Chapter 17

7.8K 120 8
                                    

Kelly's POV

Nang magising ako kanina sa couch ng living room ni Eljie- first name basis na talaga at wala ng 'sir'- ay may kumot na sa aking katawan. Hindi ko na namalayan kagabi na rito na ako nakatulog, hindi ko rin alam kung saan siya natulog, basta nagising ako ng mag-isa sa sala, samantalang siya ay naliligo na pala.

Ewan ko pero ang ganda ng gising ko ngayon, para bang ang sarap sa pakiramdam. Hindi na rin mawala ang ngiti sa mga labi ko. 'Is it because of him?'

"Kay ganda ng mga ngiti, aba?" bahagya pang binangga ni Clara ang aking balikat habang tinutukso ako.

"Masarap lang ang tulog ko, baliw." ngiti ngiti kong sagot. Pakiramdam ko ay nangangawit na ang panga ko sa kakangiti, para na akong baliw dito.

"Hmm... Talaga lang ah?" hindi naniniwalang sagot naman niya.

I was about to answer when my phone rang, nagpaalam naman ako na sasagutin ang tawag, sa likod ng bahay na ako dumeretso, at nang nasa likod na ako ay sinagot ko na ang tawag.

"Hello, Sandie? Ano okay na?" tanong ko kaagad.

["Yes, nakapag-usap na kami..."] kalmado ang boses niya. Napabuntong hininga ako.

"Mabuti naman, anong plano niyo?"

["Siguro sasabihin na agad namin sa mga magulang namin. Sana lamang ay matanggap ng parents ni Andrie ang nangyari, pati na rin ang parents ko."] kapagkuwan ay bigla itong nagtunog nababahala.

"Sabihin niyo na habang maaga pa. Tsaka kung sakaling hindi sang ayon ang magulang, may trabaho na si Andrie, may kompanya na rin, kayang kaya niya na kayong buhaying mag-ina, ang mahalaga ay tanggap niyong dalawa iyang bata."

["Sabagay... I'm so glad that Andrie accepted our baby. Akala ko kasi hindi niya matatanggap dahil biglaan din at marami siyang responsibilidad pa, akala ko lang pala."]

"Ikaw naman kasi, pinangunahan mo kaagad." sagot ko. "Sasampalin ko talaga iyon kapag itinakwil niya kayo." kunwari ay galit kong sabi na ikinatawa lang niya sa kabilang linya.

["Thank you, Kelly, ah? Kung hindi mo siya tinawagan kagabi para mag usap kami siguro hanggang ngayon nababaliw pa rin ako sa kakaisip ng gagawin ko."]

"Ano ka ba? Napakaliit na bagay lang no'n. Sige na, may trabaho pa ako, tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka, okay?"

["Sige, salamat ulit. Bye!"]

The call ended, at halos mapatalon ako sa sobrang gulat nang may matipunong mga bisig ang pumalibot sa akin kasabay nang mainit na hininga na dumapi sa aking leeg.

Base on smell and scent ay napag alaman kong si Eljie ang yumakap sa akin mula sa likuran. Mas lalo tuloy dumagundong ang tibok ng puso ko dahil sa kaba na baka may makakita sa aming dalawa, lalo na't nandito ang mga katrabaho ko.

"Eljie...", I tried to get out of his embrace and fortunately I succeeded.

"It's really nice to hear my name coming from your lips." pambabalewala niya sa takot na nararamdaman ko.

'Ano ba ito? Bakit ang harot niya?'

"Makikita nila tayo, hindi mo dapat ako niyakap."

"They are all busy." sagot lang niya. Napalingon lingon ako sa paligid at pansin kong wala namang nakakita sa amin kaya medyo kumalma ako.

"Kanina ka pa rito?" tanong ko, tukoy ang likod ng bahay.

"Not so much." sagot niya. "Let's head inside and finish off our work." saka niya ako iginaya paloob, ngunit nang malapit na kami sa area kung nasaan ang mga katrabaho namin ay medyo lumayo na ako sa kanya, naintindihan naman niya siguro ang gusto kong mangyari kaya hindi na siya nagreklamo.

My Boss My LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon