Chapter 16

7.8K 140 4
                                    

Kelly's POV

Hindi ko na alam kung ano ang mga sumunod na nangyari kagabi, ang alam ko nalang ay tulala nalang ako rito ngayong umaga habang iniisip lahat ang mga nangyari kagabi.

"Hoy, tawag ka ni Sir, bili raw kayo ng lunch natin.", napalingon ako kay Clara ng kalabitin niya ako.

Malalim nga yata talaga ang aking iniisip dahil hindi ko alam na tinatawag pala ako ni Sir Eljie.

"Nasaan siya?", tanong ko.

"He's waiting outside." sagot niya kaya itinigil ko na ang aking ginagawa at naglakad palabas.

Nang makalabas ako ay natanaw kong nakasandal siya sa kanyang sasakyan at nasa akin ang kanyang tingin. Bigla tuloy akong na conscious sa paglalakad ko.

"Get in the car.", sabi lang nito nang makalapit ako, nauna na rin siyang pumasok sa loob.

Seriously? Siya talaga ang magda-drive? Where is his driver?

Nang pumasok ako sa passenger seat ay nagsimula na rin kaming bumyahe. While we were on the ride, the scene last night kept running to my mind at nakadagdag iyon sa hiyang nararamdaman ko, lalo na at kaming dalawa lang ang nandito sa loob ng kanyang sasakyan.

"Bakit sumama ka pang bumili, Sir? You should have ask someone to come with me.", basag ko sa katahimikan.

"They were busy." maikling sagot niya. Busy din naman ako roon ah, so bakit tinawag pa niya ako? "Why? Don't you want to be with me?", dagdag nito.

"Wala akong sinabing ganoon, Sir. Para sana hindi kayo maabala.", paglilinaw ko, baka mamaya kasi bigyan na naman niya ng ibang meaning magalit na naman siya sa akin.

Hindi naman na siya sumagot pa hanggang sa makarating kami sa isang restaurant. He ordered foods, siya na ang namili ng mga kakainin. We waited 30 minutes dahil niluluto pa nila iyong mga order ni Sir. Inuna naman nila kami since kaibigan pala ni Sir iyong may ari nitong restaurant.

Kaibigan naman pala ni Sir, bakit hindi nalang siya nagpadeliver diba? Tsaka, kahit hindi niya kaibigan maaari siyang mag order at magpadeliver. Gusto niya yata na pinapagod ang sarili niya, ano?

"Sir, sana um-order nalang tayo online...", hindi ko na napigilan ang bunganga ko at nasabi ko na ang tumatakbo sa isip ko.

"Why can't you move on from that? I guess you really don't want to be with me. Is it because of what happened last night?", seryosong tanong nito sa akin, nasa daanan ang kanyang atensyon, naka focus siya sa pagdadrive.

"No, Sir. Walang kinalaman ang nangyari kagabi, hindi ko na nga ginagawang big deal iyon eh.", sagot ko na kahit ang totoo ay natutulala ako kanina kakaisip sa mga sinabi niya kagabi.

"Seryoso ako sa mga sinabi ko kagabi.", sagot nito pambabalewala sa sinabi ko.

'Alam ko! Hindi yata uso sayo ang joke eh.', sambit ko sa isipan ko. Pero bakit naman niya sinasabi ang mga ganoon diba? Gusto ba ako ni Sir? Grabe, ang speed naman.

'Parang hindi ka nahuhulog sa kanya ah?', sagot naman ng kabila kong isip.

"Sir...", iyon nalang ang tanging lumabas sa bibig ko.

"I don't know what you did to me. I'm annoyed because you manage to mess with my feelings. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko, pero gusto ko..."

Sa mga oras na ito hindi ko na alam kung ano ang dapat kong reaksyon o dapat kong sabihin. 'Bakit niya ba sinasabi ang mga ito?'

"Ano bang sinasabi mo, Sir?"

My Boss My LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon