"Part 5"
💙Jungkook's POV:💙
Nandito kami ngayon ng mga Hyungs ko at ng Manager namin sa isang Fashion Studio para magpasukat ng damit na gagamitin para sa bago naming MV na ishooshoot namin next week,habang nagkwekwentuhan sila ay tahimik lamang ako na napatingin sa buong paligid at bigla nalang akong nakaramdam ng kakaibang kaba,bakit naman kaya ako kinakabahan sa lugar na ito,narinig ko na tinatawag ni Ms.Yeun ang dalawang babae at natanaw ko ang isang babae habang papalapit sila sa aminMs.Yeun: Bang Pd Nim,Id like you to meet our Fashion Designers,Yoona and Cheonmae
Jungkook: (So Yoona pala ang pangalan niya,ang ganda namang pakinggan ng pangalan niya)
Napatingin ako sa mukha niya nang nasa harap na namin sila,habang hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya
Ms.Yeun: Yoona,Cheonmae,I"d like you to meet our client Bang Pd nim and the BTS Namjoon,Hoseok,Yoongi,Taehyung,Jimin,Jin (nakita ko siyang nagflying kiss sa dalawa,ang flirty tlga ni hyung😄) and Jungkook..
Nung ako na ang pinakilala ni Ms.Yeun sa kanila ay hindi ko nanaman maiwasang titigan ang mukha niya,nag hi siya sakin at nag hello naman ako sa kanya sabay ngumiti at nginitian niya din ako,hindi ko alam kung isa din ba siya sa mga ARMY'S o hindi niya lang kami kilala kasi hindi man lang siya napatili or napatalon nang nakita nila kami
Ms.Yeun: Kailangan niyo silang sukatan para sa shooting ng bago nilang MV before nextweek, so Y/N and Cheonmae pwede na kayong magsimula
Yoona and Cheonmae: Arraseo Ms.Yeun 😊
Sinimulan na nilang sukatan ang iba kong mga Hyungs habang hindi ko parin maiwasang mapatitig kay Yoona,nang bigla akong binulungan ni Hyung SeokJin
Jin: Jungkook ,ang cute nung Cheonmae noh 😃
(Kalapit ko lang kasi siya sa kinauupuan namin)
Jungkook: Oo pareho silang cute lalo na yung Yoona
Jin: Teka Jungkook alam mo,parang kanina pa kita napapansin na nakatitig ka kay Yoona ah, type mo ba siya?😃
Jungkook: Ahh.. Eh...
Hindi ko masabi kay Hyung Jin na naaatract na ako kay Yoona,Buti nalang at sumunod na siya sa susukatan at saktong si Cheonmae ang nagsukat sa kanya,natawa pa nga ako nung nginingitian niya si Cheonmae na parang naiilang na sa kanya pero nakangiti din siya,sumunod na akong sukatan at si
Yoona mismo ang nagsukat sa akin,inayos niya muna ang medida dahil medyo nabuhol ito ,at nung dumaan siya sa harapan ko ay parang biglang may tumunog na Bell na hindi namin alam kung saan nanggagaling ang tunog ,Baka naman yun na yung Bell na tinutukoy ko para malaman kung sinu yung magiging Soulmate ko sa future?.,habang tumutunog ang Bell ay bigla kaming nagkatitigan at parang tumigil yung oras at nakaramdam nanaman ako ng kaba na hindi ko maipaliwanag kung bakit ko nararamdaman,habang magkalapit ang mukha namin sa isat isa ay dun ko mas napagmasdan ng malinaw ang mukha niya,at parang naaatract ako sa lips niya na para bang gusto ko siyang halikan, First time kong naramdaman ito sa isang babae,dahil halos lahat ng mga naging karelasyon ko noon ay hindi ako nakaramdam ng ganito,kahit yung babaeng minahal ko noon,parang si Yoona lang ang nakapagparamdam sakin ng ganito,baka naman siya na yung Soulmate ko,parang natukso pa akong halikan siya pero nang nawala ang tunog ng Bell ay parang walang nangyari, medyo nagkahiyaan tuloy kami at parang nailang siya sakin at ngumiti siya pero tinuloy din niya ang pagsusukat niya sa akinYoona: Ahm.. sukatan na kita 😄 (medyo naiilang)
Jungkook: Sige 😊
Nang natapos na niya akong sukatan ay nagpaalam na kami sa kanila at sumabay na din si Ms.Yeun samin dahil may pupuntahan pa daw silang fashion show ng Assistant niya,pagkatapos ay lumabas na kami, pero parang may pumipigil sakin na umalis sa lugar na yon,siguro gusto ko ulit makita ang mukha ni Yoona kaya nagpahuli ako sa mga Hyungs ko at humarap ako sa kanya at ngumiti,pagkatapos ay sumunod na ako sa mga Hyungs ko at sumakay na kami sa kotse...
To Be Continued.... 😊
BINABASA MO ANG
Inlove with a Fangirl(Book 1)Completed❤
FanfictionTo you i'll always just be another fan, To me you'll always be my world ❤. Inlove with a Fangirl (VideoTeaser and Episode Inside) #BtsJungkookFanfiction Genre:Fanfiction/Romance