CHAPTER 76

472 9 0
                                    

Pinuntahan na ni Sehun ang bahay nina Jungkook at dali dali siyang pumasok para makausap si Jungkook at nakita niyang magkausap si Yeonwoo at si Jungkook

Yeonwoo: Anung ginagawa mo dito?

Sehun: Kailangan kong kausapin si Jungkook

Yeonwoo: At ano naman ang kailangan mo sa Kuya ko!

Sehun: Kakausapin ko lang si Jungkook saglit

Jungkook: Ano bang kailangan mo at nagpunta kapa dito?

Sehun: Jungkook makinig ka! nasa panganib si Yoona kailangan natin siyang iligtas

Jungkook: Ano?!

Yeonwoo: Diba ikaw ang boyfriend niya? wala nang pakialam ang kuya ko sa kanya dahil hindi na naman sila

Sehun: Pinalaya ko na si Yoona dahil mahal ka parin niya Jungkook

Nagulat si Jungkook nang malaman ang katotohanan

Sehun: Kapag ako ang kasama niya ramdam kong malungkot parin siya,dahil ang totoo mahal ka parin niya Jungkook

Jungkook: 😐

Yeonwoo: Tumigil ka!! diba sabi niya nakipagrelasyon lang siya kay Kuya dahil gusto niya lang maging masaya?!

Sehun: Hindi , ang totoo sinabi lang niya yun dahil may nag-utos sa kanya

Jungkook: May nag-utos sa kanya?Sino?

Kinabahan bigla si Yeonwoo

Sehun: Si Seijin

Yeonwoo: (Lagot na kailangan hindi ako magpahalata na pinipigilan ko siyang sabihin ang totoo) Ano?! si Sisty?!

Jungkook: Si Seijin?! pero paano?

Sehun: Dahil nung una palang siya na ang nanloloko sayo, umaacting lang siya para magustuhan mo siya dahil sabi sakin ni Yoona na sinabi ni Seijin sa kanya ang lahat lahat ,hindi ko rin siya nakilala sa ilang taon naming pagsasama,nalaman ko lang lahat kay Yoona at siya lang ang nagsasabi ng totoo

Yeonwoo: Teka sigurado kaba sa sinasabi mo?!

Sehun: Oo nilihim niya sa inyo yun dahil pinagbabantaan siya ni Seijin kaya sakin niya lang sinabi yun dahil nahuli ko siya noon,nilihim niya rin sa akin yun nung una dahil kapag hindi niya sinunod ang utos na layuan ka ay mapapahamak lahat ng mahal niya sa buhay mahal ka parin niya kaya sinakripisyo niya ang kaligayahan niya para sa kapakanan nilang lahat.. ganun niya kamahal ang pamilya niya Jungkook kaya nakikiusap ako sayo tulungan natin siya ngayon..

Naiinis si Yeonwoo pero wala siyang magawa..dahil hindi niya pwedeng basta palabasin si Sehun dahil baka mahalata na siya..Hindi makapaniwala si Jungkook na iyun ang katotohanan kaya nagsisisi siya na binago niya ang sarili niya para makaganti sayo at pagselosin ka..pero kaya ka rin niya pinagseselos ay mahal ka parin niya...

Jungkook: 😢😢 Hindi ko akalain na yun pala ang katotohanan.. totoo parin naman pala yung pagmamahal niya sakin..kailangan ko siyang tulungan..nasa panganib ang buhay niya..

Sehun: Kailangan na nating kumilos

Yeonwoo: Sasama ako.. gaganti ako kay Sisty dahil siya pala ang totoong masama dito

Jungkook: Pero delikado Yeonwoo ,wag kanang sumama

Yeonwoo: Kaya ko ang sarili ko kuya,kailangan pagbayaran ni Sisty to..

Sehun: Sige.. tara na ..

Pumunta na silang dalawa kasama si Yeonwoo na naiinis dahil wala siyang magawa kundi magpanggap,mas mahalaga parin kasi si Seijin kesa sa kanya..dali dali nang nagdrive si Jungkook sakay ang dalawa papunta sa address ng Abandonadong lugar..at pagdating nila dun ay may mga pulis na nakapaligid na tahimik na aatake at nandun din ang ibang Bangtan boys na tumawag ng pulis at nagtatago sila para hindi mahalata.. agad na pumunta ang tatlo sa kanila at sinabi nila ang nangyari..
at pumasok si Jungkook ng mag-isa para iligtas ka

RM: Jungkook,iligtas mo si Yoona pakiusap

Jungkook: Oo ,ililigtas ko siya hindi ako makakapayag na mapahamak siya

Yoona's POV
Pagkatapos ng ilang minutong pag-iisip ni Seijin ay

Seijin: Ah anu kaya kung ngayon na kita tatapusin para mawala na ang problema ko!

Agad na hinablot ni Seijin ang baril at pinutok niya iyun sa kisame at napasigaw ka..nagpapanic na ang mga nasa labas pero hindi sila nagpapahalata kaya hindi alam ni Seijin at ng mga bantay na may pulis na sa labas

Seijin: Ito may bala na to .. kaya siguradong wala kanang ligtas..😏

Pumikit ka nalang dahil wala kanang ligtas.. isasakripisyo mo nalang ang buhay mo para sa kanilang lahat at handa kana sa kung anung maaaring mangyari.. pero habang nakapikit ka parang walang nangyayari dahil parang nanonood ka lang ng mga masasayang ala ala niyo ni Jungkook pati na ang mga pamilya mo nang biglang nagsalita si Seijin at bumalik ka sa realidad

Seijin: Ipuputok ko na to pagkatapos kong magbilang

Isa...!!!

Dalawa...!!!

Tat-

Jungkook: Wag Seijin!!!! 😠

Seijin: Jungg..kk.oook?(naibaba ang baril dahil sa gulat)

Yoona: Jungkook 😐 nandito ka 😃😢

Alalang alala si Jungkook sayo niyakap ka niya ng mahigpit habang umiiyak ka at galit na galit siya kay Seijin

Jungkook: Seijin! alam ko na ang lahat lahat ibig sabihin ikaw pala ang may kagagawan nito!

Seijin: Jungkook..let me explain

Jungkook: Wala kanang dapat ipaliwanag pa, dahil sinabi na lahat sakin ni Sehun..

Seijin: Pero..

Jungkook: (Tumayo siya at humarap kay Seijin)Tapos na tayo Seijin! si Yoona ang mahal ko at wala nang iba!

Seijin: Hmm.. kung ganon. magsama kayong mamatay! (tinutok ang baril sa inyong dalawa)

Humarang si Jungkook sayo at gulat na gulat siya sa ginawa ni Seijin,Biglang dumating ang mga pulis at kaagad nahablot ang baril na hawak ni Seijin at pinagbabaril nila yung mga alalay bago makakilos kaya napatay na lahat ng mga alalay ni Seijin at nahuli narin siya ng mga pulis at ligtas na kayong dalawa ni Jungkook..

To Be Continued...

Inlove with a Fangirl(Book 1)Completed❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon