Chapter 13

8.4K 167 6
                                    

Kelly's POV

"Subukan mo ito lahat at tignan mo kung alin ang kasya mo." ipinakita sa akin ni Ma'am Debbie ang lahat ng mga dress na nakalapag sa kama.

The motif of her wedding is primrose, it is one of a shade of yellow.

Tumango ako saka kumuha ng isusukat kong dress. Tinutulungan din ako ni Ma'am Debbie ng kakasya sa akin.

She bought these dresses that were on the bed for their special visitor, just like me. I didn't asume that I am special, galing na sa kanya iyon, siya na mismo nagsabi bago niya ako dalhin dito after naming magmeryenda.

Hindi ko alam kung ilang dresses ang isinukat ko bago ako makahanap ng kasya sa akin.

"This fits me very well, Ma'am. Ito nalang po." I said while the dress is in my hand. Hinubad ko rin ito nang maisukat ko.

"Sige, I want to see you tomorrow wearing this dress." she said while smiling. "Let's go? Hatid kita sa tutuluyan mong room." iginaya niya ako palabas sa kwartong kinaroroonan namin, "There is two guestroom downstairs, ang isa ay gagamitin ni Lil bro, and you can have the other one." tumango nalang ako bilang sagot sa kanya habang naglalakad kami pababa ng hagdan.

The two guestroom was divided by the stairs, in left side when you're facing the stairs is the room that Sir Eljie will occupy, while the right side is the room that I will be using. And if I am not mistaken there are three bedrooms upstairs that Ma'am Debbie, Ma'am Kylie and the other one that I still don't know will occupy.

"Thanks, Ma'am..." sabi ko nang buksan niya ang pintuan pagkatapos itong susihan.

"No worries, sleep tight, okay? Enjoy your stay here, be comfortable, and if you ever need something you can ask my Lil bro." she said and tailed it with a chuckle.

"Sige po, Ma'am." nahihiyang sagot ko, she seems like teasing me. "Congrats po pala and wedluck, Ma'am." I added, nagpasalamat siya bago ako iniwan.

Ako naman ay pumasok na sa loob ng kwarto at isinara ang pinto. I switched on the light and a plain white room ang bumulaga sa aking paningin. 'So simple and clean.', nasabi ko sa isipan ko.

I walked towards the bed and put the dress on it. Inilapag ko rin ang aking bag na kanina ko pa hawak hawak saka napagdesisyunan na mag-shower na muna.

Hindi naman siguro masama kung makiki-shower ako, diba? Hindi ko naman kasi kakayanin na matulog na lamang ng ganito, hindi pa ako nakakapagpalit ng damir galing sa trabaho, maghapon ko na itong suot at hindi ko maaatim na isuot pa ito sa magdamag.

But then one thing hit me that made me realize that I don't have any sleepwear here. Ni wala nga akong dalang kahit anong pamalit. 'Crap! Paano na ngayon?'

Paulit ulit at pabalik balik akong naglalakad habang nag-iisip ng pwede kong gawin nang may kumatok sa pintuan. Masyadong na occupied ang isip ko sa pag-iisip ng kung ano ang aking gagawin, kaya naman nang may kumatok ay ganoon na lamang ang gulat ko.

Lumapit ako sa pintuan saka binuksan ang pinto, tumambad sa akin si Ma'am Kylie na may hawak na damit sa kanyang kamay.

"Hi, sorry to disturb you, pinapahatid lang ni Ate Debbie." iniabot niya sa akin ang white silk pajama na terno, at sobrang nagpapasalamat ako sa aking isipan dahil hindi na ako mag-iisip pa ng paraan para makahiram ng damit.

"Thank you so much, Ma'am Kylie." kung pwede ko lamang siyang yakapin sa sobrang tuwa ay ginawa ko na.

Nakangiti lamang itong tumango bago siya nagpaalam na aakyat na sa taas. Sinabi rin niya na may mga unused toiletries pa sa bathroom na pwede kong gamitin.

My Boss My LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon