CHAPTER 65

469 12 5
                                    

"Pakiplay po muna nitong media sa taas ☝bago magbasa para habang nagbabasa may sounds at feel niyo yung binabasa niyo ,ihanda na ang mga panyo dahil sa tingin ko maiiyak kayo sa part na to kung nabasa niyo ang story simula una hanggang ngayon😢"

"Babalikan natin yung masasayang ala-ala niyo ni Jungkook noon"

Habang nakaupo ka at umiiyak naisip mo yung nangyari kanina ibang iba na siya kesa dati at biglang nagflashback sayo yung mga ala-ala na pinagsamahan niyong dalawa..

"Yung first meeting niyo,sinukatan mo siya at may tumunog na Bell tapos habang tumutunog ang Bell ay nagkatinginan kayo at muntik nang magkahalikan"

"Yung nakita mo siya bigla sa Yeouido Park at nakadisguise siya"

"Yung nagkita ulit kayo sa Party ni Yeonwoo"

"Nung sinundo ka nila ni Jin papunta sa malaking Apartment nila"

"Kayo yung nagluto ng panglunch ng BTS tapos sinuot niya sayo yung Apron na may design na pink strawberry tapos yung sa kanya blue berry tapos tinuruan mo siyang magluto ng kanin habang nagluluto ka ng sinigang at nilaga para sa lunch"

"Pinatikim mo sa kanya yung Sinigang na niluto mo at napapikit siya sa asim"

"Kwinento mo sa kanya yung tungkol sa pamilya at mga hilig mo at masaya kayong dalawa na nag-uusap habang nasa likod kayo ng malaking Apartment nila"

"Tinanung niya sayo kung siya lang ba ang Bias mo at wala nang iba"

"Nung bigla ka niyang hinalikan at inamin niyang may gusto din siya sayo"

"Nung tinanung ka niya kung pwede moba siyang maging boyfriend ,umoo ka at niyakap ka niya"

"Yung pinakilala mo siya sa Parents mo at naging Officially na kayo sa kanila"

"Yung naging first date niyo.. naglalakad kayo sa Yeouido Park habang magkaholding hands,pagkatapos ay kumain kayo sa ibat ibang restaurant"

"Yung inalagaan mo siya nung nagshoshooting sila para sa MV na Blood Sweat and Tears"

"Yung niyaya nila kayo ni Jin para sa Second date sa Everland theme park tapos naghabulan kayo at nahuli ka niya"

"Yung nilagyan ka niya ng flower sa tenga at sinabi niyang mas gumanda ka"

"Nung sumakay kayo sa roller coaster tapos kinapitan niya yung kamay mo para hindi ka matakot kasi first time mo lang na sasakay dun"

"Nung inalagaan ka niya dahil nahilo ka sa roller coaster ride"

"Yung sumali siya sa popping game at napanalunan niya yung paborito mong panda bear na stuff toy"

"Nung hinila ka niya at hinalikan ka niya tapos nakayakap ka sa batok niya at yung kamay niya nasa bewang mo"

"Nung sumama siya sayo papuntang Pilipinas para bisitahin ang pamilya mo sa palawan tapos nakalaro niyo si Hayley at naglettering siya ng Jungkook love Y/N"

"Yung nagsubuan kayo pagkatapos niyong subuan si Hayley habang kumakain kayo sa hapag kasama ang pamilya mo"

"Yung pumunta kayo sa likod ng Bahay na parang paradise at nakita niyo yung paglubog ng Araw"

"Yung pinakita mo sa kanya lahat ng poster niya na nakadikit sa kwarto mo at yung mga collections mo ng BTS pati na yung unan na may picture niya"

"Nung natulog kayo ng magkatabi pero may nakaharang na unan sa gitna tapos hindi kapa makatulog kaya sinilip mo siya at napagmasdan mo siya habang natutulog"

"Yung niyaya mo siya sa Bundok para maabutan ulit yung paglubog ng araw sa dagat pero hindi siya nakaabot kasi pinuntahan niya si Yeonwoo sa Ospital dahil naaksidente "

"Yung nagkatampuhan kayo dahil nagsinungaling siya sayo at di mo siya pinakinggan pero nagkaayos din kayo"

Habang inaalala mo lahat ng pinagsamahan niyo ay umiiyak ka parin kasi namimiss mo yung panahon na yun
pero nakaraan na yun at sa tingin mo hindi na yun maibabalik..

Yoona: Patawad Jungkook 😞 patawad.... 😔😢 patawad kung iniwan kita.. wala akong magawa.. hindi kita kayang iwan pero kailangan kong gawin to ... kailangan kong isakripisyo ang kaligayahan ko para sa kaligtasan nilang lahat.... 😫

Jungkook's POV
Umalis na ako sa Unit nila ni Sehun at nakatungo ako habang naglalakad sa Hallway at iniisip ko parin siya.. bumalik din lahat ng mga ala-ala na pinagsamahan namin.. namimiss ko lahat ng yun pero sinaktan niya ang damdamin ko.. bumalik nalang ako sa table at hinihintay na pala ako ni Seijin.. nag-upo lang ako pero hindi na ako nanigarilyo.. ininom ko nalang yung wine sa kopita ... at diko pinapansin si Seijin...

To Be Continued...

Inlove with a Fangirl(Book 1)Completed❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon