen' ang una kong maipublish

Why? Dahil hindi pa ako nakagawa ng cover sa story and plot ng 'Byaheng Forever' na book 2 ng 'The coolest girl ive ever meet'

So yeah,sana support nyo rin ang bago kung story ^_^

Thank you for reading! :*
See you next chapter! :D

winternessa <3

Three Sided Love {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon