Chapter 8

9.2K 171 6
                                    

Kelly's POV

I can't count how many minutes I've been sitting here on the sofa of his unit. I have also observed the living room of his unit for a long time. Tanging puti lamang ang kulay ng walls niya rito sa living room, and if I am not mistaken is ganoon na lahat hanggang sa kitchen and the other parts of his unit. Hindi ko kasi masyadong napagmasdan o nabigyang pansin ito kanina nang una akong makapasok dito dahil sa mga pangyayare.

I was busy observing and checking everything that is here when the door opened. Napatayo kaagad ako nang bumukas iyon at pumasok si Ma'am Debbie and Ma'am Kylie. Since pag-open mo ng main door ay matatanaw na ang living room, kaya mabilis ko lamang nalaman kung sino ang dumating.

Bakas ang pag aalala sa kanilang muka nang maglakad sila palapit sa akin.

"Kelly, how are you?" nag aalalang bungad ni Ma'am Debbie sa akin nang makalapit siya.

"I'm fine, Ma'am." maagap kong sagot. I don't want them to worry about me. Ako nga ang nag aalala dahil tuwing naiisip ko na isa akong dahilan kung bakit hindi natuloy ang pag share si Mr. Castro ay mas lalo akong nahihiya.

"Did that pervert old man do something aside from harassing you?" Ma'am Kylie asked with a hint of madness in her voice, and I just shook my head as an answer.

Kung may iba pa mang gagawin ang matandang iyon sa akin ay hindi ko na mapapalagpas iyon at baka ako na rin mismo ang sumuntok sa kanya o tulungan ko si Sir Eljie na sumapak sa manyakis na iyon.

"Mabuti pa at magpahinga ka na. You can continue working tomorrow if you want." Ma'am Kelly.

"But I'm sure kailangan ngayon ni Sir ng secretary, lalo na't maraming kailangang ayusin..." sagot ko.

Kailangan na mag change plan dahil palpak ang unang plano. Sana lang ay may naihanda silang plan B. Mukang inaasahan kasi ng lahat na matutuloy ang pag share ni Mr. Castro sa kompanya. Kaya naman mabibigla ang lahat sa biglang pag change plan kung sakali, lalo at nalalapit na ang big project na sinasabi.

Hindi ko alam kung nasabi ko na ito ngunit lalo akong nakakaramdam na naman ng pagka-guilty. Hindi ko alam kung isisisi ko ba kay Mr. Castro ang nangyare o isisisi ko sa sarili ko. Napapagod na ako sa kakaisip nang paulit-ulit.

"You can resume your work tomorrow, okay? Maraming tutulong kay Lill bro doon, and you, you need to rest muna." si Ma'am Debbie ang sumagot, and I guess I can't do anything about it anymore, they already insist, beside, napagod na rin ako kakaisip ng kung ano ano, kailangan ko munang magpahinga.

"Sige po, Ma'am. Thankyou so much, and I should go." I said and they just nodded while smiling.

Kinuha ko ang gamit ko sa sofa saka naglakad palabas ng unit ni Sir. Magkatabi lang naman ang aming tirahan kaya kaagad akong nakarating sa unit ko. And the moment I saw my bed kusa nang humiga ang aking katawan, ipinikit ko nalamang ang aking mga mata hanggang sa lamunin na ako ng antok.

-

Another day came, hindi na talaga ako pumasok kahapon, maggagabi na rin nang magising ako, napahaba na ang tulog ko kahapon ni halos hindi na ako makatulog kagabi.

At syempre hindi naman na siguro excuse iyong nangyare kahapon para mag absent ulit ako sa work ngayon, and there are so much to do today.

Sumabay ako kay Sir papunta rito sa company ngunit nauna na siya sa taas dahil inutusan pa niya akong bumili ng kape rito sa baba. I often make coffee for sir, but there are also times when he just orders me to buy it instead of making it.

'Ayaw siguro niyang ma-adik sa gawa ko.'

Napahagikgik ako nang mahina at napailing sa iniisip ko. Itinuloy ko ang paglalakad papasok sa cafeteria since meron namang itinitinda rito. Halos kompleto na talaga rito, meron ng mga sliced cakes and other breakfast.

My Boss My LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon